00:08A RACLETE!
00:21Mga kapuso, bago sa saksi, lalo pang lumakas at isa ng typhoon, ang Bagyong Uwan.
00:27Ayon sa pag-asa, napakalawak ng bagyo na batay sa satellite image ay halos silaki ng Pilipinas.
00:34Magin isang libong kilometro ang sakop o diameter ng bagyo.
00:38Ibig po sabihin, abot mula Batanes hanggang hilagang bahagi ng Zamboanga.
00:44Hindi rin po inaalis ang posibilidad na maging super typhoon ito.
00:50Malakas, malawak at mapaminsala.
00:54Ganyan po ilarawan na pag-asa ang Bagyong Uwan na patuloy na lumalapit sa Philippine Area of Responsibility.
01:00Naghahanda na ang iba't ibang lokal na pamahalaan sa Northern at Central Luzon.
01:04At mula sa Balera Aurora, saksilay si Ian Cruz.
01:09Ian?
01:10Pia, dito nga sa Aurora ay maagang nagpulong-pulong ang iba't ibang ahensya ng pamahalaan para nga paghandaan ang Bagyong Uwan.
01:20At ang nga patuloy na panawagan ng mga lokal na pamahalaan, lumikas na yung mga nakatira sa flood-prone at landslide-prone area para makaiwas sa piligro.
01:29Patuloy ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa foundry ng Ifagawa at Isabela bilang paghahanda sa Bagyong Uwan.
01:40Kanya-kanyang bilad ngayon ang aning palay ang mga magsasakas sa Isabela.
01:44Iniisip na ng ilan kung saan itatago ang kanilang mga alagang kambing.
01:48Pati yung mga alaga ko, talagang yung bubong nila, tatalayan ko rin.
01:52Kaya nukara na yun, daming naman tayo, kinisay, kinsingkambing.
01:55Ang ilan, di muna namili ng manok sa ibang probinsya.
01:59May hirap naman po, baka mamaya mabutan kami ng Bagyo sa daan.
02:04Sa Kapitolyo, nakahanda na ang gamit pang rescue, maging ang mga food packs.
02:09Kung meron hung umiral na na tropical cyclone wind signals,
02:12ay in effect na ho yung licorban ho natin at yung ipinagbabawal ho
02:18ang lahat ng uri ng paglalayag, pangingisda, at pagbiyayay ho sa dagat o ilog.
02:23Sa Paler Aurora, may mga nagkansel na ng kanilang booking sa mga resort at hotel.
02:28So far, may mga nag-rebook na ng mga rooms nila.
02:32Yung iba naman, umaasa pa rin na lilihis yung Bagyo.
02:36Ang ilang atraksyon sa lugar, gaya ng surfing, inaasahang magiging matumal.
02:40Walang maturuan ng surf eh.
02:43Walang tarosta, walang tarosta napunta. Gawa siguro ng Bagyo.
02:46Ang iba, nagkahan na namang lumikas.
02:49Itong araw na ito, lilipat na kami sa lugar na dapat namin lipatan.
02:54Kasi hindi na kami naghihintay na.
02:55Aabisohan pa ng barangay, delikado na nga yung panahon na yan eh.
02:59Sa bayan ng Dilasag, kinansela na kanina ang panghapong klase at trabaho sa gobyerno.
03:04Sa ganito pong kaaga pa lamang na paghahanda ay sana po'y lumikas na tayo
03:09para hindi po tayo magkaroon ng isang malalang sitwasyon.
03:11Sa Kalasyo, Pangasinan, naglinis na sa mga ilog at inayos ang natibag na dike sa barangay San Vicente.
03:19Puing po ang pag-iikot, although meron na tayong isang nakausap.
03:23And also, we are coordinating with other business establishments na maging alternate evacuation
03:33in the event na malakas talaga yung maging epekto dito sa ating bayan.
03:37Nagsagawa rin ng pre-disaster risk assessment ang Pangasinan PDRRMO
03:41nasa Blue Alert Status na ang kanilang Emergency Operations Center.
03:46We strongly recommend for the LGUs to conduct preemptive evacuation
03:53habang wala pa yung epekto ng napakalagas na bagyong O1.
03:58Isinailalim naman sa Blue Alert Status ang Baguio City.
04:02Ibig sabihin, activated na ang command center sa mahigit.
04:06Sanda ang barangay para ma-monitor ng CDRRMC ang kanilang paghahanda.
04:12May inilagay na rin sirena sa isang drainage canal
04:15para magbigay hudyat ng force evacuation kung sakaling umabot ito sa critical level.
04:20Sa ngayon, nakahanda na ang mga evacuation center
04:24pati ang mga equipment kung kakailanganin.
04:27Sabi ng City Hall, pinangangambahan sa lungsod ang mga pagkuho ng lupa.
04:32Common dito sa amin is yung rain in juice landslines.
04:40Pia, maghapong naging napakainit ng panahon dito sa Beler
04:43pero ngayong gabi ay nakaranas kami rito ng mahinang pagulan.
04:47Ayon naman sa gobernador ng Aurora, naka-preposition na ang mga pagkain,
04:52ang heavy equipment, ganyan din ang mga rescue team.
04:55Pero patuloy pa rin nilang paalala Pia na sana daw ay lumikas
04:58ang mga nasa critical areas para nga walang maitalang casualty dito
05:02sa kanilang lalawigan at live mula rito sa Beler Aurora.
05:07Para sa GMA Integrated News, Ian Cruz, ang inyong saksi.
05:11Bukod po sa malakas na hangin, baha at landslide,
05:14nagbabala rin ang pag-asa sa posibong storm surge o daluyong
05:18sa mga lugar na maapekto ka ng bagyong uwan.
05:21Saksila, si Jamie Santos.
05:24Jamie?
05:25Pia, gamitin ang natitirang oras para maghanda para sa paparating na bagyong uwan sa bansa.
05:34Ayon sa pag-asa, mapaminsalang hangin at maraming ulan ang dala nito sa malaking bahagi ng bansa.
05:41Bukas ng gabi, maaari na raw manating maramdaman ang masungit na panahon sa eastern seaboard
05:46o sa eastern section ng Luzon at Visayas.
05:48Malawak ang sirkulasyon ng bagyo mula eastern seaboard ng Luzon hanggang Visayas.
05:57Sa lawak ng sakop ng bagyong uwan, maraming lugar ang mararamdaman habang papalapit ito sa Luzon.
06:03Tomorrow evening po magsisimulan na yung stormy conditions or yung masungit na panahon
06:09especially dito sa eastern seaboard or sa eastern section ng Luzon at Visayas.
06:14So prior to landfall possible sa Sunday evening or Monday early morning dito sa southern Isabella or northern Aurora.
06:23Prior to landfall, kahit malayo pa itong bagyo, makakaranas na tayo ng mga malalakas na hangin
06:28as well as yung mga malalakas na ulan mostly over most of Luzon and dito sa eastern section po ng Visayas.
06:35Kaya nagbabala ang pag-asa lalo na sa storm surge o daluyong ng bagyo.
06:40Ang paghampas o pagpasok o pag-akit ng tubig dagat mula sa baybayin papaloob sa lupa.
06:46Bigla ang pagtaas ng tubig dagat o matataas na alon sa mga low-lying area
06:50at exposed coastal communities na malapit sa landfall point ng bagyo.
06:55Posible ito sa mga lugar ng Isabella, northern portion ng Aurora.
06:59More or less ito po yung tinatawag nating coastal flooding.
07:01Ito yung pagpasok ng tubig dagat further ilan.
07:04Kaya yung mga coastal areas na mabababa yung lugar, sila po yung most susceptible sa storm surge.
07:09Posible umabot ng more than 3 meters yung height na ito.
07:12So more or less ikukumpara po natin ito sa palapag ng building.
07:16Halos kahight niya ang isang palapag ng building.
07:19Lalo-lalo na magsusuper typhoon ito so malalakas na hangin ang dala nito.
07:24Kapag palapit ito over the eastern coast ng Luzon, na dyan po yung banta ng matataas na storm surge.
07:32Kapag sumabay daw ang storm surge sa malakas na ulan,
07:35mas mabilis natataas ang tubig sa ilog at estero na nagdudulot ng bigla ang pagbaha.
07:40Sa mga nasa dagatbaybayin sa mga coastal areas, yun po yung pinakasusceptible talaga.
07:45Usually kasi yung storm surge, yan yung mas nakakamatay na hazard na dulot ng bagyo as compared,
07:51let's say, sa malalakas na hangin, malalakas ulan.
07:53Since sila po yung unang nakakaaranas talaga nung unang hagupit na dulot ang papalapit ng mga bagyo.
07:59Tulad ng Yolanda, ang pinakamapaminsalang bagyo na dumaan sa bansa, November din ito pumasok.
08:04Ayon sa pag-asa, karaniwan ang pag-intensify ng mga bagyo sa huling bahagi ng taon
08:09dahil sa mas malawak at mainit na karagata ang tinatahak nito.
08:12So, in terms of track at kung titignan natin yung climatology,
08:16si Pepito yung usual, nasabi nating similar track nitong bagyong ito.
08:22So, pa-highest wind signal ay signal number 5 dahil prior to landfall,
08:26within the next 24 hours magiging typhoon ito and beyond that magiging super typhoon ito.
08:31So, kumbaga, malawak pang karagatan ang tatahakin nitong bagyo prior to landfall over eastern section ng Luzon.
08:42Piyas sa pagpasok ng bagyong uwan sa bansa,
08:46manatiling alerto at nakamonitor sa pag-asa para alam ang lagay ng panahon sa inyong lugar.
08:52Makipag-ugnayan na rin sa inyong mga LGUs para sa paghahanda sa inyong lugar.
08:56Live mula rito sa pag-asa para sa Jimmy Integrated News,
08:59ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
09:03Nakaanda na po ang mga evacuation centers sa ilang barangay na laging binabaha sa Quezon City.
09:08At tiniyak ding gumagana ang mga pumping stations sa Metro Manila.
09:13Saksi si Chino Gaston.
09:18Nakatupi na ang ilan sa naglalakihang billboard sa Metro Manila.
09:22Mainit ang panahon kanina, bagamat paminsan-minsan may pag-ulan.
09:27Pero pinaghahandaan ang bagyong uwan na ayon sa pag-asa ay posibleng maging super bagyo.
09:32Kapag malakas ang pag-ulan, kung sustained siya for several hours, likely mag-cause ng floods and landslides.
09:41Alam naman natin sa Luzon, maraming areas ng mga mountainous, low-lying areas.
09:47Ang MMDA tiniyak na gumagana ang 70 pumping stations sa Metro Manila.
09:52Babantayan sa command center ang posibleng pagbaha at traffic.
09:57Nananawagan ng MMDA sa mga mall operators sa Luzon na gawing libre ang kanilang parking spaces
10:03para mapaglagyan ng mga sasakyang posibleng maapektuhan ng baha.
10:08Ayon sa pag-asa, posibleng umabot sa signal number 3 ang Metro Manila, signal number 5 sa Northern Luzon.
10:15Sa barangay Bagong Silangan, Quezon City, handa na rin ang evacuation center.
10:20Yung mga naghihintay po dito ay yung comfort nila kasi para mabalik yung dignidad sa kanila
10:27na kapag kanabahaan ay maging maayos yung kanilang tutuluyan.
10:32Naroon na ang mga tent at nakastandby na rin ang mga lulutuin para sa mga evacuee.
10:37Gayon din ang mga gamot para sa mga sugatan at doxicillin na pang-kontra sa leptospirosis.
10:44May pwesto rin para sa mga alagang hayop.
10:47Sa barangay Del Monte, nakastandby ang rubber boat at relief goods.
10:51Maaga rin silang magpapalikas ng mga residente.
10:55Sakaling umapaw ang San Francisco Del Monte River,
10:58ay inilatag na nila ang lubid sa mga looban ng barangay.
11:01Magmula sa dulo ng looban hanggang paglabas,
11:04kung hanggang saan po yung tubig na makakalabas po sila,
11:08kasi napakalakas po ng current dito,
11:11makakatulong po sa kanila yun para makalabas po sila in case na matrap po sila sa loob.
11:17Sa Batangas, nagkasan ang clearing operations para maiwasan ang matinding pagbaha.
11:23Nag-inspeksyon na rin ng mga drainage at iba pang daluyan ng tubig sa Zambales.
11:28Sa taya ng OCD, mahigit 8.4 milyon na individual
11:31ang maapektuhan ng bagyong uwan sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon, Mimaroba at Bicol Region.
11:40Bilang paghahanda sa efekto ng super typhoon, payo ng OCD,
11:44mag-imbak ng supply na tubig at pagkain para sa tatlo hanggang limang araw.
11:49At asahan din daw ang posibleng mga brownout at paggawala ng telco at internet signal.
11:55Nag-abiso ang Office of Civil Defense sa mga Tagaluzon at Visayas
11:59na maghanda na ngayon pa lang para sa posibilidad ng mga pagbaha at landslide.
12:05We are urging everyone including our local government units
12:10to implement na po yung ating mga preemptive or preparatory activities
12:16in preparation dito sa possible impact nitong uwan.
12:24Hindi lang po hangin ang kalaban natin dito.
12:26Nandiyan po ang banta ng matinding pag-uulan.
12:30Hinimok na mga otoridad ang mga LGU na magpatupad na ng preemptive evacuation.
12:36Dapat daw sa linggo pa lang ay nasa evacuation center na ang mga residente,
12:41lalo na sa mga nasa high-risk area.
12:43Marami po dun sa mga namatay, dun sa experience natin kay Tino
12:47ay ang mga nabagsakan, nang puno o kaya ng kahoy.
12:51Maaaring magkaroon tayo ng mga cuts and lacerations and other traumatic injuries
12:56sa mga lumilipad na yero, sa mga lumilipad na mga bagay.
12:59So pag tayo po ay pina-evacuate,
13:01ang pinakaligtas na lugar po is yung evacuation center.
13:05Para sa GMA Integrated News,
13:07ako si Chilo Gaston, ang inyong saksi.
13:09Mga kapuso, maging una sa saksi.
13:14Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
13:16para sa ibat-ibang balita.
Comments