00:00Ititigil na muna ang mga biyahe ng barko sa Catanduanes bukas, lalo'n inaasahang uulanin na ang lalawigan at ang iba pang bahagi ng Bicol.
00:08At mula sa Santa Elena Camarines Norte, saksila si Darlene Kahn.
00:14Darlene?
00:19BNX mula ng umula ng mahina dito sa bayan ng Santa Elena Camarines Norte.
00:25Pero nakahanda naman na raw ang local at provincial government para sa pagtama ng bagyong uwan.
00:30Pati yung katabing probinsya ng Quezon ay nakared alert na rin.
00:38Kahapon pa lang, nagkaroon na ng strategy meeting sa MDR-MC Operation Center ang mga kawarin ng Lopez Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
00:48Kasama ang iba pang rescue and response teams.
00:50Tinalakay daw nilang mga hakbang at estrategia para makapagbigay ng maagap na impormasyon at pagtugon sa mga residente, lalo na sa mga bahaing lugar.
01:00Sa bayan naman ng Plaridel, inihahanda na ng Plaridel PNP ang mga gamit pang rescue at pagtugon sa mga maaapektuhan ng bagyo.
01:07Ayon kay Jonathan Devera, Administrative and Training Officer ng Plaridel Quezon MDR-MO, tatlo sa siyam na barangay ang pinakabinabantayan nila sa banta ng baha, daluyong o storm search at pagguho ng lupa.
01:21Sa linggo ng umaga, uumpisahan na raw nila ang paglikas ng nasa isang daang pamilya.
01:26Sinisiguro ng lokal na pamahalaan ng Plaridel na sapat ang kanilang pondo at rescue and response equipment para tugunan ang paparating na bagyong uwan.
01:35Lahat naman gagawin lahat ng pamahalaan lokal just to be safe lahat para sa kaligtasan ng community.
01:43Hindi kasi hindi naman natin may iwasan yung impact nga, pero at least my lesson po.
01:47Lalo-lalo na yung may iwasan yung pagkakaroon ng mga casualties, yung pagkamatay ng mga tao.
01:55Bukod sa Lopez, nasa ilalim na rin ang signal number one ng mga bayan ng tagkawayan,
01:59Ginayangan, Kalawag, Buena Vista, Katanawan, Mulanay, San Narciso, San Andres at San Francisco.
02:07Simula bukas, tigil na ang biyahe sa mga barko sa Virac, Catanduanes.
02:11Paghahandayan para sa bagyong uwan na pinangangambahang maging super bagyo
02:16at posibleng magdulot ng mapaminsalang baha, landslide, storm surge o daluyong.
02:22We cannot emphasize enough. Now is the time to prepare.
02:27Makailang beses na binibigyang din ang pag-asa, lubhang mapanganib at napakalaki itong magiging bagyong uwan.
02:35Super typhoon category ang posibleng abuti nito.
02:39Itinuturing na super typhoon ang isang bagyo kapag ang lakas ng hangin nito ay sumampa na sa 185 kilometers per hour o higit pa.
02:47Ang ganyang hangin ay mas mabilis pa sa maximum speed limit ng mga kotse sa mga expressway.
02:54Kaya nitong sumira ng mga bahay at iba pang istruktura, lalo na yung mga gawa sa light materials.
03:01Kaya rin magpadapa ng mga palayan at magpatumba ng mga puno at poste.
03:06Ayon sa pag-asa, may 700 kilometers ang radius ng bagyo at nasa 1,500 kilometers ang diametro.
03:13Ilig sabihin, kaya nitong sakupin mula Batanes hanggang hilagang bahagi ng Zamboanga.
03:18At kung susukatin nga natin yung around 700 to 750 kilometers po na radius,
03:23actually posibleng umabot pa dito sa may parting Metro Manila at yung mga nearby areas pa sa may Central Zone, Calabar Zone, Mimaropa at datito ng bahagi ng Visayas.
03:32Base sa latest forecast ng pag-asa, naasahan pa rin na papasok ang bagyong uwan sa Philippine Area of Responsibility mamayang hating gabi o bukas ng umaga.
03:42Linggo ng madaling araw, posibleng umabot na sa Super Typhoon category sa layong 305 kilometers silangan ng Viracatanduanes.
03:50Linggo ng hapo naman, halos malapit na ito sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon o 575 kilometers silangan ng Infanta Quezon.
03:59Sa pagitan ng linggo ng gabi at lunes ng madaling araw, maaaring tumama ito sa kalupaan sa Isabela o Aurora.
04:06Pero paalala ng pag-asa, hindi lang dapat ang dalawang nalawigang ito ang maghanda para sa posibleng landfall.
04:12Kung titignan natin yung center track, ito pong Aurora-Isabela, Isabela-Aurora area.
04:21Pero yung sakop ng area of probability posibleng is either mas maging maagang landfall somewhere over the Bicol region
04:28or dito sa may bandang Quezon area or up to the Isabela-Tugigaraw area.
04:35Maaga rin nagtaas ng wind signal ang pag-asa.
04:38Signal number one ngayon sa timog silangang bahagi ng Quezon, silangang bahagi ng Romblon,
04:43pati sa Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon at Masbate.
04:50Gayun din sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar Piliran, Leyte, Southern Leyte,
04:56Hilaga at gitnang bahagi ng Cebu, kabilang ang Bantayan at Camotes Islands,
05:01pati sa Hilagang silangang bahagi ng Buhod, Hilagang bahagi ng Negros Occidental,
05:06Hilagang silangang bahagi ng Capiz at Hilagang silangang bahagi ng Iloilo.
05:10Signal number one din sa Dinagat Islands at Surigao del Norte.
05:14Bukas ng hapon hanggang linggo ng hapon,
05:17may 200mm ang inaasahang ulan sa Camarines Sur, Catanduanes at Albay.
05:22Uulan din din ang ilang bahagi ng Cagayan Valley, Cordillera, Central Luzon, Calabarzon,
05:28Mimaropa, Bicol Region at Eastern Visayas.
05:32Pagdating ng linggo ng hapon hanggang lunis ng hapon,
05:35mas malakas ang buhos ng ulan sa Aurora, Nueva Ecija, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya,
05:42Apayaw, Kalinga, Abra, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan.
05:51Dahil sa inaasahang epekto ng bagyong uwan,
05:53nag-abiso ang Land Transportation Office sa Bicol na kung maari ay hindi muna ituloy ang mga non-essential na biyahe.
06:00Kabila ang mga papunta at pabalik ng Masbate at iyong mga nagdurugtong sa Visayas at Mindanao
06:05sa pamamagitan ng mga ports sa Matnog, Pilar at Piyoduran.
06:09Pati na ang mga biyahe papunta at pabalik ng Catanduanes via Tabaco Port.
06:19Iyan nagsagawa na ng pre-disaster risk assessment yung probinsya ng Camarines Norte
06:23bilang paghahanda para sa bagyo.
06:25At sa probinsya naman ng Quezon ay kansilado ang klase sa lahat ng antas.
06:29Pati na yung pasok sa government offices maliba na lang para sa essential workers.
06:34Bukas po yan.
06:35Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte.
06:37Ako po si Darlene Cai ng GMA Integrated News, ang inyong saksi.
06:42Mga kapuso, maging una sa saksi.
06:45Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.