Skip to playerSkip to main content
[Trigger warning: Sensitibong balita]


Galit na kinumpronta ang isang guro sa Tarlac ng pamilya ng walong taong gulang niyang estudyante na ginahasa umano niya sa loob ng paaralan. Sa gitna ‘yan ng paghaharap nila sa piskalya kung saan iginiit ng pamilya ang hustisya para sa biktima. Itinanggi naman ng paaralan na meron silang dark o confession room kung saan umano naganap ang krimen sabay banta sa mga gagamit umano sa insidente para sa pansariling interes.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:06Galit na kinumpronta ang isang guro sa tarlak ng pamilya ng walong taong gulang niyang estudyante na ginahasa umano niya sa loob ng paaralan.
00:15Sa gitna yan ang pagharap nila sa piskalya kung saan iginiit ng pamilya ang ustisya para sa biktima.
00:20Itinanggi naman ng paaralan na meron silang dark o confession room kung saan umano naganap ang krimen sabay banta sa mga gagamit umano sa insidente para sa pansariling interes.
00:32Nakatutok si Jonathan Andal.
00:33Hindi nakapagpigil ang mga magulang ng walong taong gulang na grade 3 student nang makaharap sa piskalya ang 23 anyos na gurong gumahasa umano sa bata.
00:54Hindi po siya makatingin ng diretsyo. Pustisya yung gusto ko para sa anghel kong anak na inabuso ng isang teacher.
01:02Si teacher ayaw munang magbigay ng pahayag ayon sa kanyang abugado pero nagpasaan nila sila sa piskal ng sagot sa aligasyon o counter affidavit.
01:11Noong October 29 sa kwartong ito, nakadikit ng classroom sa paniki Tarlac, sinasabing ihinalay ng guro ang batang babae.
01:18Tinatawag umano ito ng guro na confession room pero dark room ang tawag dito ng bata dahil madilim.
01:24Naglabas ng pahayag ang paaralan na hindi namin papangalanan para sa proteksyon ng lahat ng estudyante.
01:30Itinanggi nilang may dark o confession room sa paaralan.
01:34Hanggang kahapon, wala pa umanong natatanggap ang paaralan na formal na report o komunikasyon mula sa magulang ng bata
01:40sa kabila ng mga hakbang nila para makausap ang mga ito.
01:44Itinanggi yan ng ina ng bata.
01:46Hindi umano sinagot ng acting principal ang tawag niya sa messenger hanggang matawagan na niya ang cellphone number nito.
01:52Nang tanungin kung kailan sila a-action ay sinabi umano nitong sa November 3.
01:57At nang iginiit ng ina na gusto niyang makausap ang presidente ng paaralan, sinabing ia-update na lang siya.
02:03Naghintay pa umano ang ina ng dalawat kalahating araw para makakuha ng appointment sa presidente ng paaralan.
02:09Sabi ng paaralan, may ginawa na silang hakbang dalawang araw pa lang matapos ang insidente
02:13para palakasin ang siguridad at kaligtasan ng mga estudyante.
02:16Dati na nilang sinabi na maglalagay na sila ng mga CCTV at ipinatutupad na ang no-touch policy
02:21o pagbabawal sa mga gurong humawak sa mga estudyante.
02:25Nagbanta ang paaralan na gagawa sila ng mga hakbang laban sa mga gagamit ng tinawag nilang isolated incident
02:32para sa kanila umanong pakinabang o pagkiling.
02:35Mula Tardlock City para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended