00:00Maaga at mahusay na paghahanda, naging masusi upang maibsa ng malaking epekto ng Bagyong Tino sa Danau City, Cebu.
00:08Si Jessa Agua o Agua Ilanan ng Radyo Pilipinas Cebu sa detalye.
00:15Para sa local government unit ng Danau City sa northern Cebu,
00:19ang mga naranasang kalamidad sa nakaraan ang nagsilbing paraan upang mas paghusayin nito
00:24ang mga paghahanda kontra sakuna gaya ng paghagupit ng Bagyong Tino.
00:28Ang naturang syudad ay katapat ng Kamotes Island na unang hinagupit ng bagyo bago tumama sa mainland Cebu.
00:35Higit isang daang libong individual ang apiktado ng malawakang flash flood sa Danau.
00:40Sa kabila nito, mababa ang naitalang bilang ng mga nasawi sa lugar na nasa siyam lamang.
00:45Ayon kay Danau City Disaster Risk Reduction and Management Office Head Roland Reyes,
00:50ang paghahanda sa worst case scenario ang kanilang naging sandata.
00:53Maaga nilang pinasara ang mga establishmento, pinalika sa mga residenteng nasa hazard prone areas,
00:59pinatunog ang siren upang i-alerto ang mga residente sa paparating na piligro,
01:04kasabay ng rekorida o pag-iikot ng DRRM personnel kasama ang kapulisan sa buong syudad lalo na sa high risk areas.
01:11Objective talaga nito is to attend zero fast food.
01:13Ang typhoon na pumunta rito, it was for me, for my 54 years, ngayon ko lang naranasan ng kalaking baha.
01:21When we receive advisory from Pag-asa, immediately we convened.
01:25We also requested national agencies, the PNP, the BNP, to sound their siren, including all our emergency response vehicles.
01:35Pinunto din ni Ginaong Reyes na malaking bagay ang suporta ng kanilang local chief executive na si Mayor Nito Dorano at ni Governor Pamela Baricuatro
01:42pagdating sa logistics, equipment at pondo sa kanilang procurement at operational expenses.
01:48Kaugnay nito hangad ng Danao City DRRM officer na siyang pinuno din ang League of Local DRRM Officers sa buong laluigan ng Cebu
01:56na mapaigting pa ang paghahanda laban sa sakuna ng lahat ng LGU upang maiwasan ang malawakang pagkasira ng ari-arian at pagkamatay.
02:04Mula dito sa Cebu para sa Integrated State Media, Jessa Agua Ilana ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.