Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Planong magtakda ng Department of Agriculture ng Maximum Suggested Retail Price sa Pulang Sibuyas at Kambang Baboy.
00:10Kung magkano yan, alamin natin sa Balitang Hatid ni Bea Pinlak.
00:16Hindi pa man nahihiwa ang mga panindang sibuyas na ito, mapapaiyak ka na sa presyo.
00:22Nasa P130 to P180 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas dito sa Mega Q Mart sa Quezon City.
00:30Masakit. Actually, hindi lang naman talaga sibuyas ang mahal. Halos lahat ng gulay nagmamahal.
00:35Talagang napakahirap. Napakahirap sa pagbabudget. Pero ayun na nga, sinasabi ko wala tayong choice kundi talagang gagawan at gagawan mo ng paraan.
00:43Sa monitoring ng Department of Agriculture, umaabot ng 200 pesos kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa mga pamilihan sa Metro Manila.
00:52Marami naman daw ang supply ng imported sibuyas.
00:54Kaya pinag-aaralan ng DA na magtakda ng 120 pesos maximum suggested retail price para rito sa susunod na linggo.
01:03Magandang balita para sa mga mamimili ang pagtatakda ng MSRP.
01:06Malaking may tutulong sa amin yun. Pero sana, sana talaga. Mahirap din kasi umasa. Antay na lang talaga natin. At gagawa na lang talaga tayo ng paraan.
01:14Ang mga nagtitinda ng gulay, tiyak daw na aaray.
01:17Hindi pwede. Hindi na kami magtitindan yan pagka yung presyo nila ang masusunod. Kasi ampuhuna namin o ang 50 na eh.
01:30Pati presyo ng karning baboy, posibleng lagyan ng MSRP. Palaisipan daw kasi sa DA kung bakit mataas ang presyo ng baboy, lalo na ng liyempo, dahil mababa naman ang farm gate rates.
01:40Ang liyempo talaga mataas. Kasi alam mo naman, mataas talaga kahit noon pa.
01:48Nangangamba naman ang ilang nagtitinda ng baboy sa posibleng epekto ng mababang MSRP sa kita nila.
01:54Sobrang tumal ngayon. Totoo lang. Mas totoo lang, hindi kami kumikita ngayon. Pwesto, tauhan, kulang pa. Tapos silang mga dealer, mga supplier, silang magbaba ng baboy, hindi kami.
02:04Sa Mega Q Mart, umaabot ng 450 pesos ang kada kilo ng liyempo at 360 pesos naman sa Kasim.
02:12Sa monitoring ng DA, nabibili ng hanggang 480 pesos ang kada kilo ng liyempo sa mga pamilihan sa Metro Manila.
02:20Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended