00:00Samantala, buong Palawan naman ngayon ang hinahagupit ng Bagyong Tino.
00:04Nag-landfall ang sentro nito sa Batas Island, Taytay.
00:07Bukod sa Bagyong Tino, mahigpit din minomonitor ng pag-asa
00:10ang tropical depression sa labas ng bansa.
00:12Ang update sa lagay ng panahon, alamin natin kay Ais Martinez, live mula sa pag-asa.
00:17Ais?
00:21Josh, ma, anumang oras nga ngayong umaga ay nasa West Philippine Sina,
00:25ang sentro o mata nitong si Typhoon Tino.
00:28Sa ngayon, nasa coastal waters ito ng Binapakan, Palawan.
00:32At may taglay itong hangin, umaabot sa 120 kilometers per hour.
00:35Pabugso ng hangin malapit sa gitna, umaabot naman sa 165 kilometers per hour.
00:40At gumagalaw sa mabagal na West-Northwest, 15 kilometers per hour.
00:43Papunta nga dito sa West Philippine Sea.
00:46Kung nakikita natin itong screen na ito, red areas na yan,
00:49ay yan ang heavy rainfall, bit-bit pa rin ng typhoon,
00:52lalo na dito sa malaking bahagi ng Palawan.
00:55Kaya naman nagpalabas ang pag-asa ng heavy rainfall forecast for today.
00:58Makararanas pa rin ng more than 200 millimeter amount of rainfall.
01:02Ang malaking bahagi ng Palawan, maging dito sa northern section ng Palawan.
01:07Ang Mindoro provinces naman, makararanas ng 100 to 200 millimeter amount of rainfall
01:11sa loob ng 24 oros o 24 hour period.
01:15Dito rin sa parte ng Panay Island, makararanas din ng 100 to 200 millimeter amount of rainfall.
01:21Habang ang yellow area, siya naman ay 50 to 100 millimeters.
01:24Kaya sa mga kababayan po natin dyan, maging alerto pa rin po tayo sa posibleng landslide at flash flood.
01:32Samantala, sa ngayon ay posibleng lumabas na ng Philippine Area of Responsibility.
01:37Ang typhoon, bukas pa yan ng umaga o Webes ng umaga.
01:41Babaybayin ito ang West Philippine Sea this morning.
01:44Ngayon paman, hagit pa nga rin ng spiral rain bands ang malaking parte ng Western Visayas at Southern Luzon.
01:50Sa puntong ito, makakausap na po natin ang ating weather specialist, si Ms. Charmaine Varilla,
01:56para talakayin ang ilang mga lugar pa na nasa ilalim ng signal number 4.
02:00Ibinaba na nga ang signal number 4 sa ilang parte ng Visayas.
02:03Sa mga oras na ito, ma'am, ano po ang affected areas ng ating wind signal warnings?
02:07So, sa nakikita po natin, base sa ating mapa, ay yung northernmost part nga nitong Palawan,
02:14ang may pinakamataas na wind signal number 4 sa ngayon.
02:17And dito sa may northern parts ng Palawan, kasama nga dyan, yung Cuyo Islands,
02:21ay merong wind signal number 3.
02:23Sa buong Palawan nga, nakikita natin, ay merong wind signals up until dito sa may center part ng Palawan,
02:31kung saan maabot ang wind signal number 1.
02:33And then, nakikita nga din natin, meron pa rin tayong wind signal number 2 dito sa may southern parts ng Mindoro province,
02:40and for the rest of the Mimaropa, dito nga sa Romblon, Oriental Mindoro, rest of Mindoro,
02:46and dito sa may western section ng Visayas, ay under wind signal number 1.
02:51Ma'am, in effect pa rin po ang storm surge warning natin, ano pong coastal areas ang affected nito?
02:57So, sa nakikita po natin din, ay yung mga coastal areas dito sa northernmost part ng Palawan,
03:04specifically nga yung mga areas under wind signal number 3 and 4,
03:08sila yung may martataas na mga storm surge.
03:10At ina-expect nga natin yan within today, within 24 hours, and exceeding yan more than 3 meters.
03:17So, napaka-delikado po nito, lalong-lalo na sa nakikita po natin,
03:21ay nandito pa lamang yung mata ng bagyo, at hindi pa siya nakakalampas dito sa may kalupaan ng Palawan.
03:26So, nakataas pa rin po ang ating gale warning, maaaring niyo po bang i-explain ano pong areas ang delikado pang pumalaot?
03:34Yes po, so dito nga sa nakikita natin na gale warning,
03:37nakataas ang gale warning sa may northern Palawan, including Cuyo at Calamian Islands,
03:43Calayan Islands, southern coast ng Occidental Mindoro, western coast ng Aklan,
03:48at dito sa may Antique, including Kaluya Islands.
03:50Pag sinabi po natin gale warning, lahat po ng sasakyang pandagat ay inaabisuhan po natin na huwag munang maglayag
03:57dahil napaka-delikado ng pag-alon.
03:59At sa nakikita nga natin sa projection natin, maaaring yung umabot ng 6 meters or almost 2 palapag.
04:06Pag-usapan naman po natin, ma'am, ang potential super typhoon na maaaring nga pong pumasok
04:11sa loob ng Philippine Area of Responsibility pagsapit ng Biyernes.
04:15Sa ngayon, tropical depression pa po ito, at may taglay ng hangin umabot sa 55 kilometers per hour.
04:21Nasa layo pa ito na 1,830 kilometers east of southern Mindanao.
04:26Kailan po ba ito papasok ng PAR o lalapit ng kalupaan?
04:30Yes po.
04:30So, ang nakikita nga natin na range kung saan papasok nga ito sa loob ng ating PAR
04:34ay by Friday evening o di kaya naman Sabado ng madaling araw.
04:39Ngayon, nakikita natin na nasa typhoon category na siya before pa siya makapasok ng ating PAR.
04:45At pagdating nga nga dito sa may karegata ng Pilipinas, sa may Central Philippine Sea
04:50o di kaya naman sa may Northern Philippine Sea, ay doon na siya magiging isang super typhoon.
04:55At base sa mga projection natin ng mga models, although sa ngayon ay mataas pa ngayon yung uncertainty nito, no?
05:00Kasi malayo pa yung time frame.
05:03Pero maaaring nga itong dumaan initially sa may Northern and Central Luzon.
05:08Pag sinabi pong Central Luzon, dabay na nga rin po dito ang Beto Manila
05:12kasi by that time, super typhoon na siya.
05:14Pag tumama siya ng Northern or Central Luzon, malawak po yan di po ba?
05:19Yes po, tama po kayo.
05:20Bale, yung radius po nito sa ngayon ay nasa 300 km.
05:25So, halos kasing laki nga nito si Tino
05:27at ina-expect nga natin na maaari pa itong mas lumakas
05:31at mas lumawak pa yung sakop ng malalakas na hangin nito sa mga susunod na araw.
05:35At base sa nakikita nga nating projection, kung i-coconsider natin
05:39yung areas of uncertainty, maaari itong bumaba hanggang dito sa may Southern Luzon
05:44o di kaya naman tumaas hanggang dito sa may Batanes area.
05:48Alright ma'am, so as early as anong araw po magpapaulan
05:51itong potential na super typhoon natin this coming week?
05:54Sa nakikita po natin, no?
05:56Ay posible na nga makita yung mga malalakas na mga pagulan
05:59ng linggo, ng gabi.
06:01Pero yung pinakamalakas nga, nasa early next week
06:06so mga Monday up until Wednesday
06:07yun po yung nakikita natin yung peak ng mga pagulan nito.
06:10Alright ma'am, maraming salamat po.
06:12Yan po ang latest natin mula dito sa Pag-Asa Headquarters.
06:15Ako po si Ais Martinez, balik sa inyo sa studio.
06:19Maraming salamat Ais Martinez.
06:21Maraming salamat Ais Martinez.