Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Welcome to the GMA Regional TV.
00:30Igan, kabila nga ang Leyte, Negros Oriental at Bohol sa mga napuruhan ng Bagyong Tino.
00:37Sa bayan ng Abuyog dito sa Leyte, kinailangang mag-deploy ng karagdagang tauhan ang polisya para tumulong sa clearing operations.
00:47Napuno ng MDRMC Evacuation Center sa bayan ng Abuyog.
00:52Ang mga motorsiklong nakaparada sa evacuation center nagtumbahan dahil sa masamang panahon.
00:57Sumama ang regional news team sa MDRMO nang mag-ikot sila para mag-inspeksyon.
01:04May nadaanan kaming mga bahay na nasira ng bagyo, maging mga puno, nabual at nagsitumbahan.
01:11Nang mag-umaga, nakita ang laki ng pinsala.
01:14Ang polisya nag-deploy ng personnel para magsagawa ng clearing operations sa kalsada.
01:20Kahuman sa panguli na sa mga tao sa evacuation center, so mupukos na puntas para makaagi ang supply kung may mga relief operation.
01:27So makaagi na din ang kalsada.
01:30Sa lungsod ng Javier, may ilang residente na abala sa pagkukumpuni ng nasira nilang bahay.
01:37Sa San Vicente, poblasyon sa bayan ng Mahaplag, problema ng ilang residente ang grabing putik na iniwan ng baha.
01:45Umapaw raw kasi ang ilog sa kanilang lugar.
01:48Pero ang mas malaking problema, paano maglilinis kung wala namang tubig sa gripo at kinakailangan pang mag-igim sa may munisipyo.
02:18Ang isang residente ibinilad na lang sa araw ang bagong ani niyang bigas na nabasa.
02:28Karamihan naman sa mga pamilya sa kanilang lugar ay pansamantalang nanunuluyan sa kapilya na binaharin.
02:36Pinalubog ng Bagyong Tino ang ilang bahay sa Gihulngan City, Negros Oriental.
02:41Ang mga bahay sa barangay poblasyon, pinasok ng tubig kahapon.
02:46Ito'y matapos umapaw ang baha sa Gihulngan River, ayon sa PDRMO.
02:51Bagamat wala pang datos ang PDRMO, tiniyak nitong ligtas ang mga apektadong residente, pati ang mga alaga, sinagip ng mga residente.
03:02Ang tulay na ito sa barangay Buena Vista, Gihulngan City, halos abuti ng rumaragas ang ilog.
03:09Hindi rin nakaligtas ang bayan ng La Libertad sa bagsik ng Bagyong Tino.
03:14Umapaw raw kasi ang La Libertad River kaya binaha ang palengke roon.
03:19Sa datos ng PDRMO, mahigit apat na libong pamilya ang isinilalim sa preemptive evacuation noong Martes ng gabi.
03:29Sa labing siyam na bayan at anim na syudad sa buong probinsya ng Negros Oriental,
03:34prioridad sa mga pinalikas ang mga nakatira malapit sa dagat at ilog.
03:40Naranasan ang malakas na hangin at nambuhalang alon sa mga baybayin sa Panglaubuhol kahapon Martes dahil sa Bagyong Tino.
03:48Sa barangay Bulod, naglalakihan ang mga alon kasabay ng malakas na hangin.
03:54Pero sa kabila ng mas sungit na panahon ay may ilang turista na naligo.
03:59Wala namang major damage sa mga resort dito.
04:04Isinilalim sa Tropical Storm Signal No. 2 ang buhol batay sa huling tala ng pag-asa.
04:10Pero ang Northern at Eastern buhol ay nasa Storm Signal No. 3 at 4 kahapon.
04:17May naiulat din na nasawi sa buhol matapos madaganan umano ng puno.
04:22Wala pang detalye ang CDRMO ukol dito.
04:25Igan, ayon sa Office of Civil Defense Region 8, may ilang mga LGUs na dito sa Eastern Visayas
04:36ang nagdeklara ng State of Calamity para magamit ang kanilang Quick Response Fund.
04:40Kabilang ang Bayan ng Giwan sa Eastern Samar at Bayan ng Silago sa Southern Lete.
04:45Nagpapatuloy sa ngayon ang response and relief efforts ng LGUs sa mga apiktado ng bagyo.
04:52Igan, maraming salamat Nico Sereno ng GMA Regional TV.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended