Skip to playerSkip to main content
  • 4 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong November 4, 2025


- Ulan na dulot ng Bagyong Tino, nagpabaha sa Bais City | Ilang pamilya sa Bohol, inilikas dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Tino | 157 pamilya sa Brgy. Banawan, inilikas na | Bagyong Tino, nagpaulan na sa iba't ibang bahagi ng bansa


- Malakas na hangin at ulan na dulot ng Bagyong Tino, naranasan sa Leyte | Mga poste ng kuryente, nagtumbahan dahil sa lakas ng hangin | Tubig mula sa dagat, umabot sa Brgy. Loyonsawang dahil sa lakas ng alon


- Hiling na TRO ni Sen. Jinggoy Estrada laban kay Brice HErnandez, ibinasura ng San Juan RTC | Kampo ni Sen. Estrada: Tuloy ang application para sa writ of preliminary injunction vs. Hernandez


- ICC Prosecutor, iginiit na tama ang desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1 na ibasura ang hiling na interim release ng kampo ni FPRRD


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:00The first news is the first news.
00:30Rumagasa ang baha sa Bae City sa Negros Oriental.
00:35Kasunod niya ng malakas na ulan na dulot ng bagyong tino.
00:38Ang mga residenteng inabot ng ulan sa kalsada, dahan-dahan ng pagtawid sa kulay puting na tubig para hindi sila matangay.
00:45Nagpaulan din ang bagyo sa iba't ibang bahagi ng Bohol.
00:48Sa bayan ng tubigon, maraming residente ng mga island barangay ang isinakay sa bangka para dalhin sa evacuation center.
00:55Nagsagawa na rin ang preemptive evacuation sa bayan ng Getafe.
00:59Halos 70 pamilya ang inilikas mula sa mga coastal at island barangay ng munisipalidad.
01:05Mahigit 150 pamilya naman ang inilikas sa barangay Banawan sa Pio Duran, Albay.
01:11Isinakay sila sa mga rubber boat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
01:15Ayon sa Pio Duran MDRMO, delikadong matrap ang mga residente lalo't napapaligiran ang kanilang lugar ng dagat at ilog.
01:23Kinagabihan, bumuhos ang ulan sa bayan.
01:27Naranasan din ang malakas na hangin at ulan sa isla ng Bukas Grande sa Socorro, Surigao del Norte.
01:32Mahigita ang tila pagsayaw ng mga puno dahil sa hampas na hangin.
01:36Ayon sa pag-asa ang mga lalawigan sa Visayas, Northern Mindanao, pati mga bayan sa Albay, kabilang sa mga apektado ng Bagyong Tino.
01:43Ito ang unang balita, Bama Legre, para sa GMA Integrated News.
01:47Nagtumbahan ang ilang poste ng kuryente sa Abuyo Glate dahil sa malakas na hangin at ulan na dulot ng Bagyong Tino.
01:54Narito ang live report ni Nico Sereno ng SHIRT na Original TV.
01:59Nico, kumusta dyan? Sa iyong kinaroroonan?
02:01Pasados 11 ng gabi ng naramdaman ang hagupit ng typhoon Tino.
02:06Dala nito ang matinding ulan at hangin.
02:09Akala nga ng mga tao na humina na ang malakas na hangin at ulan.
02:13Pero pasado na una ng madaling araw, mas malakas na hangin at ulan ang bumuhos.
02:19Nagtumbahan ang mga motorsiklong nakaparada sa evacuation center.
02:24Alas 4 ng madaling araw, sumama kami kay MDRMO Head Eric Barcelo na nagsagawa ng initial inspection.
02:32Sa mga bahagi ng highway, maraming mga poste ng kuryente at mga utilities ang natumba at nakahambalang sa daan.
02:40Sa isang banda, nahirapan si Barcelo sa pagtawid dahil sa kawad ng kuryente.
02:46Sa barangay Loyon Sawang, naabutan din namin ang team ng barangay chairman.
02:50Kasama ang mabaragay tanod na nagsagawa rin na initial assessment sa kanilang lugar.
02:56Wala naman daw gaanong malaking damage sa kanila maliban sa pagpasok ng tubig sa bahagi ng seawall sa kanilang lugar dahil sa lakas ng alon.
03:06Hindi naman daw yung storm surge at walang casualty na naitala sa barangay.
03:12Nag-inspeksyon din sila sa mga bahay at establishmento sa mga danios.
03:16May mga naramdaman din kaming mga bahay na nasira ng bagyo.
03:20Maging mga puno, nabual at nagsitumbahan.
03:25Pakinggan natin ang interview sa local LDR officer at barangay chairman.
03:31Maraming poste pong natumba.
03:34Inipilit natin makalusot at iniiwasan natin magputol ng kablin ng kuryente para mas mapadali po yung kabilitasyon.
03:41Pagka ngayon itingan natin itong makalusot sa tingin ko mga 6 hanggang 8 na naposte.
03:48So far yung pinakatatakutan lang namin is yung tubig which is nag ano kanina medyo umaksyon ng akyat ng tubig galing dagat.
03:58Sa Luinsawang side, umabot sa may merkado, sa may park, at saka yung Sun 7, nagkatubig din.
04:06Pero hindi na umabot sa may barangay hall.
04:09Alon at saka yung ulan at saka nataon din na high tide.
04:14Ingat at maraming salamat, Nico Sereno, ng GMA Regional TV.
04:21Ibinasura ng San Juan Regional Trial Court ang hiling na temporary restraining order ni Sen. Gingoy Estrada
04:26laban kay dating DPWH Bulacan First District Assistant Engineer Bryce Hernandez.
04:32Batay sa resolusyon ng korte, wala nang saisay maglabas ng TRO.
04:36Dahil inilivestream at nailabas na sa iba't ibang media outlet
04:39ang mga testimonyo ni Hernandez lamang kay Estrada sa mga pagdilig ng Senado at Kamara.
04:45Ngayon man, nilinaw ni Estrada na tuloy pa rin ang application para sa writ of preliminary injunction
04:50at nakatakday itong dinggin sa November 12.
04:53Meron din isinampang reklamong perjury ng Senador lamang kay Hernandez.
04:57Ang mga petisyon at reklamo ay inihain kasunod ng pagsasabi ni Hernandez
05:01sa mga pagdilig ng Senado at Kamara na tumanggap umano si Estrada ng kickback
05:05mula sa flood control project sa Bulacan.
05:08Ilang beses nang itinanggi ni Estrada mga pahayag ni Hernandez.
05:13Hiniling ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court sa Appeals Chamber
05:18na ibasura ang apela ng kampo ni dating Pangulo Rodrigo Duterte para sa interim release.
05:23Ayos sa prosekusyon, bigo ang defense team na patunayan nagkaroon ng legal at factual error
05:28ang ICC ng magdesisyon nitong dapat manatiling nakakulongan dating Pangulo.
05:32Gitila tama ang pre-trial Chamber 1 na ibasura ang hiling na interim release
05:37para matiyak na humarap si Duterte sa mga pagdinig.
05:41Dawon na lang sinabi ng kampo ni Duterte na mahina na ang kalusugan ng dating Pangulo
05:45at hindi na kayang humarap sa paglilitis.
05:48Si Duterte ay hanas ako sundian ng ICC dahil sa mga kasong crimes against humanity.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended

1:55:44
Up next