00:00Nasa State of Calamity ang Bayes Negros Oriental dahil sa pagtagas ng kimikal mula sa isang distillery plant nito October 26.
00:08Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, 13 barangay ang apektado dahil sa wastewater spill.
00:14Sabi naman ang lokal na pamahalaan, mahigit 2,000 residente ang nawala ng kabuhayan.
00:19Patuloy na sinusuri ng DNR ang kalidad ng tubig at halaga ng pinsala sa Tanyon Straight Protected Seascape.
00:26Pinag-aralan din ang DNR ang Environmental Compliance Certificate at iba pang permit ng kumpanyang may-ari ng planta.
00:34Sa pahayag ng Universal Robina Corporation sa Philippine Stock Exchange, sinabi nitong ngayong araw nakatakdang matapos ang pagsasayos at pagpapatibay sa nasira nitong lagoon.
00:44Nakikipagtulungan din daw sila sa DNR at iba pang ahensya para makontrol ang pagkalat ng kontaminadong tubig at maibalik ang napinsalang yamang tubig sa lugar.
00:54Sinusuportahan din daw ng kumpanya ang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng wastewater spill hanggang bumalik sa normal ang sitwasyon.
Comments