00:00Naka-alerto na ang Caraga Region sa harap ng banta ng Bagyong Tino.
00:04Kabilang sa mga pinaghandaayan ay ang maayos na pamamahagi ng tulong.
00:08Yan ang ulat ni Floyd Brents.
00:12Nakahanda ng Office of Civil Defense Caraga Region sa posibleng pagtama ng Bagyong Tino sa region,
00:18particular sa Dinagat Islands ngayong araw.
00:21Itinaas na sa red alert status ang OCD Emergency Operations Center
00:25para masiguro ang agarang tulong at aksyon sa mga apektadong lugar.
00:28At matiyak ang Efficient at Systemic Humanitarian Assistance
00:32na pangungunahan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
00:38Nagsagawa na din ang Pre-Disaster Risk Assessment kasama ang iba pang mga response clusters
00:43para may patupad na ang preemptive evacuation sa iilang mga munisipalidad.
00:47Nasa mahigit 1,400 na pamilya nasa Dinagat Islands ang nasa high risk status
00:53ang ipinapa-evacuate na ngayong araw para masiguro ang kanilang kaligtasan.
00:57Asahan na mas marami pang pamilya ang isa sa ilalim sa preemptive evacuation.
01:02Sinuspende na rin ang pasok sa lahat ng paaralan sa Surigao del Sur, Surigao del Norte,
01:07Butuan City, Agusan del Norte at Dinagat Islands.
01:12Magpapatuloy naman ang OCD Caraga Region sa pagmonitor sa Bagyong Tino.
01:16Samantala nagpaalala naman ang otoridad sa publiko,
01:20lalong-lalo na sa mga apektadong lugar na makinig at sumunod sa abiso
01:24dahil para ito sa seguridad at kaligtasan.
01:28Floyd Brenz para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipina.