Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Posible maging super bagyo ang binabantay ngayong severe tropical storm Tino.
00:05At ang latest po dyan, ihahatit ni Amor La Rosa ng GMA Integrity News Weather Center.
00:12Amor?
00:14Salamat Pia mga kapuso, paghandaan ng bagyong Tino na lalo pan lumakas at nagbabadyang tumama at tumawid dito sa ating bansa.
00:22Dahil po sa bagyong Tino, nagtaas ang pag-asa ng signal number 1 dyan po yan sa Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Lete, Southern Lete at pati na rin sa Camotes Islands.
00:33Kasama rin sa signal number 1 ang Dinagat Islands at pati na rin ang Surigao del Norte.
00:38Posible pa pong madagdagan yung mga lugar at pwede rin pong iakyat pa itong wind signal sa mga susunod na oras at araw habang patuloy rin ang paglapit nito pong bagyong Tino dito po yan sa kalupaan.
00:49Huling namata ng sentro ng bagyong Tino, 805 kilometers sa silangan po yan ng Eastern Visayas.
00:55Taglayang lakas ang hangin na abot sa 95 kilometers per hour at yung pagbugso po yan nasa 115 kilometers per hour na.
01:03Kumikilos ito, pakaluran sa bilis na 30 kilometers per hour.
01:08Ayon po sa pag-asa, posibleng mag-landfall itong bagyong Tino dito yan sa Dinagat Islands.
01:13So kaya naman sa Eastern Summer, bukas po ng gabi o Martes ng madaling araw.
01:18Pagkatapos po yan, ay tatawili naman ito itong Visayas at pati na rin ang Northern Palawan hanggang sa marating na itong West Philippine Sea,
01:27Mierkules ng hapon o gabi.
01:29Ayon po sa pag-asa, posibleng nasa labas na yan ng Philippine Area of Responsibility pagsapit po ng Webes.
01:35At mga kapuso, posible rin po ang rapid intensification o yung mabilis na paglakas ng bagyo sa loob po yan ng susunod na dalawang araw.
01:44Sabi po yan ang pag-asa.
01:45Ibig sabihin din po yan, may posibilidad o hindi pa rin po natin inaalis yung chance na maging super typhoon itong bagyong Tino.
01:53Kaya tutok lang po sa updates.
01:55Kasabay ng bagyong Tino, patuloy na makakaapekto dito sa ating bansa, yung shearline.
01:59At pati na rin po itong Amihan o yung Northeast Monsoon at magdudulot din po ng mga pag-ulan ang localized thunderstorms.
02:07Base po sa datos ng Metro Weather, umaga bukas may mga kalat-kalat na ulan.
02:11Dito yan sa May Cagayan, Isabela, Cordillera, Quezon Province at pati na rin dito sa ilang bahagi po ng Bicol Region at Mindoro Provinces.
02:20Maging sa ilang lugar dyan po sa Palawan.
02:23Pagsapit po ng hapon, mas malawakan na po yung mga pag-ulan sa Luzon.
02:26Kasama po dyan ang Northern and Central Luzon.
02:29Inaasahan po natin yan.
02:31Though kalat-kalat din, ay mararanasan din po yung Heavy to Intense Rains.
02:34Dito po yan sa ilang bahagi ng Luzon.
02:37Kasama rin dyan itong Calabar Zone at ganoon din po itong Mimaropa at ang Bicol Region.
02:42So doble ingat pa rin para po sa mga residente.
02:45May mga matitinding ulan po na inaasahan, lalong-lalo na nga dito sa Eastern sections ng Southern Luzon at pati na rin sa Kabiculan.
02:52Sa mga taga-Bisayas at Mindanao naman, may tsyansa po ng ulan sa umaga.
02:57Dito po yan sa Sulu Archipelago at pati na rin sa May Zamboanga Peninsula.
03:02At makikita po ninyo, uulanin na rin ito pong Eastern Visayas at pati na rin yung Caraga Region.
03:06Pag-sapit po ng hapon at gabi, may mga pag-ulan na rin sa ilang bahagi ng Northern Mindanao, Barm, Soxargen, Davao Region.
03:14At mas marami na po at malawakan yung mga pag-ulan dito sa Caraga Region.
03:19At sa halos buong Visayas, makikita po ninyo, mabababad po sa Heavy to Intense at meron din pong Torrential.
03:26O yan po yung matitindi at halos tuloy-tuloy na mga pag-ulan.
03:29Kaya maging alerto po sa malaking bantanang baha o landslide.
03:32May chance rin po ng ulan dito po sa Metro Manila dahil naman sa localized thunderstorms, lalo na bandang tanghali, hapon o gabi.
03:41Yan muna ang latest sa ating panahon.
03:43Ako po si Amor La Rosa para sa GMA Integrated News Weather Center, maasahan anuman ang panahon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended