Skip to playerSkip to main content
- Nasa 11,000 dumalaw sa Loyola Memorial Park; ilan sa kanila, nag-overnight na


- Mga bumisita sa Manila North Cemetery, umabot sa 67,000; inaasahang darami pa bukas


- Mga pasahero sa PITX at Batangas Port, mas kaunti kumpara kahapon


- Pilipinas at Amerika, bumuo ng Task Force Philippines bunsod ng panggigipit ng China sa South China Sea


- Shake Rattle & Ball 2025; 1st international film ni Gabbi


- Nature meets myth sa special night trail sa Masungi Georeserve


- 2 endangered na silvery gibbon, ipinuslit sa flight; isa sa mga unggoy, namatay

State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Ilang sementeryo ang magdamag ng bukas ngayon.
00:21Doon nasasalubungin sa undas ang ilang dumadalaw sa kanilang mga yumao
00:25gaya sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
00:28Na roon live si Jamie Santos. Jamie!
00:35Atto may mga bumibisita pa ngayong gabi rito sa Loyola Memorial Park.
00:40May one-way scheme nang ipinatutupad sa labas ng libingan para maayos ang trapiko.
00:49Ngayong besperas ng undas, pinili ng ilan na pumunta sa Loyola Memorial Park sa Marikina.
00:55Pag 31st, maluwag-luwag pa. Dito at least may naparkingan ka pa pero bukas wala na.
01:00Na-reunion din po namin. Katulad ngayon po yung mga kapatid ko galing sa Bicol, ako po dandito sa Maynila.
01:07Nagbaon pa nga ng pagkain ng ibang bisita.
01:10Salamat sa Panginoon at hindi umulan, nakadalaw ng maayos.
01:15Pati mga bata nakahasama. Kahit hanggang madaling araw, pwede.
01:20Dahil bukas walang pasok rin yung mga bata.
01:23Ilang sikat na nakahimlay rito gaya ni Kapuso Broadcaster at 24 Horas Anchor Mike Enriquez.
01:29Aktres na si Nida Blanca at si Master Rapper Francis M.
01:33Nasa 11,000 ang pumasok sa Loyola ngayong araw.
01:36Bukas, mas hihigit pa yan ayon sa mga otoridad.
01:40Para yan ma'am sa amin, significant number na yan ma'am.
01:42Pero uusbong pa yan ma'am. Lalo na po sa pag November 1, 2 yan ma'am.
01:49Pero usually ang boom yan ma'am is tomorrow ma'am.
01:51Para di magbuhol ang trapiko sa labas ng libingan,
01:55eastbound muna ang magkabilang lane ng A. Bonifacio Avenue at Sumulong Highway
01:59mula ngayong araw hanggang hating gabi ng November 3.
02:02Sa Manila Memorial Park sa Paranaque, nagcamping na din ang ilang dumalaw.
02:07Grabe parang dala niyo yung buong kitchen niyo dito sa dahil.
02:09May sibuyas, may bawang.
02:13Tonight, we're having Mexican taco and then tortillas, burrito.
02:20Kasi they cannot go sa lugar na yan.
02:23So you bring the food to them to share.
02:27Pwede mag-overnight sa sementeryo.
02:29Pero bawal ang mga pampaingay tulad ng karaoke at speakers.
02:33Bawal din ang mga toldang may mga mukha at pangalan ng mga politiko.
02:37Kung magdadala ng pets, mahigpit na paalala ng pamunokan ng sementeryo.
02:41Nabantayan silang maigi, lalo't kanina may matang nakagat ng aso.
02:45Yung bata naman, na-treat siya sa scene.
02:49Yung family na yung magdadala sa hospital.
02:52Inaasahang aabot sa 800,000 ang dadalaw sa Manila Memorial Park hanggang sa November 2.
02:58Kasamang mga tagahangang dumalaw sa ilang personalidad dito tulad ni Rico Yan.
03:02Fan niya ako.
03:04Nagbabakasakali ako baka nandito rin si Klau.
03:07Charot.
03:08Ang himlayan ni nadating Senador Ninoy Aquino,
03:11dating Pangulong Corazon Aquino,
03:13at dating Pangulong Noynoy Aquino,
03:15pinadalhan ng bulaklak ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Manila City Hall.
03:19Sa libingan ng mga bayani sa Taguig,
03:22dinalaw ulit ni Lot Lot de Leon ang puntod ng kanyang inang si Superstar Nora Onor.
03:27Bago na ang lapida ng national artist,
03:30nakaukit ang kanyang siluet ng mukha at salitang mami.
03:33Bukod sa fans ni Ati Gay,
03:35maraming tao rin ang nagbigay-pugay sa puntod ng mga dating Pangulong nakalibing doon.
03:44Atong para sa ligtas, maayos at payapang paggunita ng undas,
03:48hinimok na mga otoridad ang mga dadalaw na sundin ang mga paalala at panuntunan sa Loyola Memorial Park.
03:54Yan ang latest. Balik sa iyo, Atom.
03:56Maraming salamat, Jamie Santos.
03:59Alasin ko bukas ng madaling araw na ulit pwedeng dumalaw sa Manila North Cemetery.
04:04May ilang sinulit ang pagbisita kahit nagsarana ang sementeryo.
04:08Mula sa Maynila, may live report si Jommer Apresto.
04:11Jommer.
04:12Atom umabot sa 67,000 ang mga nakitalang bumisita dito sa Manila North Cemetery ngayong besperas ng undas.
04:21Sarado na ito kanina pang alas 9 ng gabi kaya may mga hinarang.
04:25Kabilang ang isang galing pa sa pagbibenta ng isda sa Sampaloc at isang kadarating lang sa Metro Manila mula Davao.
04:31Pero kanina, may senior citizen na lumabas kahit lagpas na sa oras dahil sinulit daw ang pagbisita.
04:42Sa gitna ng init at dami ng tao kanina sa Manila North Cemetery, nirespondihan ng medical team ang dalagitang ito.
04:49Naimatay po siya. Pauwi na po sana kami. Tapos na kami. Kaso bigla siya naimatay dyan.
04:55Pantulong ang Puntod Finder website sa mga hirap matagpuan ang dadalawing yumao sa Norte.
04:59Pero ibang kaso ang sitwasyon ni Luis na sa Puntod kasi ng ina, kapatid at lola, may ibang nakalibing.
05:06Tingin ko kamag-anak mo yan. Tingin ko lang ha. Pero matitwis natin yan.
05:10Kung kamag-anak ko man po yan, dapat sana nagsabi sila sa amin. E gawin rin na tayo, nasabi ko lang kami.
05:16Sino ba ang mayari yun daw?
05:18Yung ano po, father ko.
05:20Sa lawak ng sementeryo, na pinakamalaki sa Metro Manila, may ilang Puntod na napakalayo mula sa Bucana.
05:26May libring sakay para sa mga yan. Pero wala na yan sa auno ng Nobyembre dahil sa inaasahang dagsa ng mga dadalaw.
05:32Pwera na lang sa mga wheelchair para sa mga senior at person with disabilities.
05:36Tingin ko bukas sa abot ng milyon na. Baka hindi lang bababas ang milyon yan.
05:41Tanggal natin yung libring sakay. Puro wheelchair tayo. Okay, nangagawin po natin.
05:45Sa Puntod ng ilang nakahimlay na personalidad, may mga ordinaryong taong dumadalaw.
05:50Ang iba naman, naka Halloween costume. Walang dadalawin kundi sadyang nais magbigay aliw sa mga dalaw.
05:56Para po yung mga nalulungkot na dumadalaw, mapasaya ka po.
06:02Sa harapan, iniwan ang mga gamit na bawal sa loob. Kakabitan lang ng numero para maklaim.
06:07Kinakabitan naman ang wristband ng mga bata para di maligaw.
06:10Alas 9 ng gabi isinara ang North Cemetery at muling bubuksan alas 5 kinaumagahan.
06:15Pareho rin ang oras ng dalaw sa Manila South Cemetery hanggang sa Ados ng Nobyembre.
06:20Wala pa rin patid ang dating ng mga tao sa gabi.
06:22Hindi lang mga gamit ang bawal, pati mga alagang hayop na pinaiwan muna sa entrada.
06:27Sana po next na undas po, pwede na po pumasok yung mga pets po kasi kawawa naman po.
06:33Untunan dito lang yung mga pets.
06:35Bawal di magpasok ng sasakyan. May service naman para sa mga senior at PWD.
06:40May clinic para sa emergency. Sa labas, may nakaantabay ring pink ataol.
06:45Parang kung sa langit, it's giving.
06:48O kaya sarap sa pakiramdam.
06:51Fulfilling.
06:52Sa Roman Catholic Cemetery ng Dagupan, Pangasinan, may ilan na humabol sa paglilinis ng puntod, lalot bawal na yan bukas.
06:59May bahasa ilang bahagi ng sementeryo na itutuloy raw ang pagpapatag sa susunod na taon.
07:04Mga ilang portion lang, ma'am, ang hindi namin natabon kasi inabot na po kami ng tagkulan.
07:10Sa Davao City, marami na rin dumalaw sa Roman Catholic Cemetery.
07:13I-ginagayak na rin ang mga puntod doon.
07:16Kabilang ang sa mga magulang ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
07:19Ayon sa caretaker na una nang bumisita si Congressman Paulo Duterte noong nakaraang linggo.
07:24Sa Cebu, may mga puntod na nasira na magnitude 6.9 na lindol noong September 30 na di pa naaayos.
07:31Ang ngayon, ang ILGEO na yung nagpakuan sa mohanag o stansimahan ni Cooperate sila ba nga para matakpan na ang mga punto ng mga nasira ng mga libingan.
07:43Unang undas din ito ng pag-alala ng mga taga-bogo sa mga kinitil ng lindol.
07:48Gaya ng labing isang magkakaanak na nadaga na ng mga bato.
07:51Sa San Remigio, maraming nicho ang di pa rin naaayos.
07:54Dito rin inilibing ang dalawang Coast Guard personnel na nadaga na naman noon ng gumuhong bahagi ng sports complex.
08:04Abiso ng mga otoridad, pumunta sa Manila Public Information Office o sa official Facebook page ng Manila Public Information Office
08:11para makita ang listahan ng mga bawal dalhin sa mga sementeryo dito sa Maynila.
08:15Yan ang latest. Balik sa iyo, Atom.
08:18Maraming salamat, Jomer Apresto.
08:19May mga humahabol pa rin sa pagluwas ngayong undas bagamat may kaluwagan na sa mga sakayan.
08:27Nagbumulto naman sa pagpasok ng Nobyembre ang pasindak na pagmahal ng petrolyo.
08:32May report si Tina Panganiban Perez.
08:36Sa bisperas ng undas, parang dagat ang agos ng mga tao sa PITX.
08:42Minsan humahaba ang pila, minsan sakto lang.
08:46Nakikita po natin na mas maunti na po ang mga pasahero natin compared po yesterday.
08:51Yung iba po natin mga pasahero ay nakapag-travel na since Monday pa lamang.
08:55Ang maliliit na pass company naninibago.
08:58Real talk sir, wala talagang pasahero.
09:00That is story. Walang dumaan na season. Walang dumaan na peak.
09:04Ang sitwasyon sa PITX, halos katulad din sa Batanga Sport.
09:09Mukhang kahapon talaga yung pinaka-peak because yun yung last day.
09:14Yung last day of office kahapon and then ngayon kasi declared holiday na tayo.
09:20Ang sunod na buhos ng mga pasahero na pinagahandaan ng Batanga Sport
09:24ay yung pagbalik ng mga bumiyahe ngayong undas sa November 2.
09:29Pero hindi naman daw inaasahang maiipon ang mga pasahero sa loob ng terminal.
09:34Mahigpit na sinusuri ang mga gamit ng mga pasahero.
09:37Nag-iikot din ang mga bomb unit at canine unit ng Philippine Coast Guard.
09:42Ramdam naman sa Naiya Terminal 3 ang epekto ng seasonal flu.
09:47May mga nagkasakit kasing immigration agents kaya di naiwasan ang mahabang pila.
09:53Parang may flu season eh. Talagang dumarami ang absences because of that.
09:58Pero ang ilang pasahero, tila nakahinga ng maluwag sa ilang pagbabago sa terminal na masusundan parao.
10:04Mas lumuwag at mas dumami nga yung upuan ng mga naghihintay, mga ano natin dito.
10:12Then, mas malamig, mas maganda yung lugar.
10:15Mas accessible yung ano niya, accessible yung parking.
10:19By November 17, gagana na ang ating automated passenger processing system.
10:25Dahil long weekend din ang undas, inakyat muli ng mga turista ang Baguio.
10:51Eh kasi po, ayun sa weather po. Napaka-press ko. Kahit maglakad, yung hindi ka pagpapawisan.
10:57Daan-daang pulis na ang nakabantay sa mga tourist spots sa City of Pines.
11:02Pati mga pihikan o nangokontratang taxi driver, pinabantayan.
11:07Andami nga talaga yun, namimili na sila.
11:09Dahil traffic, dahil nga ayaw nila dun sa rota na yun, andaming ganyan.
11:13Pagkatapos ng long weekend, big-time oil price hike naman ang sasalubong sa mga motorista sa unang Martes ng Nobyembre.
11:23Batay sa four-day trading, mahigit dalawang piso ang posibleng dagdag sa diesel, mahigit piso sa gasolina, at halos dalawang piso sa kerosene.
11:33Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:38Kung may big-time price hike sa petrolyo, may rollback naman sa LPG pagpasok ng Nobyembre.
11:45Sa 11 kilo LPG tank, 50 centavos per kilo ang tapyas ng petron, at 45 centavos per kilo ang bawas ng solene.
12:00Nabuhay ang iba't-ibang nilalang at karakter sa Shake, Rattle & Ball 2025.
12:05Kabilang sa mga agaw-pansin ang Sparkle Stars na nag-ibang anyo.
12:10Sharp and spiky.
12:12Bold and bald pa si Michelle D as an elven warrior.
12:14I did not know it took hours to be bald, but I had so much fun making this look.
12:20Oozing with Oz Magic, sina Roxy Smith at Sky Chua as Glinda and Dorothy.
12:25Honk Angel si TJ Marquez.
12:28Naroon din sina Jay Ortega as Aladdin, at Matthew Uy as a Roman soldier.
12:32Relevant naman ang kostyum ng host na si Tim Yap, dressed as a ghost project.
12:37Nakiparty rin ang GOT7 member na si Jackson Wang.
12:42Proud sa kanyang first international film si Gabby Garcia.
12:46Gaganap siyang nurse noong World War II sa 2025 American martial arts war film na Prisoner of War.
12:52Kasama ni Gabby ang English actor na si Scott Adkins na gumanap bilang British officer na binihag
12:58at pinilit lumaban sa loob ng kampo ng mga Hapon sa Pilipinas.
13:03It's actually now showing abroad.
13:06Hopefully ma-stream din siya sa Philippines.
13:08And I'm so so happy and thrilled to be working with Scott Adkins.
13:11It's also about the death march here in Bataan.
13:13So it's such a big deal for our country.
13:15And hopefully ma-panood din siya dito sa Pilipinas.
13:19Bea Pinlock nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:22Isang espesyal na night trail ngayong Halloween ang handog ng Masungi G Reserve sa Rizal.
13:30Silipi niyan sa report ni Von Aquino.
13:36Walang dudang likas ang ganda ng Masungi G Reserve sa Baras Rizal.
13:41Pero pagkagat ng dilim.
13:46Lumalabas ang kakaiba nitong hiwaga.
13:48Ngayong Halloween, nagbukas ito ng trails sa gabi.
14:00Ihanda ang tibay ng kalooban at katawan.
14:04Talaga nakakapagod.
14:05Wala pa kami 30 minutes na umakit.
14:08Pero sobrang hinahapon ako.
14:10Pero kaya pa rin.
14:12Tara.
14:12Hindi ko na makita.
14:18Pumanap ng mga elementong aktibo sa dilim.
14:22Itingin po tayo sa paligid po.
14:24Para makakita kung may mga nakatingin po sa atin ngayong gabi.
14:29Kasi na mga hayop po.
14:31Mga hayop.
14:33Mga hayop naman pa.
14:34Gaya ng mga paniki sa mga yungib.
14:37Yung mga kwento po ng manananggal.
14:39Yung nahahati po yung katawan.
14:41Tapos may mga pakpak po ng paniki.
14:43Ay dun po sa mga lugar po.
14:45Kung saan makikita rin po yung mga giant golden crown flying foxes po natin.
14:52Sa may puno ng balete o banyan.
14:55Akma ang magkwentuhan ng kababalaghan.
14:58Yung mga kwentong bayan po.
14:59Yung mga may white lady daw po.
15:01May aswang na nakatera.
15:02At yung isa pa nga pong kilalang kwento po yung tungkol sa mga kaprip.
15:07Ginamit din po ito ng mga prily po.
15:09Para takutin yung mga kabataan po natin.
15:12Para hindi po sila pumunta sa kagubatan.
15:16Kung mahapon naman sa halos dalawang oras na lakaran.
15:20May makikitang pahingahan sa ilalim ng mga batong naglalakihan.
15:25Samantalahin ang katahimikan.
15:26Para pakinggan at masdan ang kalikasan sa karimlan.
15:30Aandap-andap ang mga alitap-tap.
15:33May mga kabuting sa gabi ay nagliliwanag.
15:36At ang mga fungi at bakterya sa paligid.
15:39Indikasyong malinis ang hangin sa masungi.
15:43Ang trail na ito, higit pa sa pakikiuso sa Halloween ang layunin.
15:47Yung tema po ng ating Halloween special po ay nakasentro po sa pagkoneksyon din po ng ating mga kwento tungkol sa mga mitulohiya po, yung mga manananggal sa ating kalikasan.
16:03Yun yung talagang pinagmumulan po ng mga kwento ng ating mga katutubo na nagpapahalaga po sa kalikasan.
16:09I think may mga supernatural na things na hindi natin nakikita but they're all around us.
16:15So yun, very peaceful na hike.
16:19Marami kang matututunan like yung legend ng balete.
16:23Maganda rin siyang time para to discover the nature, to learn new things.
16:29May Halloween night trail ulit sila sa susunod na linggo.
16:32Bukas ang hiking sa mga 13 years old pataas at physically fit.
16:37Von Aquino nagbabalita para sa GMA Integrated News.
16:45Isang buhay na silvery gibbon ang nakumpiska sa bagay sa isang flight sa Mumbai, India.
16:52Isa pang unggoy ang nadiskubring patay na.
16:54Endangered na ang silvery gibbon na mahigit 2,000 na lamang ang populasyon sa Indonesia.
17:00Ang pasaherong may dala sa mga unggoy inaresto at nahulihan din ng droga.
17:05Ayon sa mga otoridad, ipinadada na raw ng wildlife syndicate ang mga gibbon sa pasahero na galing Malaysia at nag-stop over sa Thailand.
17:20Muling nagliliyab ang kabundukan ng Sagada dahil sa sagradong tradisyon ng pag-alala sa mga Yumao.
17:27Ji tayo dyan kasama si Oscar Oida.
17:29Tuwing auno ng Nobyembre sa Sagada Mountain Province, nagliliwanag ang gabi sa mga nagniningas na panggatong.
17:42Tradisyon nila ito tuwing undas na tinatawag na panag-apoy o to light a fire.
17:48Galing sa pine trees ang mga kahoy na sinusunog.
17:53Binabasbasan muna ang mga ito sa St. Mary the Virgin Church.
17:57Paraan ng panginginang biyaya at gabay para sa ligtas at mapayapang paggunita sa kasisindihan.
18:05Minsan itong nasaksihan ng turistang si Gerald.
18:08Karanasang di niya raw malilimutan.
18:10Ina-amaze ako kasi at this time, yung gantong mga panahon, meron pa rin mga ganong uri ng pag-alala sa mga namayapa, kung saan very traditional pa rin.
18:22May designated area sa mga turista.
18:25Doon ipinapaalala sa kanila ng mga lokal na hindi ito palabas o pang-aliw sa turista.
18:31Kundi tradisyong dapat pang-iula ng hinahon at galang.
18:36Lalo't para sa mga taga-sagada, sagrado ang panag-apoy.
18:39Make sure lang na alalahanin natin na isa siyang sagrado at tradisyonal na gawain ng mga taga-sagada.
18:47Kumuha din tayo ng guide para sila yung magtuturo sa atin o tutulong sa atin kung saan tayo pwedeng pumuesto
18:52para hindi natin maabala yung mga lokal doon na isinasagawa yung tradisyon.
18:58Ang apoy na simbolo ng buhay ay ilaw na gumagabay sa mga kaluluwa
19:03at tanda ng pagmamahal na kahit sa kamatayan, patuloy na nag-aalam.
19:10Oscar Oida, nagpabalita para sa GMA Integrated News.
19:14Maging updated sa mga sitwasyon sa mga sementeryo sa iba't-ibang panig ng bansa.
19:21Tutukan ang aming special livestream coverage sa Undas 2025 bukas at November 2
19:27sa Facebook at YouTube accounts ng GMA Integrated News at GMA Regional TV.
19:33At yan po ang state of the nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
19:39Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended