Skip to playerSkip to main content
- Tulay, bumigay nang dumaan ang overloaded truck


- Bus na nawalan daw ng preno, nang-araro ng 9 na sasakyan


- Van, inanod ng baha sa Pililla, Rizal


- Lifestyle check sa Gov't officials, dapat laliman, ayon kay VP Duterte


- In Case You Missed It: Lider ng Gapos gang, pulis pala; Tinanggal bilang PNP spokesperson


- Dust storm, sanhi ng delay ng 200 flights sa Phoenix Int'l Airport


- Mystery guy ni Max Collins; Ilang Kapuso GEN Z at Ex-PBB housemates, mananakot sa "Huwag Kang Titingin"


- Heimlich Maneuver demo ng isang lecturer, inaabangan ng mga estudyante't netizens


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv

Facebook: / gmanews
TikTok: / gmanews
Twitter: / gmanews
Instagram: / gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00State of the Nation
00:06Nahati ang isang tulay sa Kamalig Albay sa pagdaan ng isang truck.
00:19Ayon kay U.S. Cooper Evangeline Vibarnavales, halos mahulog na sa ilog ang truck na may kargang mga bato.
00:25Sa inspeksyon ng Municipal Engineering Office, napinsala ang tulay nang dumaan ng overloaded na truck.
00:32Nakadesenyo raw ang steel bridge para lamang sa maliliit na sasakyan.
00:36Gamit ang backhoe na ayalis na sa tulay ang truck.
00:40Pero hindi muna pinadadaanan ng tulay bilang pag-iingat.
00:44Ligtas naman ang driver ng truck na walang pahayat.
00:49Lima ang sugatan sa banggaan ng bus at dump trunk sa Gerona, Tarlac.
00:54Anim naman ang isinugod sa ospital matapos araruhin ang bus ang siyam na sasakyan sa Quezon City.
01:00Ang mga insidente na hulikam sa spot report iBernadette Reyes.
01:06Maingat na ni-rescue ang mga pasahero ng bus sa Commonwealth Avenue, Quezon City.
01:11Batay sa embisigasyon, nakapagbabapa ng pasahero ang bus sa LITEX bago magkaabiriya.
01:16Ang sabi ng driver ko, ipasok ko daw yung mga pasahero ko.
01:19Umalis ako dyan sa harap ng bus.
01:23Ipasok ko lahat ng pasahero ko kasi nawala na ng preno.
01:26Ginawa ng driver ko, isinalpok niya na lang dito sa kaliwa.
01:29Kasi sobrang daming sasakyan dito sa pamuntang Winston.
01:32Na-check po yan, lahat niya, chine-check bago umalis.
01:35Dito na lang po nagkaroon ng abiriya.
01:37Hindi bababa sa siyam na sasakyan ang inararo ng bus.
01:41Kabilang dyan ang Modern Jeepney at UV Express na lumusot pa sa isang tent.
01:45Yung unang tinamaan niya ay isang sedan na sasakyan.
01:50Sumunod naman, natamaan niya yung isang UV Express.
01:53Yung bus po, dire-diretso pa rin, hindi pa rin huminto.
01:56Tinamaan naman niya yung isang Modern Jeep.
01:59Nakarinig ako ng malakas na kalabog sa likuran ko.
02:02Sa lakas ng impact, nawalan ako ng malay.
02:04Masalamat din ako na nag-set belt ako.
02:06Anim sa mga nasugatan, kinailangang isugod sa pagamutan.
02:10Tumanggi na magbigay ng pahayag sa camera ang bus driver
02:13na posibing maharap sa kasong reckless imprudence,
02:16resulting in damage to property and multiple physical injuries.
02:22Sa Pototan, Iloilo na huli kamang salpukan ng pickup truck at wing van.
02:28Sa imbisigasyon, nagpangabot ang dalawang sasakyang hindi nagminor sa intersection.
02:33Walang nasaktan sa insidente.
02:35Nagkaareglo na rin ang mga driver.
02:36Bus at dump truck naman ang nagbanggaan sa hero na Tarlac.
02:42Limang pasahero ng bus ang nasaktan.
02:44Sabi ng mga otoridad, biglang umarangkada ang dump truck kaya naharangan ang bus.
02:49Posibling hindi raw nakontrol ng driver ang truck sa pababang daan dahil sa bigat ng karga nito.
02:55Sinisikap ang makunan ng pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
02:59Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:03Binahaang ilang lugar sa Metro Manila at mga karating probinsya dahil sa habagat at low-pressure area na naging bagyong Jacinto.
03:12Nakalabas na ng par ang bagyo pero magpapaulan pa rin ng trough o yung buntot nito.
03:18May report si Jamie Santos.
03:25Hindi na nakapaghanda ang mga taga-barangay bagong bayan sa Pilila Rizal sa bilis ng pagdaas ng baha.
03:31Ang van na ito, tuluyang inanod.
03:50Pinagtulungan ito buhati ng mga residente.
03:53Ayon sa uploader na may ari rin ng van, may lamang mga paninda ang sasakyan.
04:01Wala na, lubog na lahat ng gamit.
04:03Pinasok din ng tubig ang ilang bahay.
04:06Ito po yung kantinang school.
04:08Pati eskwelahan na lubog sa putik.
04:10Sa barangay Hulo, kinailangan namang i-rescue ang mahigit tatlong pong indibidwal.
04:18Nakaranas din ang malawakang pagbaha sa Mauban, Quezon.
04:22Mabilis ding bumaba ang tubig na nag-iwan ng makapal na putik.
04:26Malakas din ang buhos ng ulan sa ilang bahagi ng Metro Manila.
04:29Ngayong gabi, sa Valenzuela, mabagal ang daloy ng trapiko sa bahagi ng MacArthur Highway.
04:34May lugar din hindi possible dahil sa baha.
04:37Stranded ang ilang motorista.
04:40Dagdag din sa traffic ang ilang road construction.
04:43Ayon sa pag-asa, epekto ng habagat at ng low-pressure area na naging bagyong hasinto
04:48at nakalabas na ng par ang mga pag-ulan.
04:51Sunod na tutumbukin ng bagyo ang northern o central Vietnam.
04:55Pero yung trough o buntot ng bagyong hasinto
04:58umaabot at makakaapekto pa rin sa ilang bahagi ng bansa.
05:02Pinalalakas din ang bagyong hasinto ang habagat
05:04kaya magpapatuloy ang ulan sa ilang lugar.
05:07Jamie Santos, nagbabalita para sa Jemme Integrated News.
05:12Hindi lang daw ang maanumalyang flood control projects
05:15ang dapat imbisigahan ng Administrasyong Marcos
05:17ayon kay Vice President Sara Duterte.
05:20Maging ang mga school building na dati na raw niyang ibinunyad
05:23bilang Deped Secretary, pinakahati-hatian ng mga congressman.
05:28May reports, Joseph Moro.
05:29Ganito tinawag ni Vice President Sara Duterte
05:45ang investigasyon ng Administrasyong
05:46sa mga anumalyas sa proyekto kong kontrabaha.
05:49Sabi ng BSE, kailangan palawakin ang investigasyon.
05:52Huwag tayo tumigil sa flood control projects
05:56dahil noong 2023, 2024, noong 2024, last year,
06:03nagsabi na ako sa school building program pa lang
06:05ng Department of Education,
06:07pinaghati-hatian na ng members of the House of Representatives
06:10walang nagsasalita, walang nag-iimbestiga.
06:14Sinusubukan pa namin kunan ng pahayagang Malacanang at Kamara
06:17kaugnay sa sinabi ng BSE.
06:18Na di na lalayo sa punanong kapatid niyang si Davao City Acting Mayor Baste.
06:22The President himself ay ginagamit na yung flood control projects na PR niya.
06:28Responsibilidad niya naman talaga yun.
06:30Dapat, in the first place, he did not allow it to happen.
06:33Kung sinasabi niya po na ito'y PR stunt,
06:36manood na lamang po siya.
06:39Kaugnay naman ang utos ng lifestyle check ng Pangulo Hamo ng BSE.
06:42Hindi lang yung elected public officials ha, pati yung mga appointed public officials.
06:49Dapat deep dive kung sino yung mga dummy.
06:52Ilabas yung mga dummy ng mga public officials.
06:57Nauna na sinabi ng Palacio na lahat ng opisyal ng gobyerno
07:00ay isasalang sa lifestyle check at uunahin ng DPWH.
07:04Si DPWH Secretary Manuel Bunuan handang buksan ang kanyang sal-in.
07:07If this is going to be a formal lifestyle check,
07:12that will be carried on, I think, public document naman ito eh.
07:16At mga luxury vehicles o mga ganyan.
07:20Well, we just have to say, we had just three years in this administration.
07:26And I also came from the private sector.
07:29But I'm open.
07:32Ayon kay Secretary Bunuan, nagbuo siya ng isang anti-corruption task force
07:36para doon magsumbung ang publiko sa mga maanumalyang proyekto ng DPWH.
07:41Ayon sa Palacio, pwede magsagawa ng lifestyle check ang DPWH PIR at ang Ombudsman.
07:47Pero noong 2020, naglabas si dating Ombudsman Samuel Martires ng memorandum
07:52na nagsasabing hindi po pwede maglabas ang salan kung walang pahintulot ng may-ari nito.
07:57At pwede lamang magsagawa ang Ombudsman ng lifestyle check
08:00kung may verified complaint at ebidensya laban sa tagagobyerno
08:04na dapat isumite ng isang complainant para pag-aralan ng Ombudsman.
08:09Ipinatigil din ni Martires sa mga lifestyle check noon
08:11dahil nagagamit umuno ito para siraan ang mga opisyal ng pamahalaan.
08:16Nagretiro ngayong Agosto si Martires.
08:18Itinalaga muna ng Malacanang si Dante Vargas bilang acting Ombudsman.
08:22Hinihingan pa namin ang kanyang opisina ng pahayag kung anong gagawing aksyon ng Ombudsman
08:26sa utis ng Pangulo pero wala raw muna itong pahayag.
08:30Ang BIR naman sinimula ng silipin kung nagbabayad ng tamang buwi sa mga government contractor.
08:36Isa sa ilalim din nila ang mga kawaninang gobyerno sa lifestyle check.
08:39Nakikita natin na marami silang ari-arian na finoflunt
08:43at nakikita natin na malaki ang kanilang mga properties yung titignan natin.
08:50So ibabanggan natin yan sa revenues.
08:52Joseph Morong, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:00Na-arestong leader ng Gapos Gang na nakulikam na nang may biktima sa Bulacan
09:05na pag-alamang polis pala.
09:08Positibong kinilala ng mga biktima si Police Staff Sergeant Miguel Andrew Oñate
09:13ng Tanawang Police sa Batangas.
09:15Naarap ang polis sa patong-patong na reklamo.
09:18Tumanggi siya magbigay ng pahayag.
09:20Police Brigadier General Jane Fajardo
09:23Tinanggal ni Acting PNP Chief Lieutenant General Jose Menecio Dertates Jr.
09:27bilang PNP spokesperson.
09:30Sabi ng NAPOLCOM, wala sa tamang tanggapan para magsilping spokesperson si Fajardo.
09:35Nakasalukuyang direktor ng PNP Directorate for Comptroller Ship.
09:38Pata sa Taytay Riza na sinusubukang kunin ang inanod yung sinelas
09:44tuluyang nakulog sa baha.
09:46Tumutulong na sa search and retrieval operation
09:49ng Taytay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office
09:53ang Social Welfare Department ng munisipyo at Coast Guard.
09:57John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:02Nanalasa ang matinding dust storm sa Arizona sa Amerika.
10:06Sa isang time-lapse video, kita ang unti-unting pagdilim ng paligid
10:10dahil sa makapal na alikabok.
10:13Napahinto naman ang driver na yan sa gitna ng kalsada
10:16nang mag-zero visibility.
10:18Mahigit dalawang daang flights ang nadalay sa Phoenix International Airport.
10:23Ilang istruktura rin ang nasira ng malakas na hangin.
10:26Nagkakaroon ng dust storm kapag may thunderstorms
10:30kung saan umaangat at kumakalat ang buhangin o alikabok
10:33mula sa mga tuyong lugar gaya ng disyerto.
10:36Madalas nangyari ito kapag summer monsoon season sa U.S. Southwest.
10:45Max Collins, may pasokt launch sa new partner.
10:49Ang mystery guy ka-holding hands ni Max
10:51during her birthday celebration in El Nido, Palawan.
10:56Ilang kapuso Gen Z at ex-PBB housemates
11:01sama-samang mananakot sa pelikulang Huwag Kang Titingin.
11:06Nakakakabaw. Una-una saan hindi kami multuhin.
11:09Parehas pa naman kami ni Sophie. Ako kasi matatakot din.
11:11At maganda din yung message na gusto namin ibigay as a Gen Z cast.
11:16It's a very young cast and I'm feeling ko the camaraderie that we'll have
11:20will be exciting para ipakita namin na bakit huwag ka-titingin.
11:23It's my first ever movie. Kaya I'm really excited at the same time kinakabahan.
11:29Collab project ito ng GMA Pictures at Mentork Productions.
11:33Excited ako because we've been talking about collaborating since two years ago
11:38and we've known Mentork to be a very, very good horror movie producer.
11:44Sobrang natutuwa sa generosity ng GMA.
11:48To extend their arms sa mga baguhan kagaya namin.
11:51So napakalaking event dito para sa amin.
11:55Nelson Canlas nagbabalita para sa GMA Integrated News.
11:59Hindi lang daw kaalaman ang hatid ng isang registered nurse na isa ring lecturer.
12:10Ang kanya kasing demo para masagi pang taong nabubulunan, inaabangan at hinihiyawan.
12:15Pusuan na yan sa report ni Ian Cruz.
12:17Chinky eyes, fluffy air dry hair at formang opa.
12:25Meet Sir Rocky Aguirre, ang artisahing registered nurse slash lecturer.
12:31Certified crushy ng nursing students at ang internet.
12:36Kapag si Sir Rocky raw ang magtuturo, tiyak na napapa-i-do ang mga estudyante.
12:43As in, I do volunteer.
12:46Ang estudyante nito na nag-volunteer para sa Heimlich Maneuver demo.
12:51Paano gagawin? Hanapin ang puso.
12:54Di mo sure kung tuluyang mabibilaukan sa kilig ng akapi na ni Rocky.
13:011, 2, 3, elevate.
13:03Yan.
13:05Parang hinihintay nila yung Heimlich Maneuver.
13:08And I'm very happy kasi yun talaga yung goal ko as a lecturer.
13:11I don't want just to share my knowledge but also to make learning as fun as possible.
13:16Pero di lang daw looks ang puhunan ni Rocky, kundi talino rin.
13:21Katunayan, top 7 siya sa nurse's licensure exam noong 2023 at isa na ngayong medical student.
13:30Pero higit sa kilig at saya, mahalaga raw kay Sir Rocky na may natutupuhan ang kanyang mga estudyante,
13:38pati ang netizens na humahanga sa kanya.
13:42I'm very happy whenever I receive messages na kahit hindi sila nursing,
13:46pero napapanood nila yung video about Heimlich Maneuver.
13:49I want everyone to know that you can do something to save a person's life.
13:53And one of it is Heimlich Maneuver.
13:55Ian Cruz, Nagbabalita, para sa GMA Integrated News.
13:59Yan po ang State of the Nation para sa mas malaking misyon at para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
14:07Ako si Atom Araulio mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Pilipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended