00:00Namataang nakamasid ang ilang barko ng China sa gitna ng paglalayag ng mga barko ng Pilipinas kasama ang mga kaalyadong bansa sa West Philippine Sea.
00:10Saksi si Chino Gaston.
00:15Mula Zambales, magkakasabay naglayag tungong Rectobank sa Mindoro ang mga barko ng Pilipinas, US, Australia at New Zealand
00:22sa multilateral naval exercise sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
00:27Pinangunahan ng BRP Jose Rizal, ang frigate ng Philippine Navy, ang pagsasanay kung saan kalahok din ang USS Fitzgerald ng Amerika,
00:36HMAS Balarat ng Australia at ang fuel tanker na HMNZS o Tiroa ng New Zealand.
00:43Ito na ang panglabing dalawa na multilateral maritime cooperative activity ng Pilipinas at mga kaalyadong bansa
00:50at pangpitong joint sail sa West Philippine Sea ngayong taon sa dalawang araw na naval exercise,
00:56limang warship ng China ang namataang nagmamasit.
00:59Kasama sa mga ginawang pagsasanay sa multilateral exercises dito sa West Philippine Sea,
01:04ang tinatawag na replenishment at sea operations kung saan itong fuel tanker ng bansang New Zealand
01:11ang malapitang dumikit dito sa frigate ng Pilipinas.
01:15Ito'y bilang paghahanda sa hinaharap kung saan merong operation na kailangan na lang mag-refuel dito sa dagat
01:21at hindi na kailangan umuwi pa o bumalik pa ng kalupaan ang mga barko na magkakaalyadong bansa
01:27para tumagal ang pagpapatrolya dito sa West Philippine Sea.
01:31May simulation din kung paano mag-refuel ang AWS-159 anti-submarine helicopter ng Philippine Navy
01:38na habang nasa ere.
01:40Habang ginagawa ang replenishment at sea, walang tigil ang paglipad ng helicopter ng Australia.
01:44Sa isang punto, nagbago ang direksyon ng BRT Jose Rizal, kaya napalapit ng 3 nautical miles
01:50mula sa mga nagmamasid na warship ng China.
01:53We have monitored several foreign intrusions in the area.
01:58To be specific, we have monitored 5 unwanted foreign intrusions, pero di naman sila nakalapit sa atin.
02:05Dumikit lang sila sa atin, di naman siya talagang nakalapit.
02:11Pinaka-nearest nila is 3 to 5 nautical miles sa atin.
02:14Nagsagawa din ang personnel exchange ang mga barko gamit ang mga rubber boat
02:18at palitan ng supply gamit at lubid sa pagitan ng dalawang barko.
02:23Isa sa mga sumampah ng BRT Jose Rizal, ang Australianong naval officer na may dugong Pinoy.
02:28It's been a very good experience to work with the Filipino naval forces.
02:32Tuwing gabi, may mga namataang drone na nagmamasid sa mga barko ng magkakaalyadong bansa.
02:38Hindi raw ito nagmula sa mga barkong kalahok sa multilateral exercise
02:41na-detect din gabi ng Webes ang isang U.S. Nimitz-class aircraft carrier
02:45at iba pa mga escort nitong warship na naglalayad sa West Philippine Sea.
02:50Nagtapos ang dalawang araw na naval exercise sa pass and review
02:54na nagsilbing pamamaalam na rin ng mga kalahok na warship.
02:57Para sa GMA Integrated News, ako si Chino Gaston, ang inyong saksi.
03:02Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:06Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments