24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Inibok ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga leader na dumalo sa APEC Summit na buhayin ang mekanismo ng World Trade Organization na resolvahin ang gusot sa kalakalan sa buong mundo.
00:10Mula sa South Korea, nakatutok live si Bernadette Reyes.
00:15Bernadette.
00:19Emil, 8.35 ng gabi dito sa South Korea, 7.35 naman dyan sa Pilipinas.
00:25Kanina, idiniin ang Pangulo ang papel ng World Trade Organization, lalot ilang taon na itong hindi dumidinig na mga pagtatalo sa kalakalan ng mga bansa.
00:37Sa unang sasyon ng APEC Economic Leaders Meeting, isinulong ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagbabalik sa mekanismo ng World Trade Organization o WTO para resolvahin ang mga pagtatalo sa kalakalan ng mga bansa.
00:50Walang partikular na binanggit pero kung matatandaan, naka-apekto sa mga ekonomiya sa buong mundo ang pagtataas na ipinapataw na taripa ng Amerika sa mga produktong inaangkat nito sa ibang bansa.
01:04May appellate body ang WTO para desisyonan ang mga katulad na pagtatalo sa kalakalan pero 2019 pa huling nakapagdinig dahil sa kakulangan ng quorum dahil sa mga hinarang na appointment.
01:16Pagkatapos niyan, nag-usap ang Pangulo at si South Korean President Lee Jae-myung na chairperson ng APEC Economic Leaders Meeting.
01:25Pagkatapos niyan, nag-usap ang mga katala sa mga kapatalo sa mga katala sa mga.
01:28When we were in a national crisis, the Philippines sent its military to my house.
01:34And so the people of Korea will never forget the contributions and dedication and sacrifices made by the Philippines.
01:40And I see a real opportunities for us to promote the rules-based order, a more secure and more prosperous region.
01:48Well, I make a desire to come and visit us in the Philippines.
01:51I fully agree and I will try to visit the APEC-CEO Summit.
01:57Dahil sa Pilipinas ang 2026 ASEAN Summit, inimbitahan din ni Pangulong Marcos ang mga negosyante mula sa ibang bansa na bumisita sa Pilipinas nang magtalumpati siya sa APEC-CEO Summit.
02:10The Philippines is open, ready, and eager to do business with you.
02:16The Philippines offers more than just a strategic location at the heart of the region.
02:21Samantala, nakasama naman ni First Lady Lisa Araneta Marcos ang mga spouses ng iba pang world and economic leaders sa Bulguk sa Temple.
02:31Niregaluhan sila ng traditional Korean pouch na may simbolo ng kasiyahan at swerte.
02:44Emiel, ngayong gabi ay nagdaraos ng gala dinner para sa mga economic leaders.
02:48Bago ang pagpapatuloy ng mga sesyon bukas sa ikalawa at huling araw ng APEC Economic Leaders Meeting.
02:55Live mula dito sa Gyeongju, South Korea, Bernadette Reyes, nakatutok 24 oras.
03:01Maraming salamat, Bernadette Reyes.
03:03Sa muling pagbuga ng abo ng bulkang taal nitong linggo,
03:11muling naalarma ang mga taga-agonsilyo sa Batangas dahil sa ibinugan nitong asupre.
03:18Para maagapan ang posibleng epekto nito sa kalusugan,
03:21agad namang namahagi ang GMA Kapuso Foundation ng mga face mask at vitamin.
03:26Tila may halong putik at abo-umano ang bumuhos na ulan sa agonsilyo sa Batangas.
03:38Matapos ang tatlong minor eruption ng bulkang taal nitong linggo,
03:42nanumbalik tuloy ang takot ng mga residente,
03:46lalo na sa barangay Banyaga na nasa loob ng 7-kilometer danger zone.
03:51Ang direksyon kasi papunta dito yung hangin e, kaya direkate yung aking barangay.
03:55Puti agad ang kulay ng baha dito sa kalasada.
03:58Nag-alala tuloy si Mary Joy para sa kalusugan ng kanyang mga anak.
04:03Kwento niya, nangamoy asupre kasi ang hangin sa kanilang lugar.
04:09Umabot din ang abo sa kanilang bahay.
04:12Pumabaho, iba po yung amoy ng sulpor.
04:16Tapos po yung mga anak po namin nag-uubuhan na masasakit po ang lalamunan sa amoy.
04:20Sana po talaga kumalman ang bulkan.
04:22Payo ng munisipyo, huwag mag-atubiling humingi ng tulong kung kinakailangan.
04:28Kami po ay 24-7 bukas po ang tanggapan.
04:32Ngayon din po ang RHU.
04:34Once na lumapit po kayo, mabilisan naman po kayong tutugunan kung ano pong pangangailangan po.
04:39Para maprotektahan ang mga residente,
04:42laban sa masamang epekto ng abo at amoy asupre,
04:45agad na mahagi ang GMA Kapuso Foundation ng N95 mask.
04:51May vitamins at gamot din para sa mga bata sa barangay Banyaga.
04:56At sa apat na barangay sa Bayan ng Laurel,
04:59sa ilalim yan ang ating Operation Bayanihan.
05:02Iyon po ay malaking tulong na sa mga anak namin.
05:04Gawa po tulad ito, nagkakaroon po ng sakit ang mga bata dahil po sa sulpor.
05:08Sa kabuuan, 18,040 na individual ang nakatanggap ng face mask.
05:15Taos puso pong pasasalamat sa inyo pong mga tulong sa amin.
05:20Kahit minor eruption pa lang po, ay ramdam na rin po namin ang inyo pong pagtulong.
05:25Sa mga nais mag-donate,
05:27maaari po kayong magdeposito sa aming mga bank account
05:30o magpadala sa Cebuana Lower Year.
05:32Pwede rin online via Gcash, Shopee, Lazada, Globe Rewards at Metrobank Credit Cards.
05:48Lalong magkakabola sa biyahe ang mga maglalayag mula sa mga pantalan
05:52tulad ng mga nasa Batangas Port hanggang kanina.
05:55Pero marami nang nauna kaya halos siyamnapung libo na ang mga bumiyahe roon
06:00simula noong October 23.
06:02Nakatutok si Tina Panganiban Perez.
06:07Halos 10 taon ang dinadadalaw ni Arlene Magpujos
06:11ang puntod ng kanyang mga kaanak sa Oriental Mindoro.
06:14Magastos daw kasing bumiyahe.
06:17Kaya nang mag-birthday siya nitong October 29,
06:20wish niya makadalaw sila ng kanyang pamilya.
06:236 silang mabiyahe ngayon at 2,700 pesos
06:27ang pamasahin nila para sa one-way na biyahe.
06:30Kasi po mahirap po ang buhay ngayon, mahal na po ngayon ang pamasahin.
06:34Makauwi po ng Mindoro para po madalaw pong aming namatay na kamag-anak po.
06:39Ngayon pong darating na undas.
06:40Nag-birthday yung mama ko ng 29 po.
06:43Tapos yung wish niya po ay gusto niya po niya umuwi ng Mindoro.
06:45Tapos para doon na din po mag-ano po ng November 1 at 2.
06:50Nag-vacation naman ang dalawang linggo si Salvation Dalliaba sa Cavite
06:54kasama ang kanyang mga kaanak at pauwi na sa Capis.
06:58Alas 9 pa ng gabi ang biyahe nila pero nandito na sila sa Batangasport.
07:04Kaninang 3.30 ng umaga.
07:06Kung siya maiwan, traffic.
07:08Traffic na nga eh.
07:09Yung nagatid sa amin na traffic na nga sila pauwi.
07:12Bagamat hanggang ngayon ang inaasahang buhos ng mga pasahero sa Batangasport para sa undas,
07:18naniniwala ang Philippine Force Authority na mas kaunti ang mga pasahero ngayon
07:23kumpara kahapon na umabot sa mahigit 13,000.
07:27Mukhang kahapon talaga yung pinakapik because yun yung last day.
07:32Yung last day of office kahapon and then ngayon kasi declared holiday na tayo.
07:38So sa aming record, kahapon yung pinakamalaking golyom ng pasaherong dumating.
07:45So may darating at may darating pa rin ngayon.
07:48Pero ang sa tingin ko lang, hanggang hindi ganun lolobo din katulad ng naitala kahapon.
07:55Mula October 23 hanggang kaninang alas 12 ng tanghali,
08:00mahigit 87,000 na ang pasahero rito sa Batangasport.
08:03Para mapanatiling ligtas ang lahat, mahigpit ang ipinatutupad na seguridad.
08:09May bag check papasok sa terminal at papasok sa passenger waiting area.
08:14Ang mga pinagbabawal na gamit, gaya ng mga lighter, kinukumpis ka.
08:20Maliban sa Batangasport Police, may mga umiikot ng EOD at K9 units ng Philippine Coast Guard.
08:27Ang ilang taga Coast Guard auxiliary naman, namigay ng face masks sa mga pasahero.
08:32Ang sunod na buhos ng mga pasahero na pinagahanda ng Batangasport
08:36ay yung pagbalik ng mga bumiyahe ngayong undas sa November 2.
08:40Pero hindi naman daw inaasahang maiipon ang mga pasahero sa loob ng terminal.
08:45Pagbalik naman, daan lang sila, passing through lang sila dito.
08:48May specific area sila na may pwedeng daanan, hindi na sila papasok dito.
08:53Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez, nakatuto 24 oras.
09:00Imbis na magtakutan ngayong Halloween,
09:04nagpapagalingan ng ilang residente ng isang barangay sa Maynila
09:09ang kanilang pakulo.
09:11Pang malakas ang Halloween costume at parade.
09:15Nakatutok live si JP Soniano.
09:17Good evening men, mga kapuso.
09:23Literal na ghost ang usapan at pormahan dito sa isang barangay sa Santa Mesa
09:27dahil po sa ginaganap na Halloween costume party parade na 8 years na nilang ginagawa.
09:33Ang mga taga-barangay 587A, Zone 58, District 6 sa Lonson ng Maynila
09:46bago maging amala sa mismong araw ng undas
09:49ay nagtatakutan muna sa mismong araw ng Halloween
09:53ang October 31.
09:55Wala naman daw real-life horror story sa barangay
09:58pero dahil hilig daw ng mga taga-dito ang magtakutan.
10:01Wala sa simpleng trick or treat,
10:04ni-level up na sa pagalingan sa Halloween costume.
10:08May pakontes pa nga si Cap para sa mga best in Halloween costume.
10:123 to 7,000 pesos ang premyo para sa mga mananalo.
10:17Tinanong namin ang ilang contestant, gaya ni Christopher,
10:20kung bakit zombie na madalas ng costume ang napili.
10:23Madali po kasi yung acting.
10:25Paano ba ako ng zombie?
10:27Kagapang lang po.
10:29Ang iba, bida kontra bida ang eksena.
10:32Mystique mula sa X-Men.
10:34Kahit daw ang hinuhusga ang masasamang tao,
10:38may leksyon pa rin matututunan.
10:41Lahat po ng villain, tao pa rin po sila.
10:43Kaya nga po may parang half transformation po.
10:46Tapos katuladang din po sa realidad,
10:50may mga masasama.
10:53So may mga tega rito talaga nga bukas pa ang punta sa mga simeteryo
11:01para dalawin ang kanyang mga mahal sa buhay.
11:04At kahit walang costume, happy Halloween sa'yo Mel at mga kapuso.
11:09At kayo din sa'yo.
11:11Maraming salamat, JP Soriano.
11:13Fantasy came to life.
11:20Sa unique at creative look ng mga sparkle stars na dumalo sa Shake, Rattle & Ball 2025.
11:27I-chichika sa'yo sa'yo ni Aubrey Carampel.
11:30Bald look na sinamahan pa ng spikes sa mukha at katawan.
11:39Certified head turner sa Shake, Rattle & Ball 2025 gagabi
11:43sa Miss Universe Philippines 2023 Michelle D.
11:46Dressed as a fierce elven warrior.
11:49I did not know it took hours to be bald,
11:51but I had so much fun making this look.
11:54Straight from Oz naman ang peg ng mag-BFF na si Roxy Smith at Sky Chua.
16:24Iatatry ko rin yung kanilang barbecue tsaka isaw.
16:28I hope naman masarap din naman yan eh.
16:30First time namin, since purong Ilocano kami, then we want to try din yung totoong dinakdakan nila kung tatuan ito.
16:39Pasok naman sa Michelin Selected ang mahigit pitong pong kainan na bagaman hindi napasama sa ginawara ng Star at Bib Gourmand,
16:46inire-recommenda at kinikilala rin ng Michelin Guide.
16:50Tulad ng pansiteriyang ito sa Marikina na hindi rin matapos ang pila ng orders kanina.
16:56From Antipolo po kami, tinayo pa po namin dito to try this pancit.
17:00Gusto po namin ni-support yung mga local business, mga food industry na matapos.
17:05Masarap kasi siya talagang hihintayin mo.
17:071900s pa binoo ang Michelin Guide na inanunsyo ang pagdating sa bansa nito lang Pebrero.
17:13Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
17:18Nagsagawa ng anti-corruption protest ng ilang grupo ng rallyista sa Maynila na may temang Halloween.
17:25Kanya-kanyang Halloween costume.
17:27Ang mga nagpaprotesta at ang kanilang sigaw, panagutin ang mga sangkot sa korupsyon at mga ghost projects.
17:34Ayon sa bagong alyansa makabayan, nais nilang ipakita ang tunay na halimaw sa Pilipinas ay mga kurako.
17:41Sila umano ang pumapatay at nagmumulto sa mga sambayanang Pilipino.
17:46Abiso naman sa mga motorista, inaasahan tataas muli ang presyo ng produktong petrolyo pagpasok ng Nobyembre.
17:55Ayon sa Oil Industry Management Bureau ng DOE, nasa 2 piso at 15 centimo ang posibleng dagdag sa presyo kada litro ng diesel.
18:06Maglalaro naman sa piso at 20 centimo ang posibleng tas presyo sa gasolina, at nasa piso at 75 centimo para sa kerosene.
18:18Base yan sa apat na araw na trading, kaya posibleng pang magbago.
18:22Muling nagbuga ng abo ang Bulkang Kalaon bago mag-alas 7 ng umaga kanina.
18:28Ayon sa Feevox, tumagal niya ng 7 minuto at nagresulta sa plume o usok mula sa pagsigaw na umabot sa mayigit 200 metro ang taas.
18:37Kahapon, nagbuga rin ito ng abo na nagtagal ng 20 minuto.
18:41Sa ngayon ay wala namang naitatalang ashfall.
18:44Nananatili ang alert level 2 sa Bulkang Kalaon.
18:46May banta pa rin ang mga biglaang pagsabog, kaya may pit pa rin ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius.
18:53Permanent Danger Zone.
18:56Hindi lang mga tao ang yumaong may puntod na maaaring dalawin at alalahanin ngayong undas.
19:04Meron din kasing libingan na para naman sa mga nasawing lamang dagat.
19:09Sa Barangay Bonuan, Bokig sa Dagupan City, matatagpuan ang sementeryo para sa mga sea creature.
19:17Taong 1999 ang ipatayo ng Bifar ang naturang Fish Cemetery.
19:23Wala raw kasi noong designated area kung saan maaaring ilibing ang mga nasawing sea creature na napadpad sa tabing dagat sa iba't ibang probinsya sa Luzon.
19:34Kabilang dyan ang mga pawikan, balyena at dolphin.
19:39Meron ding seyatensyan or cetacean cemetery ang Bifar sa Bula Camarines Sur para sa mga marine mammal.
19:50Layunin ang pagunita sa kanila ang paalala sa publiko na maging responsable sa pangangalaga sa kalikasan at mga buhay sa karagatan.
20:04Goosebumps realness, poster pa lang!
20:11Kaya maghanda na sa takot ang hatid ng KMJS, Gabi ng Lagim the Movie.
20:15Sa ipinasilip na official poster ng pelikula, ramdam ang bigat ng mga karakter na gagampana ni na Jillian Ward, Sanya Lopez, Elijah Canlas at Miguel Tan Felix.
20:29Nilapag na rin nila ang iba't ibang mga karakter na aabangan sa tatlong kwento ng pelikula, ang pokong, verbalang at sanip.
20:38Mapapanood na sa sinahan ang KMJS, Gabi ng Lagim the Movie sa November 26.
20:44And that ends our week-long tsikahan sa ngala ni Ia Arellano. Ako po si Arason Agustin. Ms. Mel, Sir Emil.
20:58Yan ang mga balita ngayong biyernes. Ako po si Mel Tianco para sa mas malaking misyon.
21:05Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan. Ako po si Emil Sumagil.
21:09Mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino. Nakatuto kami 24 oras.
Be the first to comment