00:00Dahulikaw ang pagsalpok ng isang motorcycle sa Center Island sa Taft Avenue sa Maynila, patay ang rider.
00:06May unang balita si Jomar Apresto.
00:11Dead on the spot ang motorcycle rider matapos sumalpok sa Center Island sa Taft Avenue, Corner P. Ocampo Street sa Malate, Maynila, mag-aalas 12 ng hating gabi.
00:20Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit ng MPD, pauwi na sana sa kanilang bahay ang 21-anyos na estudyante nang mangyari ang insidente.
00:27Sa kuha ng CCTV sa barangay 719, may kita ang rider na may kabilisan ng pagpapatakbo.
00:33Maya-maya, bigla na lang siyang sumalpok sa Center Island.
00:36Sabi ng barangay, posibleng may iniwasang lubak ang rider.
00:40Tingin namin, parang may iniwasan siya siguro dun sa ano, kasi parang may konting lubak dun sa may gitna lang ano yun ng LRT.
00:47Sa sobrang tuling niya siguro, kaya hindi niya na nakontrol yung ano niya, yung monibela niya.
00:51Dun siya tumumbok sa poste ng LRT.
00:55Sabi ng barangay, madalas may naaksidente sa bahaging yun ng Taft Avenue, lalo na paggabi.
01:00Aksidente pa po yan talaga yung Taft na yan.
01:02Yung mga stoplight siguro, naghahabol sila na makaalpas agad sila.
01:06Paalala naman ang pamunungan ng barangay, magingat sa pagmamaneho, sumunod sa speed limit at iba pang mga traffic rules.
01:13Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
01:17Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.