Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nadagdagan pa ang mga senador na naglabas ng Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth.
00:06Base sa mga inilabas ng SAL-EN, si Sen. Mark Villar ang pinakamayaman.
00:13May unang balita si Maab Gonzales.
00:20Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SAL-EN,
00:24mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Sen. Mark Villar.
00:30Kabilang sa kanyang assets, ang mahigit 349 million pesos na mga bahay, condominium units, at lupa.
00:36Wala siyang idineklarang liabilities.
00:39Umabot sa mahigit 656 million pesos ang iyaman ni Sen. Erwin Tulfo.
00:43Kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril, at halos 200 million pesos na cash a banko.
00:50Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
00:57Si Sen. Majority Leader Meg Subiri naman, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman.
01:04Kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, ibat-ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
01:11Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
01:17Si Neophyte Senator na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
01:24Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
01:32Nakasaad din sa kanyang salin ang interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
01:36Wala siyang idineklarang liabilities.
01:38Ang iyaman naman ni Sen. Ping Lakson, aabot sa halos 257 million pesos.
01:44Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
01:54Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
02:00Ang iyaman naman ni Sen. Jingoy Estrada, abot sa 252 million pesos, na sa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
02:12Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
02:18Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng yaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
02:27Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
02:34Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idiniklarang yaman.
02:40Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan, at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
02:45May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
02:51Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
02:57Wala siyang idiniklarang real property, pero may cash, stocks at iba pang investments, at incorporator siya ng labing tatlong kumpanya at tatlong foundation.
03:06Shareholder din siya ng isang country club at isang golf club.
03:09Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
03:16Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash at investments.
03:23Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
03:27Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
03:32Pinakamalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
03:37May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
03:42Si Sen. Rodante Marcoleta, mahigit 80 million pesos ang idiniklarang kabuo ang halaga ng ari-arian.
03:48Kabilang dito ang bayat lupa, kondo, mga sasakyan, bank deposit at investments.
03:53Mahigit 28 million pesos ang halaga ng kanyang liabilities, kaya halos 52 million pesos ang kanyang net worth.
04:00Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
04:05Kabilang sa yaman niya ang labing siyam na real property.
04:08Isa rito ay idiniklarang donasyon, kaya walang binayaran.
04:11Ang ibang yaman ay saks niya sa ilang kumpanya.
04:14Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
04:20Si Sen. Bongo nagdeklara ng mahigit 44 million pesos na kabuo ang halaga ng ari-arian.
04:25Bukod sa lupa, nagdeklara siya ng halos 10 million pesos na halaga ng alahas, appliances at cash.
04:31Mahigit 12 million pesos ang kanyang liabilities, kaya mahigit 32 million pesos ang kanyang net worth.
04:36Ang idiniklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
04:42Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
04:47Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
04:50Nauno na naglabas ng kanilang salen, sinasenat President Tito Soto,
04:54Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros, Wyn Gachalian, Kiko Panglinan at Robin Padilla.
04:59Wala pang inilalabas na salen, sinasenat Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa at Aimee Marcos.
05:07Ito ang unang balita. Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
05:11Gusto mo bang mauna sa mga balita?
05:14Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended