Skip to playerSkip to main content
Sa ilang sementeryo, may mga nagmumultong pinsala dahil sa kalikasan o kaya'y sa mga proyektong palpak!
Gaya sa ilang libingan na babad sa tubig
dahil sa mga palyadong proyekto kontra-baha!
'Yan ang report ni JP Soriano.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Music
00:00Sa ilang sementeryo, may mga nagmumultong tinsala dahil sa kalikasan o kaya'y sa mga proyektong palpak.
00:14Gaya sa ilang libingan na babad sa tubig dahil sa mga palyadong proyekto kontrabaha.
00:20Yan ang report ni JP Soriano.
00:25Sinikap ni Joseph na madalaw ang nicho ng kanyang asawa sa Hagonay Public Cemetery.
00:30Sadyang pahirap lang ang di pang humuhu pa roong baha.
00:34Umaali nga sa upa ang basura.
00:37Sa nadaanang madulas na nga, may mga natatapakan pang tila naduduro.
00:42At pasintabi po, may sirang nicho na lantad na ang mga buto.
00:48Dito po sa Public Cemetery ng Hagonay, tila panibago po itong kalbaryo.
00:53Paano mo nga naman madadalaw ang inyong mga mahal sa buhay kung ganito ang sitwasyon
00:56na ayon sa mga taga rito, lubog sa baha simula noong taong 2016.
01:01Kung tutuusin, may apatapot tatlong flood control project sa Hagonay.
01:07Lagpas tatlong bilyong piso ang ginastos para sa mga yan.
01:10Kaya si Joseph, nanunumbat.
01:13Kung tutuusin na ginawa nila yung project na yun,
01:16di sana hindi kami naghihirap ng ganito.
01:18Sinisi naman ng bagong mayor ang dipagkonsulta ng DPWH
01:23sa mga proyekto na umano'y bungi-bungi o hindi natapos.
01:27Wala pang tugon ang DPWH kaugnay nito.
01:30Pero kasama na mga yan sa mga iniimbestigahang proyekto
01:34ng Bulacan 1st District Engineering Office.
01:38Baharin ang sumalubong sa mga bumisita sa Iloilo City Public Cemetery
01:42gayon din sa Lapas at sa Tanza Public Cemetery.
01:46Sinisi ng City General Services Office ang pagpalya
01:49o kaya'y kawalan ng maayos na drainage system.
01:52Sa ngayon, maglalagero muna sila ng pansamantalang tawiran sa mga sementeryo.
01:57Sa Independent Cemetery ng Dagupan City,
02:01tuluyan ang giniba ang nasa 48 apartment type na nichong gumuho
02:06nitong Agosto dahil sa ulan.
02:08Bukod yan, may 30 pang nichong nasira ng sunod-sunod na kalamidad.
02:13Inihinto muna ang pagsasayos ng nicho hanggang sa matapos ang undas.
02:18Ang mga labi sa mga gumuhong nicho,
02:21inilagay muna sa sako at garbage bag
02:23saka ililipat sa gagawing bone deposit
02:26upang may pagtirikan ng kandila ang mga kaanap.
02:30JP Soriano, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended