00:00Nadagdagan pa ngayong gabi ang mga senador na naglabas ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN.
00:08Saksi si Mav Gonzalez.
00:13Batay sa inilabas niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SAL-EN,
00:18mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Senador Mark Villar,
00:23kabilang sa kanyang assets ang mahigit 349 million pesos ng mga bahay, condominium units at lupa.
00:30Wala siyang idineklarang liabilities.
00:32Umabot sa mahigit 656 million pesos ang iyaman ni Sen. Erwin Tulfo,
00:37kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril at halos 200 million pesos na cash a banko.
00:44Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
00:50Si Senate Majority Leader Meg Subirina man, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman,
00:57kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, iba't ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
01:05Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
01:11Si Neophyte Senator na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
01:17Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
01:25Nakasaad din sa kanyang sali ng interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
01:30Wala siyang idineklarang liabilities.
01:32Ang iyaman naman ni Sen. Payne Lacson, aabot sa halos 257 million pesos.
01:37Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
01:47Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
01:54Ang iyaman naman ni Sen. Goy Estrada, abot sa 252 million pesos.
01:59Nasa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
02:06Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
02:12Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng yaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
02:21Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
02:27Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idineklarang yaman.
02:33Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan, at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
02:39May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
02:45Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
02:51Wala siyang idineklarang real property, pero may cash, stocks at iba pang investments,
02:55at incorporator siya ng labing tatlong kumpanya at tatlong foundation.
02:59Shareholder din siya ng isang country club at isang golf club.
03:02Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
03:10Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash at investments.
03:17Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
03:20Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
03:25Pinakamalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
03:30May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
03:36Si Sen. Rodante Marcoleta, mahigit 80 million pesos ang idineklarang kabuo ang halaga ng ari-arian.
03:41Kabilang dito ang bayat lupa, kondo, mga sasakyan, bank deposit at investments.
03:47Mahigit 28 million pesos ang halaga ng kanyang liabilities, kaya halos 52 million pesos ang kanyang net worth.
03:52Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
03:58Kabilang sa yaman niya, ang labing siyang na real property.
04:01Isa rito ay idineklarang donasyon, kaya walang binayaran.
04:05Ang ibang yaman ay saks niya sa ilang kumpanya.
04:07Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
04:13Si Sen. Bongo, nagdeklara ng mahigit 44 million pesos na kabuo ang halaga ng ari-arian.
04:19Bukod sa lupa, nagdeklara siya ng halos 10 million pesos na halaga ng alahas, appliances at cash.
04:24Mahigit 12 million pesos ang kanyang liabilities, kaya mahigit 32 million pesos ang kanyang net worth.
04:30Ang idineklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
04:36Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
04:40Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
04:44Nauno na naglabas ng kanilang sal-end si Sen. President Tito Soto, Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros, Wyn Gachalian, Kiko Pangilinan at Robin Padilla.
04:53Wala pang inilalabas na sal-end si Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa at Aimee Marcos.
05:00Para sa GMI Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksi.
05:03Sinopresa si Double Gold Olympic medalist Carlos Yulo sa kanyang pag-uwi mula sa 2025 World Artistic Gymnastics Championship sa Jakarta, Indonesia.
05:25Goal!
05:26Goal!
05:27Goal!
05:29Huwagin ang gold sa vault si Yulo habang bronze naman ang nakuha niya sa floor exercise.
05:35Pag-amin niya, extra challenge ang preparasyon niya para rito.
05:38At buo na rin daw ang desisyon ni Yulo na hindi siya sasali sa SEA Games sa Thailand ngayong Desyembre.
05:44Para sa akin, hindi ko nakikita yung value ko na magpe-prep ako and then maglalaro lang ako ng isa or dalawang aparatos.
05:54Ang mismong target ko po is magkaroon ng team competition and all-around competition which is ayun talaga yung desire ko.
06:06So, unfortunately po, hindi nila pinayagan yung gano'ng rules po sa ginawa po nilang rules.
06:12Hindi na nga po siya standard and nawala po po yung spirit ng sports.
06:17So, yeah, yung gano'ng aspect din po tinitignan ko.
06:25Buo naman ang suporta ni Yulo sa kanyang kapatid ni si Eldrew na lalaban sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships.
06:37Nananalasa sa Jamaica ang Hurricane Melissa na itinutuling na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
06:45Pinagahanda ang mga residente para sa posibleng daliyong, pagbaha at pagguho ng lupa.
06:52Ipinagutos na rin ang malawakang paglikas.
06:55Bago pa man ang pananalasa ng bagyo, apat na ang naitalang nasawi malapit sa Haiti at Dominican Republic dahil sa mga pagulan.
07:02At pinayuhan naman ng Embahada ng Pilipinas sa Washington, D.C.
07:06ang mga Pilipinong naninirahan sa Jamaica na mag-ingat at mag-handa.
07:13Sa mga naghahanap po ng mapapasyalan sa Maynila ngayong Halloween,
07:17mabahin niyong magpapahuli ang luneta.
07:20Tampok ang kanilang mga glow-in-the-dark display na pwedeng ma-enjoy ng libre.
07:27At isaksinan.
07:46Literal na nag-glow sa dilim ang mga dekorasyong pangkatatakutan sa luneta.
07:51Ito ang glow-in-the-dark sa luneta-kutan park.
07:55Bago pumasok, may malaking bungo agad na sasalubong sa iyo.
08:01Sa loob, merong nananakot na tila nakakamouflage sa tamu-damo.
08:08May mga kabaong din.
08:10Katabi ang kulay niyon na kalansay.
08:13Agaw pansin din pati ang Halloween pumpkin.
08:16At glow-in-the-dark cimentaryo.
08:19May mga sapot pa ng gagamba all over the place.
08:24Kung di pa scared, abah, makipag-selfie na sa danhan.
08:30Sa United Kingdom, isang dark exhibit naman ang binuksan ngayong Halloween.
08:36Ilan sa mga makikita rito ay ang koleksyon ng mga cursed doll o mga manikang may sumpa o mano.
08:43Nakakatindig balahibo ang itsura ng ilan.
08:46Nakadisplay rin ang iba't ibang klase ng bungo na gawa ng Shuar Tribes ng Amazon.
08:52At ang ikalabingsyam na siglo na Vampire Hunting Kit.
08:57Sa Belgium naman, bidang mahiganting kalabasa na gagamitin bangka pangkarera.
09:04Bago lumahok, ay dapat matanggal muna ang laman ng kalabasa para masakyan.
09:10Kaya ang mga residente, gumamit pa ng power tools para rito.
09:16Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oydang inyong saksi.
09:21Mga kapuso, 58 araw na lang. Pasko na.
09:30Maraming salamat po sa inyong pagsaksi.
09:32Ako si Pia Arcangel para sa mas malahimisyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
09:38At mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
09:43Hagang bukas, sama-sama po tayong magiging saksi.
09:47Mga kapuso, maging una sa saksi.
09:55Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments