Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update tayo sa nag-viral na pagpasok sa isang bahay sa Pasig kung saan tinutukan ng baril at sinaktan ang mga nasa loob nito.
00:07Na-arresto na po ang leader ng gang na yan. Tunghayan sa aking eksklusibong paglubo.
00:16Naging usap-usapan ang laman ng CCTV video na ito.
00:21Kung saan makikita ang ginawang panloloob at walang habas na paranakit ng mga unoy miyembro ng isang gang sa Pasig noong isang buwan.
00:30Hindi nakaligtas sa sampal. Suntok at sipa ang mga taong inabutan ng gang sa loob ng bahay.
00:36Unang natukoy ng Pasig Police ang tatlo sa mga suspect na pawang mga miyembro umano ng gang na kuntawag ay true brown style.
00:45Lumutang ang mga ito sa kanilang himpilan at una ng nakasuhan.
00:48Habang ang itinuturong utak ng bayulenting panloloob, ang lalaking nakapulang sumbrero sa video,
00:54nadakip namang kahapon ng Pasig Police sa isang drug-by-bust operation.
01:00Nagsagawa po kami ng operational research at nalaman po namin na ito po palang pinakalidar po nila ay involved din sa illegal na droga.
01:07Narecover din po natin sa kanya ang isa pong Calibri .45 na baril.
01:11Pati ang baril, labit-bit niya ng pasukin ng bakay, narecover din ang polisya.
01:16Ayon sa Pasig Police, puntirya raw talaga ng suspect na kunin ang isa sa minority edad na babae sa bahay kaya nila ito nilooban.
01:23Ang nasabi niya lang po during sa aming pagtatanong sa kanya ay allegedly girlfriend niya raw po itong minority edad.
01:32Bukod sa illegal possession of firearms, physical injuries at kasong may kinalaman sa iligal na droga,
01:38kasama ang kasong child abuse sa kakaharapin ng suspect na may mensahe sa kanilang nasaktan.
01:44Sa nagkabirado po ay pasyensya na po kayo.
01:48Yun lang po, alam niyo naman din po yun.
01:50Ayon sa kanya, ikinukulong at nagpaparescue lang daw sa kanya ang 13 anyos na babae.
01:55Kaya niya pinasok ang bahay.
01:57Pero hindi na niya pinalawig ang kanyang mga paliwanag.
02:00Dokument po ako dyan.
02:01Dokument lang po ako sa akorte lang po magpapaliwanag.
02:04Baliang hinahanap po natin po rito yung mga kasamaan po niya
02:07na pumasok dun po sa loob ng bahay at kasama rin po sila sa mga sasampaan natin na reklam.
02:12Para sa GMA Integrated News, Emil Sumangil. Nakatutok 24 Horas.
02:24Hindi lang mga buhay kundi pati mga patay apektado sa isyo ng flood control project sa Bulacan.
02:30Baha pa rin sa isang sementeryo sa Hagonoy.
02:33Kaya pahirapan ang pagdalaw sa mga puntod.
02:36At nakatutok si JP Soriano.
02:38Maingat na kumapit sa isang pader ng Hagonoy Public Cemetery si Joseph
02:45habang nilulusong ang daan palapit sa nitsyo ng kanyang pumanaw na asawang si Josie.
02:52Madulas na nga ang lumot.
02:54Delikado pa ang mga nasa ilalim ng tatapakang tubig tulad ng basura.
03:00Ang ipinagtataka niya ang hindi pa humuhupang baha sa sementeryo.
03:04Lalo't may 43 flood control project sa bayan na mahigit 3 bilyong piso ang halaga.
03:11Kung totoong ginawa nila yung project na yun, di sana hindi kami naghihirap na ganito.
03:16Inaasahang malaking hamon tuloy sa mga dadalaw sa undas ang paghahanap sa mga nichong lubog sa baha na hindi nakita ang pangalan.
03:25Bukod pa yan sa amoy ng basura, madulas na daan at mga bagay na tila ba nadudurog kapag natatapakan.
03:34At pasintabi po sa isa sa mga nichong kita na ang buto sa loob.
03:40Tuwing undas, pagkakataon po ito para sa ating lahat, sa ating mga kababayan para madalaw ang ating mga mahal sa buhay na namayapa sa mga sementeryo.
03:47Pero dito po sa public cemetery ng Hagonoy, tila panibago po itong kalbaryo.
03:52Paano mo nga naman madadalaw ang inyong mga mahal sa buhay kung ganito ang sitwasyon na ayon sa mga taga rito, lubog sa baha simula noong taong 2016.
04:01Kaya marami na nagpatulog sa supulturerong si Eddie na kumuha ng buto para mailipat sa ibang sementeryo.
04:08Pero marami pa rin narito at hindi na nadadalaw.
04:12Hindi pa sila makapunta rin ito, maraki tubig. Madulas.
04:17Bukod pa ron, saka yung mga basura, mga kalat sa loob, baka mapako pa sila.
04:25Kaya birang-bihira lang.
04:28Bilang solusyon, minamadali na ng munisipyo ang mga pilapin at iba pang harang sa tubig na mula sa kalapit na ilo.
04:35Ang pag-apaw nito at high tide ang aniline nagpapabaha sa sementeryo at maging sa mga kalsada kahit walang bagyo.
04:44Sinisi ng bagong mayor ang dipagkonsulta ng DPWH sa mga ginawang flood control project na bungi-bungi umano o hindi natapos.
04:53Kung ito po ay instead of simple revetment lamang, ginawa na po nila na road dike ito, mas matibay, mas malapad.
05:04Kung meron malang cluster na inuna-una, natapos, meron po sanang mga nasasalba na ngayon na barangay na hindi na po binabaha.
05:12Wala pang tugon ang DPWH kaugnay sa pahayag ng mayor ng Hagonoy.
05:17Pero kasama na ang mga yan sa mga iniimbestigahang proyekto ng Bulacan First District Engineering Office.
05:24Mula rito sa Hagonoy, Bulacan at para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
05:33Apat na barko ng China ang namataan ng Philippine Coast Guard habang nagpapachulya.
05:38Malapit sa Bajo de Maciloc, isang Chinese Navy ship naman ang namataang tila, bumubuntot sa isang barko ng Philippine Navy.
05:45Nakatutok si Chino Gaston.
05:5156 nautical miles mula Zambales, namataan ng patrol aircraft ng Philippine Coast Guard,
05:56ang Chinese Navy Frigate 575 na tila bumubuntot sa BRP Emilio Jacinto ng Philippine Navy.
06:02Ayon sa Philippine Navy, nagsasagawa ng routine maritime patrol ang kanilang barko malapit sa Bajo de Maciloc ng buntutan ng Chinese Frigate.
06:12Mas malapit naman sa Bajo de Maciloc, nakita ang apat na China Coast Guard vessels na sumusunod naman sa BRP Cape San Agustin ng Philippine Coast Guard.
06:22Nakita ang mga Chinese vessels sa isinasagawang maritime domain awareness flight ng PCG Islander Aircraft na layong tingnan ang sitwasyon sa Bajo de Maciloc.
06:31Noong nakaraang linggo, ay nilagyan ng Chinese ng boyah sa loob ng lagun at isa naman sa labas ng bahura.
06:38Ilang barko ng China Coast Guard at plan ang namataan ng aeroplano ng Philippine Coast Guard kung kaya atin itong pupuntahan para imbestigahan.
06:45Ang pinakasignificant na nakita nila dito ngayon is that there are four China Coast Guard vessels that they have monitored within the vicinity of Bajo de Maciloc.
06:55And there is also a PLA Navy warship but it's quite distant.
07:02Ilang beses nag-radio challenge ang Chinese Navy ship na sinagot naman ang PCG aircraft.
07:07Patuloy na inaalmahan ang Pilipinas ang pagdeklara ng China ng isang nature reserve ang Bajo de Maciloc na 120 nautical miles ang layo mula Zambales at nasa loob ng 200 nautical miles exclusive economic zone ng Pilipinas.
07:22It is actually an extension of the gray zone activities. Earlier we have identified that illegal, coercive, aggressive, deceptive.
07:31But with the establishment of this nature reserve, basically it's already an extension also.
07:38It is a civilian environmental action to expand influence without open conflict.
07:44Ayon sa PCG, normal daw ang dami ng mga Chinese vessels sa West Philippine si sa ngayon at napapansing dumarami lang tuwing nagsasagawa ng kadiwa ng bagong bayaning manging isda missions sa Bajo de Maciloc para hatiran ng supply at krudo ang mga manging isda roon.
08:01Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
08:06Pressured si Chris Bernal sa kanyang comeback series sa GMA na House of Lies kung saan first time niyang makakasama si Beauty Gonzalez.
08:19Ang iba pang cast ng serie kililanin sa chika ni Aubrey Carambel.
08:22Bigatin ang mga artistang bibida sa pinakabagong drama offering ng GMA Network.
08:31Sa story conference ng House of Lies, ipinakilala na si na Beauty Gonzalez at ang nagbabalik na si Chris Bernal.
08:39Offer another challenging role si Beauty at excited na siyang makatrabaho si Chris for the first time.
08:45I'm so blessed na finally pagbabalik mo, it's gonna be with this and I know yung hunger and fire niya, alam mo yun, kasi ilang years din siya nagpahinga.
08:55So I know how it feels na yung excitement mo pagbalik sa trabaho, ang daming mong baon.
09:01Si Chris naman alam na mapapasabak siya sa matinding aktingan, nagaganap muling kontrabida matapos ang kanyang huling teleserye na Articulo 247.
09:10So ngayon happy ako na kay Beauty naman, kasi si Beauty ang galing din talagang artista. Medyo nape-pressure nga ako, kinakabahan talaga ako eh.
09:19Makakatambalaman ni Beauty si Mike Tan na first time niyang makakatrabaho. Kaya pag-aami ni Mike, medyo may ilang siya nung una.
09:27She's really different. Very lovely, very accommodating, mabait na tinanggal niya yung wall niya dun sa workshop.
09:39So mas nagkakaintindihan ka. Na madali rin palang mapatawa. So okay na.
09:43From the title pa lang, talagang marami na raw komplikasyon ng story at layered ang mga karakter na nagustuhan daw ni Martin na gaganap namang asawa ng karakter ni Chris.
09:53Napakaganda ng story. Ang daming twists. Ang ganda ng role ko. So thankful ako sa GMA sa opportunity na ito.
10:01Kasama rin sa cast, si na Jackie Lublanco, J. Omana, Kyla Davis, Angel Cadao at si Cocoy De Santos na mapapalaban daw sa acting dahil sa ibinigay sa kanyang role.
10:13Representation para sa mga tao na minsan talaga hindi tayo pinapakinggan, hindi tayo pinapaniwalaan pero ang totoo, alam natin yung katotohanan.
10:23Aubrey Carampel, updated sa showbiz sa happening.
10:26Parehong patay ang mga driver ng dalawang sasakyang nagsalpukan sa Quezon City. Ang nahulikam na aksidente tinutukan ni James Agustin.
10:39Mabilis ang takbo ng isang SUV sa CP Garcia Avenue sa Quezon City noong biyernes. Nang biglang, nasalpok nito ang isang AUV.
10:48Sa isa pang angulo ng CCTV, kita na umikot ang dalawang sasakyan sa lakas ng pagkakabangga.
10:53Ayon sa pulisya, galing sa katipunan C5 ang SUV na papuntang University Avenue. Ang AUV naman nasa kabilang lane ng kalsada.
11:01Itong ating SUV, doon sa may bandang kurbada ng CP Garcia Avenue, medyo lumagpas siya ng lane niya sa kurbada at natumbok niya at nagkabanggaan sila nitong AUV na kasalubong niya.
11:15Naisugot sa ospital ang dalawang nalaking driver ng mga sasakyang nasangkot sa aksidente pero parehas na binawian ng buhay.
11:22Ang babaeng sakay ng AUV, critical ang kondisyon.
11:25Since yung parehong driver natin ay namatay, yung kanila pong criminal liability extinguished at yun pong civil ang pinag-uusapan po ng parehong partido sa ngayon.
11:39Para sa Gemma Integrated News, James Agustina Katutok, 24 Horas.
11:45Mga kapuso, ramdam hanggang sa undas ang mga sakunang hinarap ng bansa ngayong taon kabilang ang mga lindol at mga baha.
11:59Maraming puntod ang kailangang ayusin at dinisin dahil sa mga yan, nakatutok si Rafi Tima.
12:03Halos isang buwan matapos tumama ang magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
12:13Bakas pa rin ang pinsala nito sa Bugo City kabilang sa Corazon Cemetery sa Barangay Sambag.
12:18Bitak-bitak pa rin o sira ang ilang puntod.
12:21Ang ilan, maagang dumalaw ilang araw bago ang undas para planuhin ang pag-aayos ng mga pinsala.
12:26Buo na dala na punisosi sa mga kanangkuan, ma'am, sa mga apuhan, lulo, apuhan, mga apuhan na mo.
12:36Oh, delay na.
12:37This weekend.
12:40Mula ganyan siya ng tipak.
12:43Yan nag-uulmang ko dahil na may magpa-utang, di nangang-utang, nag-uulmang ko dahil.
12:47Prioridad ng ilan ang pag-aayos ng mga puntod.
12:50Kaya ito muna ang paggagamitan ng natanggap na ayuda.
12:52Kabilang sa mga napinsala ng lindol ang bone chamber.
13:07Kaya ang mga buto rito ay nilagay muna sa makeshift na tinatawag na payag-payag.
13:11Baha naman ang nagpahirap sa pagdalaw sa ilang bahagi ng Iloilo City Public Cemetery.
13:16Tapak-tapak lang sa tubig, Panginoon lang ito karoon.
13:18Badlay man eh, siyempre eh. Grabing tubig yung madalo.
13:22Yan namin eh kung sugpunan na damutangas ang gamay ng mga ulualagyan.
13:26Kwento ng ilang sepultorero, inaabot ng apat na araw bago humupang baharoon.
13:31May binahang bahagi rin ng lapas at sa Tanza Public Cemetery.
13:35Ayon sa General Service Office ng Iloilo City, may problema sa drainage system.
13:39Badlay magpatako sa drainage, mag-upgrade sa drainage system, kaya hindi kakahulag mayroon.
13:46Maglalagay umuno ng mga pansamantalang tawiran sa tatlong sementeryo.
13:50Sinisimulan din ang paggawa ng drainage system sa Tanza Public Cemetery.
13:54Iniahanda na rin ang mga sementeryo sa bataan para sa undas,
13:58tulad sa Iglesia Filipina Independiente Cemetery sa barangay Santa Lucia sa bayan ng Samal.
14:03Sa Dagupan, Pangasinan, tuluyan namang giniba ang mga nichong katabi
14:06ng dating apartment nicho na sinira ng masamang panahon itong Agosto.
14:10Alisin namin yung mga itong ibang nag-iba dito eh, tapos pakatapos ayusin na namin.
14:16Habang di pa tapos ang paglilipatan, ay inilagak muna ang mga labi sa sako at garbage bag
14:21na ilalagak naman sa gagawing bone deposit.
14:24Doon muna maaring magtirik ng kandila ang mga kaanak.
14:28Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima Nakatutok, 24 Oras.
14:32Tinakdaan na si dating Congressman Zaldico ng petsa ng pagharap nito sa Independent Commission on Infrastructure.
14:46At nakatutok si Joseph Moro.
14:47Ipinapatawag ng Independent Commission for Infrastructure o ICI si dating Akobical Representative Zaldico sa November 11 at 12.
15:00Ito na ang ikalawang subpina ng komisyon kay Co na naging chairman ng House Committee on Appropriations mula taon 2022 hanggang 2025.
15:08Ilan sa mga ghost flood control projects ay pinondohan sa mga panohong yan.
15:14Ayon kay ICI Executive Director, Atty. Brian Osaka, ipinidala na ang subpina sa mga bahay ni Co.
15:20Addressed to his Pasig residents and the one in Bicol. We're just awaiting the reports coming from the ones who would serve this.
15:29Pinaniniwala ang nasa labas ng bansa si Co.
15:31At kung hindi pa rin ito sisipot, ay pag-aaralanan ng ICI ang susunod na aksyon kasama na ang pagpetisyon sa Regional Trial Court para i-cite in contempt si Co.
15:41Sa November 12 din, ipinapatawag ng ICI si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo.
15:47Si Bernardo nagsabi dati sa Senado na humingi sa kanya ng mga komisyon mula sa mga proyekto ang ilang mga politiko,
15:55kabilang sina Sen. Chisa Scudero, dating Sen. Bong Revilla at dating Sen. Nancy Binay.
16:01Dating na nalang itinanggi ang mga bintang na ito.
16:04Dalawang beses nang hindi nakasipot si Bernardo sa ICI dahil may sakit daw ito.
16:09Wala pa namang schedule ulit ang ICI para kay dating House Speaker Martin Romualdez
16:13matapis itong magpasabi na hindi siya makakapunta dahil sa medical procedure.
16:18Kung sakasakali sa mga panahon na yan, nakahanda na ang Independent Commission for Infrastructure o ICI
16:24na i-livestream ang kanilang mga paglinig sa mga bagong resource persons nila.
16:29Hopefully we'll be ready with our rules and procedures already by that time.
16:33Binabalanse talaga natin yung hinihingi ng publiko for more transparency as far as the ICI proceedings is concerned.
16:41At the same time, yung pagrespeto namin sa karapatan ng mga na-iimbita namin dito as resource persons.
16:50At the same time, yung maaaring madawit ng mga resource persons.
16:54Habang tuloy ang investigasyon ng ICI, naghahanda na rin ang komisyon para sa ikalawa nitong referral
17:00sa ombudsman na mga taong inirecommendan nilang kasuhan para sa mga maanumalyang flood control projects.
17:07Noong isang buwan, inirecommendan na ng ICI nakasuhan ang mga sangkos sa P290M na ghost flood control projects sa Oriental Mindoro.
17:23Wala pa namang balak na ipatawag ng ICI si Sen. Bongo kasunod ng pagsusumite dito ni dating Sen. Antonio Trillanes IV
17:30ng kopya ng reklamang inihain niya sa ombudsman.
17:34Nakatutok daw ang atensyon ng ICI sa pag-iimbestiga sa 421 of suspected ghost flood control projects
17:40basa sa datos na isinimente sa kanila ng Department of Public Works and Highway, so DPWH.
17:46The fact that the complaint has been filed with the ombudsman, we don't want to be redundant
17:52in the sense that medyo hindi pa nga kompleto yung aming staffing pattern.
17:58So we would rather concentrate our efforts to new case build-ups,
18:03meaning referrals to the ombudsman of a different project involving the 421 ghost project.
18:10Nanghihingi naman ang pangunawang ICI sa publiko na tila naiinip na sa investigasyon nito.
18:16We know for a fact that they're very concerned about the corruption.
18:19And kami rin naman.
18:20As I always say, the ICI is hindi naman kami ang kalaban.
18:24In fact, kakampi kami.
18:25We're doing things to be able to make sure that those responsible dito sa nangyari na ito,
18:33sa anomalous infrastructure projects na ito, will be brought to justice.
18:37Mabalik yung pera ng mga nakaw ng mga taong taong taong.
18:42Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
18:51Makakapuso, nawala na yung low-pressure area malapit sa Palawan,
18:55pero tatlong weather systems pa rin ang makaka-apekto sa bansa
18:58at posibling magdulot ng pagulan.
19:00Kabilang pa rin diyan ang Intertropical Convergence Zone o ITCZ,
19:04Easterlies at Northeast Monsoon o Omihan.
19:07Base sa datos ng Metro Weather,
19:09posibling may pagulan sa umaga sa Batanes at Baboyan Islands.
19:12May mga kalat-kalat na ulan din sa eastern section ng Central at Southern Luzon,
19:16Bicol Region at Palawan.
19:17Mas maulan na sa hapon sa Luzon,
19:19kasama ang Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon,
19:22Calabarason at Mimaropa.
19:23Sa Metro Manila naman, umaga pa lamang,
19:26maaaring may tsyansa na ng ulan sa ilang luzon.
19:29Mas tataas pa yan pagdating ng tangali o hapon
19:31at posibling maulit sa gabi.
19:33Uulanin din ang malaking bahagi ng Visayas at Mindanao sa hapon.
19:37May malalakas na ulan, lalo na sa western Visayas,
19:40Negros Island Region, pati sa Samar at Leyte Provinces.
19:43Halos buong Mindanao naman ang makakaranas ng matinding ulan
19:46gaya ng Karaga, Davao Region, Northern Mindanao,
19:49Barmat Soxargen.
19:50Maging alerto pa rin dahil pwede itong magpabaka
19:53o magdulot ng landslide kapag nagtuloy-tuloy
19:56ang buhos ng malalakas na ulan.
19:58May nakataas namang gale warning sa Batanes at Baboyan Islands
20:01kaya delikadong maglayag ang maliliit na sasakyang pandagat
20:04dahil sa malaking alon.
20:06Samantala, ayon sa pag-asa,
20:08posibling may bagong mabuong LPA mula sa ITCZ
20:11sa mga susunod na araw kaya patuloy po kayong tubutok
20:14sa magiging lagay ng panahon sa nalalapit na untas.
20:20Like, share, subscribe, like, orikai ngapa.
20:24Here we go.
Comments

Recommended