00:00Pasentabi po sa mga kumakain, patay ang isang kasambahay na senior citizen matapos pukpukin ang electric grinder ng dating caregiver sa bahay kung saan siya nagtatrabaho.
00:10Ang suspect na 45 anyos, aminado sa nagawa at may hinanakit siya sa biktima.
00:16Balita ng atit ni EJ Gomez.
00:21Nakadapa, duguan at wala ng buhay ng matagpuan ng mga otoridad ang 70 anyos na babaeng kasambahay.
00:29Sa pinagtatrabaho niyang bahay sa Barangay San Isidro, Taytay Rizal.
00:33Ang biktimang kinilalang si Rosie Mon, pinagpapalo ng electric grinder sa ulo, ayon sa pulisya.
00:40Suspect sa krimen ang dating caregiver sa bahay.
00:44Magkasama raw ang dalawa bago ang insidente base sa pahayag ng biyanan ng biktima sa pulisya.
00:50Inaluk umano ng trabaho ng biktima ang suspect na napagalamang may utang sa kanya.
00:55Pumayag daw ang suspect pero na uwi raw sa pagtatalo ang usapan ng dalawa.
01:00Ninalait daw po siya ng biktima tungkol sa kanyang pamilya na hindi na po niya nagustuhan na uwi po ito sa pagtatalo.
01:13Yung biktima raw po ang unang nanakit sa kanya.
01:16Binato daw po siya ng baso.
01:18Binato rin daw po siya ng electric grinder po.
01:23Nagagawan daw ang dalawa sa electric grinder hanggang sa makuha ito ng sospek at saka pinagpapalo ang biktima.
01:29Hindi po bababa sa walong pukpuk po ang ginawa ng ating sospek sa biktima.
01:37At hemorragic shock po ang sanhinang pagkamatay ng ating biktima.
01:42Halos hindi na po makita, ma-identify yung mukha ng ating biktima doon.
01:48Sa follow-up operation ng pulisya, natunto ng sospek sa bahay ng kanyang anak sa Rodriguez Rizal matapos ituro ng kanyang asawa.
01:56Aminado ang sospek sa krimen dahil daw sa hinanakit.
02:00Kasi siya daw po yung mga anak ko po ay iba-iba daw po yung tatay.
02:05Meron po kasi siya daw po yung asawa ko, merong babae.
02:08Sobrang sakit naman po siyempre.
02:10Pinalo po ko sa tuhod ng kahoy, kaya po ako panay pa sa akin.
02:13Yung electric grinder po gusto niya pong ipukpuk sa akin.
02:16Anong naagaw ko po sa kanya yung grinder, sa kanya ko po naipukpuk.
02:21Sobrang pagsisisi po.
02:22Hindi ko naman po sinasadyang pumantong sa ganong pangyayari.
02:26Talagang napakasakit sa aming magkakapatid, sa mga anak niya.
02:31Hindi namin matanggap ang pangyayari.
02:35Buhay ang kinuha niya, maaaring lang pagdusahan po niya.
02:40Sa custodial facility ng taytay pulis nakakulungang sospek
02:44na inquest na siya at sinampahan ang kasong homicide.
02:48EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:56EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.