Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Igan, patuloy ang pagpalaka sa ugnayan ng Pilipinas at iba pang ASEAN member at organization sa summit na isinagawa sa Malaysia.
00:08Si Pangulong Bongo Marcos, ilang beses binigandiin ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea
00:13at ang pagbatiko sa planong Nature Reserve in China sa Bahaw di Masinlok.
00:18Live mula sa Kuala Lumpur, may unang balita kasama natin si Maris Umali.
00:24Maris?
00:25Igan, narito pa rin ako ngayon sa International Media Center ng Kuala Lumpur Convention Center
00:35at ito nga ay tinuligsa ni Pangulong Bongo Marcos ang mga hakbang ng China
00:39at ipinarating din niya sa mga world leader ang mariimpagtutol ng Pilipinas sa pinaplano na Nature Reserve sa Bahaw di Masinlok
00:48na ayon sa Pangulo ay malinaw na paglabag sa soberania ng Pilipinas.
00:55Sa unang dalawang araw ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia,
01:01dalawang beses nabanggit ni Pangulong Bongo Marcos ang tungkol sa tangkang pagtatayo ng Nature Reserve sa Bahaw di Masinlok sa West Philippine Sea.
01:09Una, noong ASEAN-US Summit kung saan kasama si US President Donald Trump.
01:14Gate ng Pangulo, ang tangkang pagtatayo ng Nature Reserve ay paglabag sa soberania ng Pilipinas.
01:20Paglabag din daw ito sa traditional fishing rights ng mga Pilipino na ginagarantisa ng international law
01:26kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea o ONCLOS at 2016 Arbitral Award.
01:33Ang ikalawa ay sa East Asia Summit kung saan naroon naman si Chinese Premier Li Chang.
01:38Tinukoy ng Pangulo ang anya ay kapitbahay sa norte na nagdeklara ng National Nature Reserve sa Bahaw di Masinlok.
01:44Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea.
01:49Nabanggit din ang Pangulo sa East Asia Summit ang mga insidente sa West Philippine Sea kung saan nalagayan niya sa piligro ang mga Pilipino maging mga barko at aircraft ng Pilipinas.
02:00Ayon naman sa Chinese Foreign Ministry, ang pag-uodyokan nila ng mga Pilipino ang pinagmumula ng tensyon.
02:05Sa kanya namang opening speech, sinabi ni ASEAN Chairman at Malaysian Prime Minister Anwar bin Ebrahim na ang anumang issue sa South China Sea na is daw nilang maresolba sa loob din ng ASEAN.
02:16Sa sidelines ng 47th ASEAN Summit and related summits, nakipagpulong din si Pangulong Marcos kay United Nations Secretary General Antonio Guterres at Vietnamese Prime Minister Paming Ching.
02:27Sa kanyang pulong kay Guterres, tinalakay nilang kooperasyon, pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan, pagunlad ng ekonomiya at pagkitiyak ng katarungan sa lipunan.
02:38Patuloy rin daw isusunong ng Pilipinas ang climate action.
02:42Sa kanyang bilateral meeting naman kay Prime Minister Paming Ching, nagkasundo ang dalawang lider na palakasin pa ang ugnayan ng Pilipinas at Vietnam sa larangan ng ekonomiya,
02:51seguridad at pagpapatatag ng bilateral strategic partnership.
02:55Nagpasalamat din si Pangulong Marcos sa patuloy na tulong ng Vietnam sa Pilipinas sa panahon ng tagtuyot at kakulangan sa supply ng bigas.
03:03Sa ikalabin limang ASEAN-UN Summit naman kagabi, nanawagan ang Pangulo sa mga kasabi ng ASEAN at United Nations
03:09na itaguyod ang isang agenda ng pagunlad na walang may iiwan at nagbibigay dangal sa lahat.
03:14Sa kanyang intervention speech, sinabi ni Pangulong Marcos na ang tunay na sukatan ng pagkakaisa ng ASEAN at UN
03:21ay hindi lamang nasusukat sa mga salita, kundi sa aktual na pagunlad na nararamdaman ng mga mamamayan.
03:27Binigyan din ang Pangulo na upang maisakatuparan nito,
03:30kailangan ng mas matatag na koordinasyon at mga makabagong hakbang tulad ng digital public infrastructure,
03:36tamang paggamit ng artificial intelligence, at pagpapaunlad ng green technologies.
03:40Nagpasalamat din siya sa suporta ng ASEAN sa kandidatura ng Pilipinas bilang non-permanent member ng UN Security Council para sa taong 2027 to 2028.
03:51Ibinida rin ni Pangulong Marcos ang pagpapatibay ng Pilipinas sa Agreement on Marine Biological Diversity of Areas Beyond National Jurisdiction
03:58na nagpapakita ng pangako ng bansa na pangalagaan ang karagatan at pairali ng batas dagat sa ilalim ng 1982 United Nations Convention on the Law of the COO Clause.
04:09Sa kanya namang intervention speech sa mga kasaping bansa ng Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP
04:15na siyang pinakamalaking kasunduan sa malayang kalakalan o free trade sa buong mundo,
04:20nanawagan si Pangulong Marcos na paigtingin ang ugnayan upang mapalakas ang inklusibo, sustainable at matatag na pagunlad sa rehyon
04:28sa gitna ng mga hamon sa pandaigdigang ekonomiya.
04:31Hinimok ng Pangulo ang mga kasaping bansa na pabilisin ang proseso ng aksesyon at paglawak ng RCEP
04:37upang higit na mapalalim ang integration sa rehyon, mapatatag ang mga supply chain
04:41at mapalakas ang sentral na papel ng ASEAN sa paghubog ng kinabukasan ng ekonomiya sa Asia.
04:47Mahalaga raw na matutukan din ang RCEP ang mga bagong sektor tulad ng digital trade, creative economy, green transition at innovation.
04:55Igan ngayong alas 9 ng umaga ay nakatakdang pirmahan ang isa sa mga mahalagang dokumento,
05:05ang ASEAN-China Free Trade Area 3.0 upgrade na layong palakasin pa yung kalakalan at pamumuhunan sa rehyon,
05:15gawing mas madali o gawing mas simple yung mga proseso at patakaran sa pagnenegosyo,
05:19at suportahan din yung mas inklusibo at makabagong paglago ng mga mamamayan dito sa ASEAN at sa China.
05:28Alas 10.30 ay gaganapin ang bilateral meeting ni Pangulong Bombo Marcos kasama ang Australia.
05:33Alas 2.30 naman ang hapon ay gagawin ang closing ceremony at ang handover of the ASEAN chairmanship sa Pilipinas.
05:42At bago tumulak, pabalik ng Pilipinas ay magkakaroon pa ng kapihan si Pangulong Bombo Marcos kasama ang media
05:48para bigyan tayo ng mga highlights at iba pang mga benepisyong mahukuha ng ating bansa
05:53sa pagdalo ng Pangulo dito sa 47th ASEAN Summit at Related Summits dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
05:59At yan ang pinakasariwang balita live mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
06:04Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:07Maraming salamat, Mariz Umali, live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Be the first to comment