00:00Magandang umaga po sa inyong lahat at live mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
00:06Narito na ang lagay ng ating panahon ngayong araw ng Martes, October 28, 2025.
00:12Unahin muna po natin yung naging anunsyon ng DOST Pag-asa kahapon.
00:16Binanggit po natin na simula na nga ng Amihan or Northeast Monsoon.
00:22At pag sinabi po natin Amihan, mas makararanas na tayo or asahan na natin
00:25ang mas malamig at tuyong panahon, particular na nga dito sa may kanlurang bahagi ng Luzon.
00:31Samantala, kasabay din ng Amihan ay makararanas din tayo ng iba pang mga weather system
00:35gaya ng shearline o ito yung banggaan ng malamig na Amihan at mainit na easterlies
00:40o yung hangin nagbumula sa karagatang Pasipiko.
00:43Dahil doon, asahan naman ng mga kababayan natin sa may silangang bahagi ng ating bansa,
00:47lalong-lalo na ng Northern hanggang Central Luzon, kasama din yung Bicol Region,
00:52ang posible yung mga pag-ulan na dulot naman ng shearline, kasabay po yan ng pagkakaroon ng Amihan.
00:58Isa pang katangian ng Amihan, karamihan po ng mga bagyo natin kapag tatama ito sa kalupaan,
01:04kadalasan sa may bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:07Mapapansin po ninyo, karamihan ng mga bagyo natin towards the end of the year ay tumatama sa may Visayas at Mindanao.
01:14Ito ay dulot ng malakas na high pressure area sa may hilagang bahagi ng ating bansa.
01:19So bahagi po yan ng katangian ng Amihan season dito sa ating bansa.
01:24At ngayong araw nga, narito po ng iba't ibang mga weather systems na nakakapekto sa ating bansa.
01:30Unahin na po natin yung binanggit ko nga na Amihan o Northeast Munsoon na magdadala ng mga mayihinang pag-ulan,
01:35particular na sa bahagi ng Batanes.
01:37Meron po tayong shearline, ito po yung banggaan ng malamig na Amihan at mainit na easteries
01:42at inaasahan natin magdadala ito ng mga kalat-kalat ng mga pag-ulan, lalong-lalo na sa bahagi ng Cagayan Province.
01:49Samantala naman, patuloy yung pag-monitor natin itong low pressure area na huling namataan,
01:54275 kilometers silangan ng pag-asa island sa Kalayaan, Palawan.
01:59Makikita po natin, green na po yung kulay niya.
02:02Ibig sabihin po ay malita yung posibilidad o halos wala na itong posibilidad na maging bagyo.
02:08So either malulusaw po ito or lalabas ng Philippine Area of Responsibility.
02:12Nakapaloob siya sa mas malaking weather system na Intertropical Convergence Zone.
02:16Ito yung salubungan ng hangin mula sa magkaibang hemisphere o kating globo
02:20na nagdudulot ng mga kaulapan at magdadala rin ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng kabisayaan
02:26kasama itong Dinagat Islands.
02:28Habang itong low pressure area ay magdadala naman ng mga pag-ulan sa bahagi ng Palawan.
02:33Magingat pa rin po yung mga kababayan natin, lalong-lalo na sa may bahagi ng Palawan
02:37at kabisayaan sa mga posibilidad ng mga pagguho ng lupa o mga landslide or flash floods
02:43o mga biglaang pagbaha, dulot ng mga pag-ulan na dulot ng low pressure area
02:47at ng Intertropical Convergence Zone or ITCZ.
02:51Samantala naman, ang nalalabing bahagi ng ating bansa dito sa Metro Manila,
02:55nalalabing bahagi ng Luzon, sa may Western Visayas at malaking bahagi ng Mindanao,
02:59makararanas ng mga isolated o pulo-pulong mga pag-ulan na may mga pagkila at pagkulog
03:04pero sa umaga hanggang tanghali, medyo maliit naman yung posibilidad ng mga pag-ulan.
03:09Makikita natin, maliban dito, wala na iba tayong minomonitor na low pressure area
03:12sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
03:16Ngayong araw nga dito sa Luzon, inaasahan natin ang may hinang pag-ulan sa Batanes,
03:21dulot ng Amihan, habang may mga kalat-kalat ng mga katamtaman
03:24hanggang sa kumisay malalakas ng mga pag-ulan sa bahagi naman ng Cagayan, dulot ng shearline.
03:29Ang lalabing bahagi ng Luzon, makararanas naman ng mga isolated o pulo-pulong mga pag-ulan,
03:34pagkila at pagkulog, kadalasa sa hapon.
03:36Hanggang sa gabi, agwat ang temperatura sa lawag, 26 to 33 degrees Celsius.
03:40Sa Tuguegaro naman, nasa 25 to 32 degrees Celsius.
03:43Sa Baguio, 17 to 25 degrees Celsius.
03:46Habang sa Metro Manila, 24 to 31 degrees Celsius.
03:49Sa Tagaytay, 22 to 30 degrees Celsius.
03:52Sa Legaspi, nasa 26 to 31 degrees Celsius.
03:56Malaki naman yung posibilidad ng mga pag-ulan sa Palawan.
03:59Dulot pa rin ito ng low pressure area na malapit dito sa may Kalayan Islands.
04:04Agwat ang temperatura sa Kalayan Islands, nasa 25 to 30 degrees Celsius.
04:08Sa Puerto Princesa, 24 to 31 degrees Celsius.
04:12Malaki rin ang posibilidad ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng kabisayaan,
04:16lalong-lalo na yung Negros Island Region, Central Visayas at Eastern Visayas.
04:20Dulot ng Intertropical Convergence Zone or ITCZ,
04:23habang ang lalabing bahagi ng kabisayaan, particular na yung Western Visayas,
04:27makararanas naman ng mga isolated rain showers and thunderstorms.
04:30Agwat ang temperatura sa Iloilo, 27 to 31 degrees Celsius.
04:34Sa Cebu naman, 26 to 31 degrees Celsius.
04:37Habang sa Tacloban, nasa 25 to 30 degrees Celsius.
04:41Malaki rin yung posibilidad po ng mga pag-ulan sa bahagi ng Dinagat Islands,
04:45dulot ng ITCZ, habang ang lalabing bahagi ng Mindanao,
04:48ay makararanas sa mga isolated rain showers and thunderstorms.
04:52Agwat naman ang temperatura sa Cagayan de Oro, 24 to 30 degrees Celsius.
04:56Sa Davao, 25 to 32 degrees Celsius.
04:59Habang sa Zamboanga, 24 to 31 degrees Celsius.
05:02Sa lagay naman ng ating karagatan, inaasahan natin katamtaman hanggang sa maalo na magiging lagay ng ating karagatan,
05:10particular na sa may Northern Luzon, ganyan sa kanulurang bahagi ng Northern and Central Luzon,
05:15dahil nga umiiral yung amihan.
05:17Habang dito sa may Eastern section po ng Northern and Central Luzon,
05:21ay katamtaman yung magiging pag-alo ng karagatan.
05:23Wala tayong nakataas na gale warning, kaya maari naman po malawat yung mga sakyang pandag at mga bangka
05:28sa mga baybay na ating bansa.
05:30Bagamat mag-ingat pa rin po, lalo na kapag may mga thunderstorms,
05:32kuminsan nagpapalakas yan ng alon ng ating karagatan.
05:35Mag-ingat po, lalong-lalo na yung mga maliliit na mga bangka.
05:39Ito naman po yung ating inaasahan, magiging lagay ng panahon sa mga susunod na araw.
05:43Inaasahan po natin, una, itong low pressure area.
05:46Dito sa may baha, sa malapit po sa may Kalayaan Islands sa Palawan,
05:49ay maari po malusaw o maaring lumabas ng Philippine Area of Responsibility,
05:53maliit na yung posibilidad na ito yung maging bagyo.
05:56Bukas naman, posible pa rin yung mga pag-ulan sa may bahagi ng Palawan,
06:00dulot nung trough nitong low pressure area,
06:01kung ito man ay lalabas ng Philippine Area of Responsibility.
06:05Samantala, pagdating po ng Huwebes hanggang Biernes,
06:07muling inaasahan natin yung epekto o magpapatuloy epekto ng Intertropical Convergence
06:12o ng ITCC, particular na nga,
06:14sa may bahagi ng Kabisayan kasama yung Bicol Region.
06:17Pagdating naman ng araw ng Sabado,
06:19o araw po yan ng ating undas,
06:22posible ang mga pag-ulan sa may bahagi,
06:25silang ang bahagi ng Northern and Central Luzon,
06:28yung area ng Cagayan, Isabela at Aurora,
06:31posibleng epekto po ito ng shear line
06:33o yung bangga ng mainit at malamig na hangin.
06:35Kung magkakaroon po man ng mga pagbabago,
06:37sa alagay na ating panon,
06:38magbibigay na update ang DOST pag-asa.
06:41So ngayon po, maliit yung posibilidad pa
06:43na magkaroon tayo ng bagyo hanggang sa pagtatapos ng linggong ito.
06:48Sa matala, ang araw natin ay sisikat,
06:51mamayang 5.50 na umaga at lunubog,
06:54karap na 5.29 ng hapon.
06:59At sundan pa rin tayo sa itang iba't ibang mga social media platforms,
07:02sa X, sa Facebook at YouTube,
07:04sa ating dalawang websites,
07:05pag-asa dito ay si .gov.ph,
07:07at panahon.gov.ph
07:09para po sa mga latest updates sa lagay na ating panahon.
07:12Makikita nyo rin po doon yung ating mga real-time
07:14ng mga update, particular na sa mga heavy rainfall warming,
07:18rainfall information,
07:19thunderstorm advisories,
07:20at mga general flood advisories
07:21sa buong bansa.
07:24At live po nagbibay update
07:25mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
07:28Ako naman si Obet Badrina.
07:29Maghanda po tayo lagi
07:30para sa ligtas na Pilipinas.
07:33Maraming salamat po.
07:34Have a blessed Tuesday
07:35sa inyong lahat.
07:36Sous-titrage ST' 501
08:06Sous-titrage ST' 501
Comments