00:00Maganda umaga po sa ating lahat. Narito ang ating weather update para sa araw ng Merkulis, October 15, 2025.
00:08Discuss po muna natin itong ating satellite imagery.
00:11Sa ngayon, patuloy ang pag-iral ng easterlies or yung mainit at malinsangan na hangin na nanggagaling sa Dagat Pasipiko
00:18dito sa may Central Luzon, Southern Luzon at Buong Visayas.
00:23Meron din tayong Northeasterly wind flow na nakakapekto naman dito sa may Extreme Northern Luzon.
00:29Para naman sa update natin dito sa binabantayan nating low pressure area dito sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility,
00:36ito ay huling na mataan sa layang 1,765 kilometers east ng Northeastern Mindanao.
00:43Sa ngayon, tumataas na yung syansa neto na maging isang ganap na bagyo within the next 24 to 48 hours at posibleng pumasok ng ating par bukas.
00:53At papangalanan natin itong ramil.
00:55Ayon sa ating current forecast track, posibleng itong lumapit.
00:59Dito sa may Northern Luzon at inaasahan din natin, posibleng itong magpaulan dito sa malaking bahagi ng Luzon by weekend.
01:07Pero sa ngayon, malayo pa po itong low pressure area po natin, kaya posibleng pa rin pong magbago ang ating forecast track.
01:13Patuloy natin itong imo-monitor kaya mag-antabay tayo sa mga nilalabas na updates ng pag-asa.
01:19Para sa magiging panahon natin ngayong araw dito sa Luzon, dulot pa rin ang Easterlies, malaking bahagi ng Luzon.
01:26Particularly dito sa may Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Marinduque, Oriental Mindoro.
01:33Kasama na ang Isabela, Aurora, Bulacan, pati na rin ang Nueva Ecija ay makakaranas ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan.
01:42Para naman dito sa may Batanes, Cagayan, Apayaw at Ilocos Norte, dulot ng Northeasterly windflow, makakaranas sila ng bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may mga isolated light rates.
01:56Sa nalalabing bahagi naman ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at pati na rin dito sa may Central Luzon,
02:03makakaranas naman sila ng maaliwalas na panahon pero asahan din natin yung init at alinsangan lalo na sa tanghali hanggang hapon
02:11na may mataas na tsansa na mga panandilay ang buhos ng pag-ulan lalo na sa hapon at sa gabi, dulot ito ng mga localized thunderstorm.
02:19Agwat ng temperatura for Metro Manila, 25 to 31 degrees Celsius, Lawag, 25 to 33 degrees Celsius.
02:26For Tagay Garaw, 24 to 32 degrees Celsius, Baguio, 17 to 25 degrees Celsius.
02:32For Tagay Thai, 23 to 29 degrees Celsius. At Legazpi, 25 to 29 degrees Celsius.
02:40Dito naman sa may Eastern Visayas, pati na rin dito sa Aklan, Capiz, Bohol at Cebu,
02:46makakaranas sila ng maulap na papawirin na may mga kalat-kalat na pag-ulan din, dulot ito ng Easterlies.
02:52Para naman sa nalalabing bahagi ng Visayas, pati na rin dito sa Palawan at buong Mindanao,
02:58makakaranas din naman sila ng maaliwalas na panahon pero yun din po,
03:01mataas din ang chance sa mga localized thunderstorm pagdating sa hapon at sa gabi.
03:07Agwat ng temperatura for Calayan Islands at Puerto Princesa, 26 to 33 degrees Celsius.
03:13Dito sa Iloilo, 25 to 32 degrees Celsius.
03:16Tacloban at Cebu, 26 to 30 degrees Celsius.
03:19For Cagayan de Oro, 24 to 31 degrees Celsius.
03:23Dabao, 25 to 33 degrees Celsius.
03:26At Samuanga, 26 to 33 degrees Celsius.
03:28Wala naman tayo nakataas na anumang gale warning sa anumang seaboards ng ating bansa.
03:34Ang sunrise mamaya ay 5.47am at ang sunset mamaya ay 5.36pm.
03:40Para sa karagdagang impromasyon,
03:41bisit tayo ng aming mga social media pages
03:44at ang aming website, pag-asa.dost.gov.ph.
03:47At yan po muna ang latest dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center,
Be the first to comment