Sa tuwing binabagyo, laging nalulubog sa baha ang Malitbog Elementary School sa Minalabac, Camarines Sur. Dahil unti-unting nasira ang kanilang mga silid, hiling ng paaralan na mabigyan sila ng matitibay at ligtas na classroom. 'Yan ang tutugunan ng Kapuso School Development Project ng GMA Kapuso Foundation.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa tuwing binabagyo, lagi pong nalulubog sa baha ang Malitbog Elementary School sa Minalabak, Camarines Sur.
00:10Dahil unti-unting nasira ang kanilang mga silid, hiling ng paaralan na mabigyan sila ng matitibay at ligtas na classroom.
00:18Yan po ang tutugunan ng Capuso School Development Project ng GMA Capuso Foundation.
00:23Matinding pinsala ang iniwa ng Bagyong Rolly at Ulysses sa Malitbog Elementary School sa Minalabak, Camarines Sur noong 2020.
00:36At nang muling hagupitin ng Bagyong Christine ang lugar noong nakaraang taon, tuluyan ang nawasak ang ilang silid-aralan at hindi naligtas pang gamitin.
00:46Dahil na rin sa kalumaan, marupok na ang mga kahoy at sira na ang mga yero nito.
00:50Problema tuloy ngayon ang kakulangan ng mga silid doon.
00:54Hinati namin sa dalawa yung mga classrooms.
00:57Yung isang klase po merong laman na 35, yung isa naman, yung kalahati, meron din laman na 30.
01:05So pinagkasayin doon lahat.
01:07Saksi ang guro na si Christiana sa iba't ibang kalambidad na sumubok sa kanilang paaralan.
01:12Sa loob ng 24 na taon niyang pagtuturo rito, ilang beses na raw ito pinasok ng bahat ng may bagyo.
01:18Ang pinakahiling talaga namin, magkaroon pa ng karagdagang classroom para yung mga bata naman,
01:25magkaroon ng konsentresyon sa kanilang pag-aaral.
01:27Yung hindi abotin ng tubig at saka magigang komportable yung pakiramdam ng guro at saka ng mga estudyante.
01:35Upang magkaroon ng maayos at ligtas na silid ang mga mag-aaral,
01:39magpapatayo ang GMA Kapuso Foundation ng bago at matibay na Kapuso Type School Building doon.
01:45Pero bago pa man simula ng construction, nagbayan ni Hanmuna ang mga magulang sa pagtibag ng mga lumang silid aralan.
01:52Masayang-masaya po kami. Kasi yung matagal na namin hinihiling, magkakaroon na ng kasagutan.
01:58Abangan sa miyerkules ang groundbreaking ceremony ng Malitbog Elementary School
02:03at ang karagdagang disenyo ng ating itatayong Kapuso School laban sa baha.
02:07Sa nais makiisa sa aming proyekto, maaari kayong magdeposito sa aming mga bank accounts
02:14o magpadala sa Cebuana Lumilier.
02:17Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.

Recommended