Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Official member of the Association of Southeast Asian Nations and ASEAN, Timor-Leste.
00:06Siniaksihan naman ni Pangulong Bobo Marcos ng paglagda sa 2 ASEAN trade agreements
00:10na makatutulong sa mga negosyante sa bansa at live mula sa Kuala Lumpur, Malaysia.
00:16Ngayon ng balita, kasama natin si Maris Umali. Maris?
00:23Salamat pagi, Susan. Mga kapuso, maganda umaga po yan mula rito sa Malaysia.
00:27Nandito nga po ako ngayon sa International Media Center dito po sa Kuala Lumpur Convention Center
00:32kung saan ginaganap yung mga high-level meetings at mga sidelines ng 47th ASEAN Summit at related summits.
00:39Ngayon pong araw, ang ikalawang araw na ng pagpupulong at inaasahan magiging hitik nga
00:45sa mga usapin, kaugnay sa political security, ekonomiya, pati na rin sa sociocultural community.
00:52Kahapon ay naging makasaysayan ang pagbubukas ng 47th ASEAN Summit
00:57dahil sa kauna-una ang pagkakataon matapos ang 26 na taon ay nagkaroon muli ng bagong miyembro ang ASEAN.
01:03Ito nga po ang Timor-Leste na formal nang tinanggap bilang member state.
01:08Sa kanya na mga plenary intervention speech ay pinahayag ni Pangulong Bombo Marcos
01:13ang kahandaan ng ating bansa na magsilbing host country sa ASEAN sa susunod na taon.
01:19Sunod-sunod na nagdatingan ang mga ASEAN member states sa Kuala Lumpur Convention Center
01:27kung saan sinalubong sila ni 47th ASEAN Chairman, Malaysian Prime Minister Dato Seri Anwar Ibrahim
01:33para sa formal na pagbubukas ng 47th ASEAN Summit at related summits.
01:39Pangunahing mensahe sa opening speech ni Anwar,
01:41dapat magkaroon ang ASEAN ng tapang na bumuo ng bagong mga pakikipag-ugnayan o partnership
01:46at madaling umangkop sa mga pagbabago.
01:49Across regions, we see rising contestation of growing uncertainty.
01:55These crosswinds test not only our economies but our collective resolve
02:01to keep faith in cooperation, to believe that understanding and dialogue
02:05can still prevail in a divided age.
02:09Formal na rin tinanggap bilang ikalabing isang miyembro ng ASEAN
02:12ang Democratic Republic of Timor-Leste na 2011 pa nag-apply.
02:17Sinundan niya ng customary handshake ng ASEAN.
02:20Naging emosyonal pa sa isang punto si Prime Minister Kairala Shanana Gusmau.
02:25For the people of Timor-Leste, this is not only a dream realized
02:30but a powerful affirmation of our journey.
02:34Our accession is a testament to the spirit of our people.
02:42A young democracy born from struggle.
02:46Sa isang Facebook post, sinabi naman ni Pangulong Bombong Marcos
02:50na makasaysayang yugto ito para sa Southeast Asia.
02:53Ang pagpasok daw ng Timor-Leste sumasalamin sa sama-samang hangari ng rehyon
02:58tungo sa pagkakaisa, pagtutulungan at kaunlaran.
03:01Sa plenary intervention speech ni Pangulong Marcos,
03:04ipinahayag niya ang kahandaan ng Pilipinas sa pag-o-host ng ASEAN 2026.
03:09Binigyan diin ang Pangulo ang kahalagahan ng ASEAN Centrality
03:12sa pagtataguyod ng katatagan at pagtutulungan sa rehyon.
03:16Nakatoon sa practical, inclusive at measurable initiatives
03:21ang pag-o-host ng Pilipinas sa ASEAN sa susunod na taon,
03:24patuloy na pagsulong sa legasya ng ASEAN.
03:27Ayon kay Pangulong Marcos Jr., layunin umano ng Pilipinas
03:31na makamit ang ASEAN Vision 2045.
03:35Sa sidelines ng summit, sunod-sunod din ang pulong o bilateral meeting ng Pangulo
03:39sa mga leader ng Cambodia, Thailand, Canada, Japan, European Council at United Nations.
03:46Kabilang sa mga pinag-usapan ng ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang nakapulong nito,
03:51kabilang sa aspeto ng political security, turismo at ekonomiya,
03:54nilagdaan din sa summit ang pag-amienda sa second protocol ng ASEAN Trade and Goods Agreement o ATIGA.
04:01At sa martes, ang isa pang mahalagang kasunduan na ASEAN-China Free Trade Area 3.0 upgrade,
04:07kung saan inaasahan makikinabang ang mga negosyong Pinoy,
04:10partikular ang mga micro, small and medium enterprises.
04:13So saan may mga pulong pa na dadalohan si Pangulong Bombong Marcos ngayong araw
04:22at bukas nga ay magtatapos na ang 47th ASEAN Summit sa isang closing ceremony
04:28at handover at the ASEAN at chairmanship sa ating bansa.
04:32Gusto mo bang mauna sa mga balita?
04:35Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended