00:00Wala pong sinisino ang stress sa buhay at hindi po kahinaan ang makaramdam ng ganyan mga kapuso ha.
00:09May iba-ibang paraan ang mga Pilipino para labanan ng stress batay sa survey ng Social Weather Stations.
00:16Alamin po sa pagtutok ni Mark Salazar.
00:21Kapuso, paano ka nagtatanggal ng stress?
00:24Usually po nagpipray po ako.
00:25Rosary. Very effective.
00:28Oo, kaya doon walang stress na stress na diba?
00:32Tulog lang. Tulog na lang. Tulog pa yun.
00:35Sumasyat lang konti. Tapos kumakanta, medyo okay.
00:39Kain, stress eating kasi masarap kumain.
00:43Di yan na lalayo sa resulta ng survey ng Social Weather Stations nitong September.
00:48Dasal ang pangunahing stress reliever na isinagot ng 16% ng adult Filipinos.
00:5414% ang nagsabing ipinapahinga o itinutulog nila ang stress.
00:5911% ang lumalabas.
01:01Pero meron ding panlaban ng positive thinking, pagfofocus sa trabaho at paglalaan ng oras sa pamilya.
01:09Kumakatawan si Janet sa Pilipinong dumaraan sa mabigat na stress at sumasandig sa dasal.
01:15Yung mga problema ko sa family ko at saka yung nagkaroon ako ng hindi magandang sa province namin.
01:22Malay, nalulun ako sa bisyo.
01:25May time na talaga na kaya mo ng bumitaw pero kailangan ka lang ibigay lahat sa Panginoon ng puso mo.
01:36Si Mang Renato naman inuunahan na raw ng dasal bago pa dumating ang stress sa kanya.
01:41Iyon naman talaga ang kultura ng isang Pilipino na magdalangin talaga sa araw-araw.
01:48Kung kailangan araw-araw, may stress o wala.
01:52May stress o wala.
01:54Sabi rin ng survey, mas maraming babae kesa sa lalaki ang nananalangin bilang stress reliever.
02:01Sabi ng survey na ito sa mga babae, yun nga, panalangin ang una,
02:05and then pangalawa sa kanila ay pinapahinga.
02:07At ang iba naman ay positive thinking lang.
02:11Pero sa mga lalaki, una dyan pinapahinga talaga ang stress.
02:15Itinutulog ang stress.
02:17Susunod sa kanila, gumigimik para makalimot ng stress.
02:21Panghuli pa yung panalangin.
02:23Mabigat na isyo ngayon ng mental health.
02:26Lalo't 34% na ngayon ng adult Filipinos ang dumaranas ng madalas na stress.
02:32Mas marami kumpara sa 27% bago ang pandemia.
02:36Pera ang pinakanakakastress.
02:39Batay rin sa isang survey ng SWS na nauna nating naiulat.
02:44Money.
02:46Eh kung wala pang sweldo.
02:50Siyempre ang mamahal ngayon ng mga bilihin.
02:54Ganun din. Walang pera, walang trabaho.
02:57Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar.
03:02Nakatutok 24 oras.
03:06Pakinggan naman natin ang boses ng mga kapuso online kung paano sila mag-distress.
03:11Gaya po ng top answer sa survey ng SWS,
03:14ang pagdarasal din ang nangungunang coping mechanism ng mga netizen para labanan ng stress.
03:21Prayer paired with music,
03:23K-drama o di kaya'y ang simpleng pag-inhale at exhale
03:26at pag-iisip sa kanilang mahal sa buhay ang sagot ng ibang commenter.
03:31Meron din mga nagsabi na ang pagkain ang kanilang stress reliever.
03:36Kape is life naman ang ilang netizen kapag nasa stress.
03:39Para naman sa isang fur parent, nakakawala ro'n ng stress ang pag-aalaga ng kanyang pet cat.
03:47At ang iba naman ay naglilibang sa iba't ibang aktividad gaya ng running at panunood ng mga pelikula.
03:54Pero ano't anuman, tandaan, hindi kailangan mag-isa kayong lumaban kung sobra na po ang epekto ng stress.
04:00Maaring humingi ng tulong sa mga kakilala o mga eksperto.
04:05Mga kapuso, pwede mo rin iparinig ang boses mo sa mga social media account ng 24 oras.
Comments