Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Piniyak ng DPWH na walang nadamay na critical na dokumento sa nangyaring sunog sa isang gusali nila kahapon.
00:07Naglabas na rin ang gagawaraan ng inisyon na resulta ng kanilang pagsisiyasat sa insidente.
00:12Saksi si Joseph Moro.
00:17Sa paunang investigasyon ng DPWH na ibinatay sa impormasyon ng Bureau of Fire Protection ng BFP,
00:24lumalabas na electrical failure sa kisame.
00:27Amit siya ng sunog sa compound ng DPWH sa Quezon City kahapon,
00:31hindi dahil sa nag-init na computer gaya ng unang sinabi.
00:34At sa third floor ito ng Bureau of Research and Standards,
00:37at hindi sa opisina ng DPWH, Mimaropa, gaya ng nabangkit ang isang DPWH official sa Senado.
00:44Pagtitiyak ng DPWH, hindi bahagi ang Bureau sa implementasyon ng mga proyekto.
00:48Wala tayong nakikitang critical na dokumento dito, which may be critical in the ongoing investigation.
00:59Ang mga dokumento na nasa opisina ay mga manual, design, and technical guidelines
01:03at walang tungkol sa flood control projects.
01:06All of these are scanned and 100% backed up in our online and physical drives.
01:12Aside from the digital copy, ay nagpa-in-require po ni Secretary na ipadala po dito sa Central yung mga dokumento.
01:23Pero aminado si Public Works Secretary Vince Disson na nagsuspet siya sila noong una,
01:29lalo't kasagsaganang investigasyon sa maanumalyang flood control projects.
01:33Lalo na kaming mga bago dito sa DPWH, lagi kaming suspetsyoso sinadyam ito.
01:39At ano ang mga dokumentong nandun?
01:41Kay hihintayin nila ang pinal na risulta ng investigasyon ng BFP
01:45bago sabihin walang kinalaman ang sunog sa mga flood control projects.
01:50Dito sa Central Office ng DPWH, nakalagak ngayon yung mga dokumento kaugnay ng mga flood control projects.
01:58Dito na ito ipinaipon simula ng investigahan ng DPWH ang mga proyekto.
02:03Ang mga dokumentong ito ang magiging ebidensya sa mga kasong isasampa.
02:07Pero bago pa man yan, hinahabol na ang pagbabalik ng pera sa taong bayan,
02:12tulad ng pagpapafreeze sa mga ari-arian at pera ng mga sangkot.
02:16Maghahain din ang civil for future case sa regional trial court,
02:20anim na buwan matapos ng freeze order,
02:22kaya hindi na kailangang hintayin ang hiwalay na kasong kriminal at desisyon dito.
02:26Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, ang inyong saksi.
Comments

Recommended