00:00Inireklamo si Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera,
00:05ang kanyang asawa at isang DPWH District Engineer
00:09dahil sa 600 milyong pisong halaga ng infrastructure project sa Tarlac,
00:15wala pa silang pahayag.
00:16May unang balita si Salima Refran.
00:20Sa Office of the Ombudsman,
00:23dumulog ang Grupo United Pilipino Against Crime and Corruption ng UPAC
00:27para ireklamo ng plunder.
00:28Si Tarlac 3rd District Representative Noel Rivera,
00:32asawa niyang si Concepcion Tarlac Vice Mayor Evelyn Rivera
00:35at DPWH Tarlac 1st District Engineer Neil Farala.
00:40Aabot raw sa 600 milyon pesos na infrastructure projects
00:44ang na-award ng DPWH sa Tarlac 3G Construction
00:48kung saan presidente raw si Rivera.
00:52Merong mga health center, may flood control, iba-iba po.
00:56Pero sa nakikita namin,
01:00ito ay hindi karapat dapat bilang isang congressman.
01:03May hindi siya nag-divest,
01:05siya mismo ang makikita mong pumipirma
01:07sa mga kontrata ng DPWH.
01:11Sa SEC General Information Sheet ng Tarlac 3G Construction,
01:16nakalista ang isang Noel Rivera bilang presidente,
01:20habang treasurer naman ang isang Evelyn Rivera.
01:23Labing tatlong kontrata sa iba't ibang distrito ng Tarlac
01:27ang napunta sa Tarlac 3G mula 2018.
01:31Nakapirma rito bilang general manager ng Tarlac 3G,
01:35ang isang Noel Rivera.
01:36May conflict of interest dahil siya ay elected congressman
01:42ng District 3 Tarlac.
01:44Ang na-verify ko pa lang sa 3rd district
01:47ay mga dun sa substandard na nakita ko
01:50tsaka may ghost eh.
01:51So mga pito.
01:53May conspiracy dito.
01:55Kasi alam niya congressman siya,
01:58alam ni district engineer na congressman siya,
02:00pero binibigyan siya ng kontrata
02:02siguro gamit ang kanyang influensya.
02:04Inireklamo rin ang mag-asawang Rivera
02:08ng grave misconduct, serious dishonesty
02:10at paglabag sa Government Procurement Act.
02:13Ma-validate lang natin yung documents.
02:15Kung siya talaga,
02:17kung walang pagbabago sa official documents
02:19na dapat i-contain ng isang complaint.
02:23Yun yun.
02:24Tutuloy na natin ang PIN after validation.
02:26Patuloy na kinukuha ng GMA Integrated News
02:29ang panig ng mga inireklamo.
02:31Ito ang unang balita sa Nima Refran
02:34para sa GMA Integrated News.
Comments