- 5 weeks ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:01This is Philippine Goldberg.
00:03This is a ballot network's rejection personally.
00:07Live from Los Acheve Networks Center, ito ang 24 Horas.
00:15Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:19Patay ang isang mag-anak sa Cagayan de Oro City ng matrap sa kanilang nasusunog na bahay.
00:25Natutulog ang mag-asawa at kanilang batang anak ng sumiklabang sunog at mabilis na kumalat.
00:31Nakatutok si James Paolo Yap ng GMA Regional TV.
00:38Pasado alas 11 kagabi, nang makuhanan ng CCTV ang pagsiklab ng apoy sa isang bahay sa Barangay Gusa sa Cagayan de Oro City.
00:47Halos isang minuto lang ang lumipas, nagliyab na ang buong bahay.
00:51Sa bilis ng pagkalat ng apoy, hindi na nakalabas ang nakatirang mag-asawa at kanilang anak na babae.
01:21Ayon sa Bureau of Fire Protection, La Pasan Fire Station, bukod sa gawa sa light materials ang ibabaw na bahagi ng bahay,
01:29may mga nakaimbak ding tela dahil sastre ang padre de familia.
01:34Ilang taon na rin umanong walang linya ng kuryente ang natupok na bahay.
01:37Pag-abot na mo sa area said, ang balay sa fully engulfed na ginsya sa Calayo.
01:44Since gabi ay nahitabo, late ginsya ang call na na-receive na mo.
01:49Pagkatapos ng sunog, na-recover ng BFP malapit sa pinto.
01:53Ang labi ng 40-years-old na ina, 60-years-old na ama, at ng 13-years-old nilang anak.
02:00Inaalam pa ng BFP ang posibleng sanhi ng sunog.
02:03Nag-tan-aumid dito na amang yapon sila itong makinang dimotor.
02:08So unsa ang ilang source of electricity yapon ito kay electricity-driven man ito na itong pagtahi.
02:15Since taylor ang negosyoan ni katong namatay, taylor ring.
02:20And then, ang number two ana is kanang luto since napon may nakita na LPG dito sa sulod.
02:27Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, James Paolo Yap, nakatutok 24 oras.
02:35Nagkarambola naman ang walong sasakyan sa aklan matapos mawalan umano ng preno ang truck na may kargang 300 sako ng asukal.
02:45Nahuli kami yan sa pagtutok ni John Sala ng GMA Regional TV.
02:49Sa rearview camera, makikita ang aksidente na nangyari sa Baragay Libertad, Nabasaklan, ala 6.20 kagabi.
03:00Maririnig muna ang ingay tila mula sa gulong ng isang sasakyan.
03:05At pakikita ang isang van na lumipat sa kabilang lane, saka bumanga sa isa pang sasakyan.
03:14Pakikita rin ang pagbangga ng wing van o cargo truck sa likuran ng isa pang van.
03:18Mahilan para bumangga rin ito sa kasalubong na sasakyan.
03:23Ang truck naman, tumagilid at tumama pa sa ilang sasakyan.
03:37Sa video naman ito, makikita ang damage ang mga sasakyang sangkot sa aksidente.
03:42Walong sasakyan ang nagkarambola sa aksidente.
03:45Damay din ang dalawang nakapart na motorsiklo.
03:48Sa investigasyon ng pulisya, lumalabas na sa palusog na bahagi ng kalsada na wala naman nun ang preno ang wing van truck na may kargang tatlong daang sako ng asukal.
03:576 mga sugatan, kabilang ang pahinante ng truck.
04:15Halos 8 oras rin isinara ang bahagi ng kalsada dahil sa aksidente.
04:20Nakaditine ang driver ng truck sa Nabas Police Station.
04:23Hinihingan namin siya ng payag.
04:24Sa kadamuan sa imokarga, dapat ka slowdown ka eh.
04:29Hindi mo na pakarira mo.
04:31Pero yun o, kung na mo na kadamuan imokarga, you should at least travel at a slow speed.
04:38Mula sa GMA Regional TV at GMA Integrated News, John Sala.
04:43Nakatutok 24 oras.
04:46For disposal, o itatapo na.
04:48Pero nabistong ibinibenta pa sa isang tindahan sa Taytay Rizal.
04:52Ang mga expired na biskwit, chichirya at iba pang pagkain.
04:56Arestado ang may-ari na nakuha na ng hanggang 3 milyong pisong halaga ng expired items.
05:02Nakatutok si John.
05:03Konsulta.
05:04Sa surveillance video ng NBI, makikitang lantaran ang bintahan ng mga expired umanong consumer products sa Taytay Rizal.
05:16Pagkaabot ng pera.
05:18Ayan, nagbibirang na ng pera.
05:20Nagbibirang na ng pera.
05:22Nagbayad na.
05:23Para.
05:25Sumala kayo mga ahente ng NBI Laguna at NBI Rizal.
05:30Sa NBI kami ha. NBI.
05:32Wala mo na nga alas ha. Wala mo na nga alas.
05:35Inaresto ang mismong may-ari ng tindahan.
05:38Sa visa ng search warrant, pinasok din ng mga peritiba ang kanyang warehouse
05:42at nabistong puno ito ng mga kahon ng biskwit, chichirya at iba pang pagkain na mga expired na umanol lahat.
05:50Dalawang truck ang kinilangan ng NBI para mahakot ang mga expired na consumer products na nagkakahalaga ng 2 to 3 milyon pesos.
05:58Ayon sa NBI, nagreklamo sa kanila ang isang kumpanya na ipinoposit daw ang kanilang mga produkto na dapat ay for disposal na.
06:05Ang mga produktong ito ay ito yung mga tinatawag na return to vendor.
06:11Pinulaw na ito sa mga malalaking grocery store dahil expired na or malapit na mag-expire.
06:18Buburahin nila yung expiration date at papalitan nila ng bagong expiration date.
06:24Gamit ng mga dinidikitan nila yung sticker o kaya nag-istamp sila ng bagong expiration date.
06:29Ayon sa NBI, ibinibenta mga expired products na bagsak presyo sa maliliit na tindahan sa Cavite, Rizal at Laguna.
06:37Malaking epekto nito sa kalusugan ng mga consumer, lalo yung mga bata na mga hihiling kumain ito.
06:42Kinukuha namin ang panig ng inaresto.
06:45Para sa GMA Indiglian News, John Consulta, nakatutok 24 aras.
06:51Inireklamo ng plunder sa ombudsman, sinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, pati ang kanyang ama at kapatid, ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
07:02Kaugnay po yan sa halos 7 bilyong pisong infrastructure projects na napunta umano sa kumpanya ng mga Go.
07:09Ang tugon ng Senador sa pagtutok ni Salim Refran.
07:16Kahong-kahong dokumento ombit-bit ni dating Senador Antonio Trillanes IV sa Office of the Ombudsman.
07:22Para yan sa reklamong plunder laban kinadating Pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, pati laban sa ama at kapatid ng Senador.
07:29Kaugnay ito sa halos 7 bilyong pisong infrastructure projects na napunta umano sa CLTG builders at Alfrego builders ng mga Go.
07:40Tatay at kapatid, binigyan mo ng bilyon-bilyon na kontrata while you were in power, covered nila yun.
07:47Alam naman natin na magkadugtong ang bituka ni Bongco at Duterte, kaya hindi niya pwedeng ipagkaila na hindi na-influensyahan ito.
07:58Aligasyon ni Trillanes, nasa dalawang daang proyekto umano ang nakuha ng mga kaanak ni Go.
08:03Wala na maging mayor si Duterte noong 2008 hanggang sa maging presidente ito.
08:08Karamihan ay nasa Davao region at Davao City.
08:11May flood control, mayroong mga road widening.
08:16Kahit na kompleto o nagawa yung proyekto, pero yung offense niya is hindi dapat sa tatay at kapatid ang nag-beneficion.
08:25Ang nakalagay sa ating batas, up to fourth degree of consanguinity and affinity, pero ito first degree ito, tatay ito at kapatid.
08:36Gate ni Trillanes, undercapitalized o kulang sa pampuhuna ng CLTG at Alfrego Builders, kaya nakipag-joint venture o nakisosyo sa mga kontratisang may AAA licenses tulad ng mag-asawang Curly at Sara Diskaya.
08:51816 million pesos umano ang halaga ng mga proyektong napunta sa joint venture ng mga Go at ng mga Diskaya.
09:00Pinabulaanan ni Sen. Go ang mga aligasyon.
09:02Lahat naman tayo may negosyo yung mga pamilya natin.
09:05Lahat ng pamilya may negosyo. But hindi po ako nakikialam dyan. Nakialam ba ako? Hindi. Nakinabang ba ako? Hindi.
09:18Binigyan ko ba ng pabor ang aking pamilya? Hindi.
09:21Ayon kay Go, haharapin niya ang reklamo at handa rin kasuhan ang sariling kadugo kung nagkamali sila.
09:29Meron naman pong koa na pwede naman pong tumingin kung meron bang pagkukulang o meron bang irregularities dito sa mga proyektong ito.
09:40Kasuhan niyo po. Kaya sabi ko nga ako pa mismo, willing po akong kasuhan kahit kapamilya ko, kahit sino pa yan.
09:47Ang reklamong ito, una nang naihai noon sa Department of Justice,
09:52pero agad rao pinadala sa Office of the Ombudsman ng Prosecutor General noon na si Benedicto Malcontento.
09:58Panahon Justice Secretary pa si Ombudsman Jesus Crispin Rimulya.
10:02Itong kasong ito, may pag-aaralan pa.
10:05Hindi ko nga, hindi na nga ako nagkaroon ng pagkakataong makita ang mga papel na ito noong panahon na yun.
10:11Isang taon na yun eh.
10:12Dadan niya sa evaluation, fact finding, at preliminary investigation.
10:16Dagdag pa ni Ombudsman Rimulya, maaaring makatulong ang reklamong ito sa embesigasyon nila ng DPWH, sa CLTG, at sa mga diskaya.
10:26Binibigyan kami niyan ng hudyat kung saan kami dapat tumingin.
10:33Mas hindi nga, interesado kami diyan, pero kung nandyan na ang dokumento at meron na siyang mga project number, mga identifying marks,
10:41mas madali na namin mahahanap yan sa DPWH.
10:43Para sa GMA Integrated News, Salima Refra, nakatutok 24 oras.
10:55Tuloy sa pangalampag ang iba't ibang grupo para wakasan ng korupsyon at bilisan ang pagpapanagot sa mga sangkot.
11:02Kabilang sa mga nagrally, ang ilang magsasaka at health workers.
11:06Nakatutok si Bernadette Reyes.
11:07Winasak na mga magsasaka at iba't ibang grupo ang FEG ni Pangulong Bongbong Marcos na Hugis Daga,
11:17na simbolo umano ng dumi at ganib na mga tiwaling umangat-ngat sa pera ng taong bayan.
11:22Panawagan nila, wakasan ang korupsyon at pangaapi.
11:25Bago dyan ay nagsunog din ang FEG ng Pangulo sa tapat ng tanggapan ng Department of Agrarian Reform sa Quezon City.
11:37Gayun din ni na Vice President Sara Duterte at U.S. President Donald Trump.
11:42Nababagaling umano ang mga grupo sa pag-aksyon ng pamahalaan sa isyo ng korupsyon.
11:47Panagutin ang mga kurakot, mandarambong sa kaba ng bayan.
11:53Yun namang ICEI ay napaka-non-transparent. Hindi natin alam kung ano nangyayari dyan.
12:00Kaya napakahalaga na patuloy na kumilos ang namamayan dito sa kalsada, patuloy na bantayan natin kung ano nangyayari.
12:09Bukod sa mga magsasaka, nakiisa rin sa kills protesta ngayong araw.
12:13Ang iba't ibang mga sektor, kabilang na mga environmental advocate, maging mga health workers.
12:19Sa darating na November 30, mas malaki ang kills protesta raw ang ikakasa ng iba't ibang grupo.
12:25Isimulan natin sa pagpapatulong ng lahat ng korup.
12:31Tingnanan tayo magkaisa, milyong-milyong Pilipino.
12:36Kulang na kulang at napakabagal na.
12:38Selective yung nangyayari ngayon na pagpapanagot eh.
12:41May nakakasuhan pero walang nakukulong.
12:43Pinayagan sila ng Manila Police District kahit walang permit.
12:46Pero pakiusap sa kanila.
12:47Huwag sila magsunod ng FPG kasi meron tayong nilalabag na batas.
12:51Nakita naman natin, very permissive tayo.
12:54Pinapayagan natin sila.
12:55Para sa GMA Integrated News, Bernadette Reyes, Nakatutok, 24 Oras.
13:07De-desisyonan na ng Justice Department sa loob ng 60 araw.
13:12Ang mga ebedensyang isinumiti sa kanila kasunod ng preliminary investigation
13:16sa reklamo ng mga missing sabongero.
13:19Ang kampo naman ng negosyanteng si Atong Ang,
13:22e umaasang ibabalik pa ang reklamo sa PNPC-IDG para muling maimbestigahan.
13:27Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
13:29Sa preliminary investigation na reklamo kaugnay ng mahigit tatlumpong nawawalang sabongero,
13:38muling nagkaharap ang mga kaanak ng biktima at ilan sa mga respondents.
13:4362 ang respondents sa reklamong multiple counts of murder, kidnapping, serious illegal detention at iba pa
13:50na kinabibilangan ng negosyanteng si Atong Ang.
13:53Wala siya doon kanina at nagpadala lamang ng abogado.
13:57Kanina inanunsyo ng Department of Justice o DOJ na de-desisyonan na nila ang reklamo.
14:03The panel declared that the preliminary investigation is already submitted for resolution.
14:09That is after the complainant manifested that they are not filing a reply to the counter affidavits of the respondents.
14:16Merong 60 days sa DOJ para pag-aralan ang lahat ng ebidensya na isinumite sa kanila.
14:23Kung may sapat na ebidensya, isasampo ito sa korte.
14:26Umaasang abogado ni Ang na pagbibigyan ang kanilang hiling na ibalik ang reklamo sa PNP Criminal Investigation and Detection Group o CIDG
14:35para daw investigahan muli.
14:37We are hopeful that the case will be re-bundled back to CIDG for re-investigation
14:42in view of the fact that the evidences submitted do not have enough credibility,
14:54enough to establish what's called the quantum evidence for Primo Fashi case.
15:00I believe that is alleged in their counter affidavit and to answer that issue, we will address that in the resolution.
15:08Dumalo din ang whistleblower na si Julie Dondon Patidongan na kabilang sa mga respondents
15:13pero umaasang magiging testigo sa mga kaso kapag naisampana sa korte.
15:18Mag-aantay na lang tayo ng desisyon ng Department of Justice.
15:24Siguro makakamit na ang hostisya ng mga pamilya na nawaulan.
15:30Kampante naman daw ang mga pamilya ng missing sa Bungeros.
15:34Ang laki po ng pag-asa namin na makakamit na namin yung isisya pagdating po sa resolution.
15:40Sana po pumabor sa amin magkaroon na po ng warant.
15:42Nag-usap-usap na po kami mga ano na this time, meron na kaming witness na talagang ano, walang magpapareglot.
15:49Ayon sa DOJ, nagpapatuloy naman daw ang investigasyon sa mga buto na nakuha sa Taal Lake
15:56kung saan ayon sa whistleblower na si Patidongan, tinapon umano ang labi ng mga nawawalang sabongero.
16:02Kung magmamatch ito sa DNA ng mga kaanak ng biktima, makakadagdag daw ito sa kanilang ebidensya.
16:09The total number of bones recovered and submitted for examination is at the number 981.
16:16This includes three sets of human remains from the cemetery consisting of 264 bones.
16:21If the assessment by the panel of prosecutors is that there is sufficient evidence to proceed to trial,
16:27given what we have on hand, there will be no need to look into the DNA evidence
16:32or to wait for the results of the DNA examination.
16:34Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo nakatutok 24 oras.
16:41Good news sa mga motorista.
16:44Isang RFID na lamang ang kailangan para sa lahat ng expressway sa Luzon.
16:48Ang proseso para riyan, alamin sa pagtutok ni Chino Gaston.
16:56Endlex, Skyway, Cavitex, Tiplex at Setex.
17:01Dahil iba't ibang expressway ang meron sa Luzon, iba-iba rin ang gamit na Radio Frequency Identification Device o RFID.
17:09Kaya di maiwasan ang ilan na magkalituhan kung alin ang gagamitin sa partikular na daan.
17:16Pero ang problema niyan, may solusyon na sa inilunsad ngayong araw na one RFID.
17:21Ibig sabihin, pwedeng isang account na lang ang inyong lalagyan ng load tuwing daraan sa anumang expressway sa Luzon.
17:28Buong nga ito ng kasunduan ng Metro Pacific Tollways at SMC Tollways Corporation,
17:33ang dalawang kumpanyang nagmamayari ng AutoSweep at EasyTrip RFID Systems.
17:39Pinasinayaan ganina ni Pangulong Bongbong Margos ang consolidation ng dalawang tollways corporation
17:44walong taon mula ng hiniling ito ng gobyerno.
17:47It took us 8 years to get to this point.
17:51We are trying to emulate some of the systems that many of us who travel abroad have seen
17:57and take public transport have seen that will make things easier for our commuters.
18:06Maraming marami sa ating ginagawa ngayon, hindi kayang gawin ng pamahalaan lamang.
18:13Kaya natin ay sinama at humingi ng tulong sa ating mga private sector partner.
18:20At masasabi ko naman, kapag tayo humingi ng tulong sa kanila, hindi pa tayo hinihindihan.
18:25Natagalan ang interconnection dahil sa ilang issue, pero sa huli ay naplansya rin.
18:31Para magamit ang One RFID system, kailangan lang magpakabit ng One RFID sticker.
18:39Magtungo lang sa mga RFID installation booths, sa mga gas stations o malapit sa mga toll booths sa expressway.
18:46At iparehistro ang sasakyan sa One RFID system.
18:50Tatanggalin nila ang inyong lumang auto-sweep or easy trip RFID at papalitan ng mas bagong sticker na nasa loob ng windshield ikakabit.
18:59E paano kung may laman pa ang lumang RFID account?
19:03Pwede naman daw ilipat ang load sa bagong account.
19:06Optional o hindi raw sa pilitan ang paggamit ng One RFID.
19:11Kaya pwede pa rin gamitin ang mga lumang RFID accounts.
19:14Sina Edgar Hasmin at Ryan Son, ilan sa mga unang nagpakabit kanina ng One RFID sticker.
19:22Maganda na naging isa na lang. Less hassle.
19:25Hindi ko na iisipin kung baka makalimutan ko na walang load user.
19:28Tapos pumasok ako sa ibang express.
19:30Mahalagayon kasi isang card na lang siya.
19:35Hindi siya na magsiseparate.
19:37At kumbaga yung perang may lalagay doon, ano na, mas ano na siya, kumbaga, ang tawag doon, mas tipid na siya.
19:45Layo ng gobyerno na magkaroon ng single electronic payment system ang tollways, LRT, MRT, at ang kinukumpletong subway,
19:53kagaya ng mga electronic payment system cards sa ibang bansa.
19:57Para sa GMA Integrated News, sino gasto na katutok 24 oras?
20:02Nangako si Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Ekong na bibilisan ang paglilitis sa mga kakasuhan kaugnay ng mga flood control project.
20:12Target nilang makapagbaba ng hatol, walong buwan matapos simulan ang hearing.
20:18At narito ang exclusive na panayam ni Joseph Moore.
20:21Ang mga panawagang panaguti ng mga sangkot sa mga anumalyang flood control projects,
20:32hindi lingit kay Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Ekong at mga kasama niya sa special court.
20:38Sila ang lilitis at sisintensya sa mga makakasuhan sa anumalyang.
20:41We can also do our share in making sure that there is accountability when it comes to people who are charged.
20:53Handaan niya silang tanggapin ang mga iahaing kaso ng ombudsman.
20:57Hindi naan nila kailangang bumuo ng special division na tututok lamang sa flood control cases
21:02dahil konti na lamang ang mga dinindinig nilang kaso.
21:06We're prepared for the deluge of cases.
21:09Kung kailangan may mananagot, pananagotin natin.
21:16But there's always due process.
21:19Pero dahil kasong graph lamang laban sa mga opisyal na may salary grade 27
21:24ang dinindinig sa Sandigan Bayan, posibleng sa iba ihain ng kaso
21:29laban sa mga naereklamo na ng Department of Public Works and Highways so DPWH so ombudsman.
21:35Kabilang ang pinakamataas na si dating Bulacan 1st District Engineer Henry Alcantara
21:39na may salary grade 25.
21:41If they feel na wala talagang involved na persons na masasakop dito sa Sandigan Bayan
21:52then that will be filed in the 1st or 2nd level court depending on the charge.
22:01Tiyak namang Sandigan Bayan ang lilitis kung matuloy
22:04ang ilan pang inarekomenda ng Independent Commission for Infrastructure o ICI
22:09na kasuhan ng ombudsman na sinadating Memoropa Regional Director Engineer Gerald Panacan
22:14at mga Assistant Regional Directors nito na nasa salary grade 28.
22:19Pag nagkataon, pangako ni Justice Ekong bibilisan nila ang paglilitis.
22:23Isisumite na sa Korto Suprema ang mga bagong alituntunin para magkahatol na sa loob lamang
22:29ng 6 hanggang 8 buwan.
22:31Kabilang dyan hanggang 10 araw lamang na pagsisakdal at pretrial
22:35hanggang 4 buwang paglilitis kabilang ang paghaharap ng mga ebidensya at testigo
22:40at hanggang 2 buwan lamang para maisulat ang desisyon.
22:43We will give the ponente 40 days.
22:46The most senior member, who is not a ponente, 10 days to review.
22:52And then the junior, another 10 days.
22:57So 60?
22:5860.
22:59Next year may makukulong na?
23:01Exactly.
23:02So by next year we will have, I cannot assure you kung makulong,
23:06but we will have decisions.
23:09Basta nahuli.
23:10Sa mga pagdinig dito sa Sandigan Bayan,
23:12pinapayagan naman ang media na makapasok sa Korte at saksihan ang paglilitis.
23:17Pero ayon kay Sandigan Bayan Presiding Justice Geraldine Ekong,
23:20kung may panawagan ng publiko na isa publiko o i-livestream
23:24yung magiging pagdinig sa mga kaso ng mga maanumalyang flood control projects,
23:29handa raw nilang hinga ng permiso ito sa Korte Suprema.
23:33If that's the clamor, we will reiterate a request.
23:38And the beauty of continuous trial, because I have tried it several times,
23:44when I was in the lower court, even media, even the public who sits,
23:51you would know whether the accused will be guilty or not.
23:56If the Supreme Court allows, of course we are,
23:59because we're not hiding anything.
24:03Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
24:10Good evening mga kapuso!
24:12Di pa tapos ang 2025, pero tila best year na ito
24:15kay Rocco Nasino dahil sa sunod-sunod na blessings.
24:19At bukod sa mga project, malapit na rin siyang magka-baby number 2.
24:24Makichika kay Obre Carampel.
24:25Another blessing para kay Rocco Nasino ang second pregnancy ng misis na si Melissa Going.
24:34Last month, inanunsyo ito ng Nasino fam in a cute video,
24:38kasama ang soon-to-be kuya na si Easy.
24:41Going six months na raw si Melissa at excited na silang madagdaga ng pamilya
24:46sa pagdating ng kanilang new baby next year.
24:49I-a-announce raw nila ang gender bukas, kasabay ng birthday ni Melissa.
24:54Magiging busy rin bilang daddy.
24:57At ang birthday ko is March.
25:01Nagkataon naging successful kami sa plano namin.
25:04March din si baby.
25:06Bukod sa excitement ng pagiging daddy again,
25:09looking forward na rin si Rocco sa kanyang movie and TV projects.
25:13Magiging busy raw siya ngayong last quarter of 2025.
25:16Sa November, ipalalabas ang docufilm na Lakambini
25:20kung saan gaganap siya bilang si Andres Bonifacio.
25:24Honored si Rocco na gumanap bilang isang bayani
25:27sa pelikulang talambuhay ng misis ni Andres na si Gregoria De Jesus.
25:32Very surreal.
25:33Tapos nakaka-realize lang din na kung paano talaga magmahal ng bansa.
25:39Kung paano maging heroic in your own way.
25:42Pero din sa pelikula na ito, ipinapakita yung lakas ng babae din.
25:47Na noon pa, kayang-kayang ang mga babae maging pata sa mga lalaki.
25:51Sa December, may work din si Rocco during the Christmas season.
25:56At soon, balik acting sa telebisyon.
25:59Pakikita ko na makakapuso natin sa telebisyon ulit.
26:01After ng stand ko sa Mami Dieres at sa Sangre,
26:06makikita niyo ulit ako sa TV.
26:08Aubrey Carampel, updated sa Showbiz Happenings.
26:12Outro
Recommended
1:03
|
Up next
Be the first to comment