Skip to playerSkip to main content
Sa murang edad, humaharap na sa matinding pagsubok ang mga batang tinutulungan ng Kapuso Cancer Champions Project ng GMA Kapuso Foundation. Ngayong papalapit na kapaskuhan, handog natin ang libreng chemotherapy sessions at iba pang mga regalo at surpresa. Sana’y patuloy po natin sila samahan at tulungan sa kanilang laban.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa murang edad, humaharap na sa matinding pagsubok ang mga batang tinutulungan ng Capuso Cancer Champions Project ng GMA Capuso Foundation.
00:13At ngayong papalapit na Kapaskuhan, handog po natin ang libreng chemotherapy sessions at iba pang mga regalo at sorpresa.
00:21Sana ipatuloy po natin sila samahan at tulungan sa kanilang labat.
00:25Natural na masayahin ang dalawang kaunggulang na si Mira.
00:33Magana rin kumain at palaging umiindak sa mga paboritong tugtugin.
00:38Ngunit sa likod ng kanyang mga ngiti, may iniinda pala siyang mabigat na karamdaman.
00:43December 2024, nang mapansin ng kanyang inang si Meljilin na hirap huminga at maglakad ang kanyang anak.
00:51Na-diagnose siyang may acute lymphoblastic leukemia.
00:55Sobrang sakit po siyempre po kasi hindi ko po matanggap na ganun po yung mangyayari sa baby ko kasi healthy naman po siya mami.
01:04Una, hindi po namin siya nakitaan ng sintomas na magkakaganyan po siya.
01:09Ang expect lang namin is normal lang po na sakit, like lagnat po, ganun.
01:14Natigil sa pagtatrabaho si Meljilin para matutukan ang kalusugan ng anak.
01:19Hindi rin sapat ang kinikita ng kanyang asawa na factory worker sa gamutan ni Mira.
01:25Kaya naman kabilang si Mira sa labing limang batang napabilang sa Kapuso Cancer Champions,
01:30isa sa sektor ng Give a Gift alay sa Batang Pinoy Christmas Project.
01:35Handog natin ang libreng six cycles ng chemotherapy session sa mga bata.
01:39Seeing to the treatment of children with cancer is very, very difficult.
01:47Ang GMA Kapuso Foundation, sinisigurado natin na meron kayong kaagapay.
01:54Hindi kayo nag-iisa.
01:56Hatid din natin ang mga regalo at iba't ibang activities para sa mga bata.
02:01Kasama ang Kidzuna Iron Fantasy Group Philippines.
02:04Mga Kapuso, sana'y maging instrumento tayo ng pag-asa para sa mga batang nakikipaglaban sa cancer.
02:31Sa mga nais makiisa sa iba pa naming proyekto, maaaring magdeposito sa aming mga bank accounts o magpadala sa Cebuana Luilier.
02:40Pwede rin online via GCash, Shopee, Lazada at Globe Rewards.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended