Skip to playerSkip to main content
Today's Weather, 5 P.M. | Oct. 14, 2025

Video Courtesy of DOST-PAGASA

Subscribe to The Manila Times Channel - https://tmt.ph/YTSubscribe
Visit our website at [https://www.manilatimes.net](https://www.manilatimes.net/)

Follow us:
Facebook - https://tmt.ph/facebook
Instagram - https://tmt.ph/instagram
Twitter - https://tmt.ph/twitter
DailyMotion - https://tmt.ph/dailymotion

Subscribe to our Digital Edition - https://tmt.ph/digital

Check out our Podcasts:
Spotify - https://tmt.ph/spotify
Apple Podcasts - https://tmt.ph/applepodcasts
Amazon Music - https://tmt.ph/amazonmusic
Deezer: https://tmt.ph/deezer
Stitcher: https://tmt.ph/stitcher
Tune In: https://tmt.ph/tunein

#TheManilaTimes
#WeatherUpdateToday
#WeatherForecast

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang hapon sa ating lahat at naritong ulat sa lagay ng panahon ngayong hapon ng Martes, October 14, 2025.
00:07Meron nga tayong binabantayan na dalawang low pressure area sa loob at labas na ating Philippine Area of Responsibility.
00:15Una na nga dyan itong isang low pressure area na huling na mataan sa layong 130 kilometers east-southeast ng Valer Aurora.
00:23At base naman sa ating analysis ay isa lamang itong shallow low pressure area at maari ng malusaw bukas.
00:30Yung ikalawa naman na low pressure area ay huling na mataan sa layong 1,760 kilometers east o silangan ng northeastern Mindanao.
00:39At ito nga ngayon ay meron ng medium chance na maging isang ganap na bagyo.
00:44At base nga sa ating analysis, posible nga itong maging isang ganap na bagyo sa pagitan nga ngayong gabi hanggang sa Sabado.
00:51At maaari din itong makapasok na sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility by Thursday or Friday.
00:58Meron din tayo nakikita ang dalawang senaryo.
01:02Una, maaari itong tumahak dito sa may parte ng extreme northern Luzon kung saan maaari itong direct ang apektuhan dito sa may parte ng Batanes at Babuyan Islands.
01:12Yung ikalawa namang senaryo ay maaari itong dumaan dito sa kalupaan ng northern Luzon.
01:17At kung naalala nga natin yung naging track nung nakaraang bagyo na si Paolo, maaaring maihihalin tulad yung magiging posibleng track nitong nakikita nating low pressure area.
01:27Kung saan, dumaan nga ito or pumasok dito sa may parte ng Aurora at Southern Isabela, dumaan dito sa may parte ng northern Luzon at lumabas dito sa may parte ng Ilocos Region.
01:38Bagamat sa ngayon ay marami pang maaaring magbago dito sa magiging track nitong low pressure area ay patuloy pa rin tayong mantabay sa mga updates na manggagaling dito sa pag-asa.
01:50Samantalang yung easterlies nga o yung mainit na hangin galing Pasipiko ang siya namang nakaka-apekto dito sa may Visayas.
01:59Sa magiging lagay nga ng panahon bukas, asahan nga natin na magiging maulap at kalat-kalat ang mga pag-ulan dito sa may Metro Manila, magiging dito sa may Isabela, Aurora, Calabarzon, Camarinas Norte hanggang dito nga sa may parte ng Bataan, Pampanguan, Nueve Ecija at Bulacan, dalangayan ng low pressure area.
02:21Samantalang dito naman sa may parte ng Batanes, Kagayan, magiging dito sa may Apayaw at Ilocos Norte, magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan at may mga pag-ulan, dala naman ng pagbabalik ng north-easterly wind flow.
02:37Sa iba pang bahagi nga dito sa may Luzon, makararanas din ng mga pag-ulan, pagkilat at pagkulog, dala din ng easterlies.
02:48At sa nalalabi pang bahagi ng Luzon, makararanas naman ng mga localized thunderstorms.
02:54Agwat nga ng temperatura, temperatura ay maaring umabot hanggang 32 degrees Celsius at dito nga sa Metro Manila maaring umabot mula 25 hanggang 32 degrees Celsius.
03:07Sa magiging lagay naman ng panahon dito sa may Eastern Visayas, dala nga din ng epekto ng low pressure area ay maaaring din itong makaranas ng mga kalat-kalat ng mga pag-ulan bukas.
03:19At sa nalalabi pang bahagi ng Visayas, makararanas din ng mga pag-ulan, pagkilat at pagkulog sa hapon at gabi, dala naman ng easterlies.
03:28Sa may parteng Mindanao naman, asahan na magiging maaliwalas ang panahon sa umaga, ngunit pagsapit ng hapon, andyan na naman yung pagkulim-lim ng kalangitan at mga pulu-pulo mga pag-ulan, dala naman ng localized thunderstorms.
03:46Agwat ng temperatura, maaring ang umabot hanggang 34 degrees Celsius dito sa may Davao at 31 degrees Celsius naman dito sa may Visayas.
03:56Sa magiging lagay naman ng ating karagatan, wala tayong nakataas na gale warning, kaya naman malayang makapaglalayag lahat ng sasakyang pandagat.
04:06Ngunit pag-iingatan lamang natin yung mga offshore thunderstorms na maaaring makapagpataas ng mga pag-alon.
04:14Sa magiging lagay nga ng panahon sa susunod na tatlong araw dito sa May Luzon, asahan nga natin na by tomorrow magdi-dissipate na nga yung low pressure area.
04:23Kaya naman by Thursday, magiging generally fair weather na sa malaking bahagi ng Luzon.
04:29Ngunit dahil nga sa paglapit na naman itong isang low pressure area sa labas ng ating Philippine Area of Responsibility,
04:36magkakaroon na naman ng mga pag-ulan mula biyernes hanggang Sabado dito sa malaking bahagi ng Luzon.
04:43At ang temperatura nga, maaaring umabot ng 33 degrees Celsius at dahil nga sa mga pag-ulan, maaaring bumababa yung trend dito at umabot lamang ng 29 to 31 degrees Celsius.
04:56Sa magiging lagay naman ng panahon dito sa May Visayas, asahan nga natin na dito although may mga pag-ulan pabukas dito sa May Eastern Visayas,
05:06pagsapit nga ng Huwebes ay magiging generally fair weather na sa buong kabisayaan at paghahandaan lamang yung mga tsansa ng mga localized thunderstorms sa hapon hanggang gabi.
05:17Sa ipang bahagi ng Mindanao, makararanas din ng mainit at maalinsang panahon sa umaga hanggang tanghali at pagsapit nga ng hapon,
05:27andyan na naman yung mga tataas na tsansa ng mga pulu-pulo at mga panandali ang mga pag-ulan.
05:32At yung temperatura nga, may kainitan pa rin, maaaring umabot 33 to 34 degrees Celsius.
05:37Base nga sa ating tropical cyclone threat potential, pinapakita nga nito yung maaaring daanan na track nitong magiging bagyong ceramil kung sakali.
05:50Ito nga yung binabantayan nating low pressure area.
05:53At nakikita nga natin, maaaring nga itong tumahak pagkapasok ng PAR dito sa may parte ng Northern Luzon at maaaring ding lumabas ng ating Philippine Area of Responsibility.
06:02At dumako nga dito sa may parte ng Hainan, China o kaya naman dito sa Vietnam.
06:09Kaya patuloy po tayo umantabay dahil ito yung low pressure area na nakikita natin yung mas magiging malaki yung epekto sa malaking bahagi ng ating bansa.
06:20Ang araw ay lulubog ng alas 5.37 ng gabi at sisikat naman bukas ng alas 5.47.
06:27At manatiling may alam sa lagay ng panahon at bisitahin ang ating website sa may ex-Facebook at YouTube at isearch lamang ang DOST Pag-asa.
06:37At para sa mga karagdagang informasyon, bisitahin ang pagasa.dost.gov.ph at panahon.gov.ph para naman sa mga thunderstorm advisories at rainfall advisories.
06:49At iyan po ang ating latest mula dito sa Pag-asa Weather Forecasting Center.
06:53Charmaine Varilla, nag-uulat.
06:57Charmaine Varilla, nag-uulat.
07:27Charmaine Varilla, nag-uulat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended