- 6 months ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
đź—ž
NewsTranscript
00:00Sama-sama tayong magiging, Karakli!
00:24Dalawang malalakas na lindol ang gumimbal sa Mindanao ngayong araw.
00:28Una, magnitude 7.4 na yumanig kanina umaga at nasa hindi bababa sa anim ang patay.
00:34At ngayong gabi naman po, tumama ang magnitude 6.8 na lindol.
00:39At dahil sa paribagong lindol, muling nagtaas ng tsunami warning.
00:43Ayon sa Office of Civil Defense, nagpapatupad ang force evacuation sa mga coastal barangay
00:47ng Surigao del Norte, Surigao del Sur at Davao Oriental.
00:51Mula sa Manay Davao Oriental, saksi si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
00:58Tago! Tago! Tago!
01:09Nagtago na sa ilalim ng mesa ang mga trabahador na ito sa Davao City.
01:13Sa gitan ng malakas na paginig, naglaglaga na ang mga bahagi ng kisame.
01:18Tama na Lord!
01:19Bumagsak na rin pati mga ilaw.
01:22Tama na Lord!
01:23Isa-isa rin naglaglagan ang bahagi ng kisame sa Mapua Malayan Colleges in Mindanao.
01:35Nabalot ang takot ang mga estudyante na ginamit ang mga upuan para protektahan ang kanika nilang sarili.
01:41Sa isa pang kukha mula sa loob ng isa sa mga classroom,
01:52kita kung paano sinubukan ng mga estudyante makalabas sa gitna ng dilim.
01:59Nawalan kasi roon ng kuryete.
02:05Nagkalat sa sabig ang mga debris mula sa kisame.
02:08Nag-iwan ang lindol ng mga crack sa gusali at mga nalaglag na bahagi ng dingding.
02:19Nagpagewang-gewang naman ang mga ilaw sa 10th floor ng isang gusali sa lungsod
02:24habang yumayanig na natili sa ilalim ng mga mesa at mga tao.
02:28Sa isang mall, bumagsak ang estante at nagkala sa sabi ang ilang paninda.
02:41Sa isa pang video, balot naman ang takot.
02:44At may dumi sa mga uniforme ang mga empleyado ng mall habang palabas ng fire exit.
02:49Sa labas, napahagulgol na lang ang ibang empleyado.
03:01Sa Bangkal Davao City, napakamit na lang sa upuan at pinto ang isang mag-anak habang lumilindol.
03:08Kita kung paano tila inugoy-ugoy ng lindol ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay.
03:17Nagpagewang-gewang din ang mga maliit na aquarium na yan ng isang bahay.
03:21Sa gitna naman ang earthquake drill ng Taluza Child Development Center sa Tulumo, Cropper.
03:32Naramdaman ang lindol.
03:34Ang ilang bata at kanilang magulang sabay-sabay na nag-dock, cover and hole hanggang matapos ang lindol.
03:43Dinuyan din ng lindol ang mga sasakyan.
03:46Sa takot, ilang pasahero ang napanabas.
03:48Kumislap-kislap naman ang mga ilaw at nag-ugaan ang mga paninda sa Agdao Public Market.
03:58Ang mga tindera at mamimili na pasigaw na lang habang nagtago sa ilalim ng mga stall.
04:06Ang epicenter ng lindol na itala, 48 kilometro, hilagang silangan ng Manay, Davao Oriental.
04:18Halos iwas-iwas din ng lindol ang isang tindahan sa baringay Rizal, Manay, Davao Oriental.
04:26Agad nagpulasan ang mga nakatambay.
04:29Sa lakas ang pagyanig, natumba pa ang isa sa mga halaman sa gilid.
04:33Mag-aalas 10 ng umaga kanina, nang yumanig ang magnitude 7.4 na lindol.
04:39Naglabas ng tsunami warning ang FIVO sa coastal areas pero binawi rin ito bago mag-alas 2 ng hapon.
04:46Sa post ni Atty. Israelito Toriyon, kita ang mga kalat-kalat na malalaking tipak ng bato sa kalsada ng barangay San Fermin.
04:54May mga nasira rin bahay.
04:57Napinsala rin ng lindol ang Manay Fire Station kung saan bumagsak na ang mga kisame.
05:03Ayon sa LDRRMO, nasa 80% na mga emprastruktura sa bayan ng Manay ang apektado ng lindol.
05:10Wala rin kuryente at tubig sa lugar.
05:13Sa bayan ng Baganga, napinsala din ng pagyanig ang bahay na ito.
05:18Nagbagsaka naman ang mga oxygen tank ng isang establishmento sa bayan ng Lupon.
05:22Pati mga gamit sa loob, isa-isang nalaglag.
05:27Sa Matthew City, nasawi ang 57 anyos na babae.
05:30Matapos matabunan ng natumbang pader.
05:33Ayon sa Matthew City Information Office sa kasagsagan ng lindol, may kinuha ang biktima sa sampayan ng boarding house na tinutuluyan niya.
05:41Dito na siya naabutan ng pagbagsak ng pader.
05:44May mga isinugod din sa Davao Oriental Provincial Center matapos mahimatay at makaranas ng panic attack.
05:51Napayoko at napakapit naman sa isa't isa ang mga residente sa nabunturan Davao de Oro.
05:57Matapos ang lindol, gumuho ang lupa sa barangay gumayan sa bayan ng Pantukan.
06:03Nagtakbuhan naman ang mga tao palabas ng isang ospital sa Tagom Davao del Norte.
06:08Ang mga pasyente, isa-isa ring dilabas sakay ng wheelchair.
06:12Sa isang mall sa Tagom pa rin, nabasag ang mga salamin at nagtumbahan ang mga gamit.
06:18Sa labas, makikita ang mga trabahador na yan na nagmamadaling makababa sa itaas ng ginagawang Christmas tree.
06:25Hindi rin nakaligtas ang Tagom City Hall kung saan nagkalat ang mga bumagsak na gamit.
06:33Sa lungsod ng Panabo, nakuhanan ang pagduyan ng mga ambulansya at firetruck sa Panabo City Fire Station.
06:38Bukod sa iba't ibang bahagi ng Davao, naranasan din ang lakas ng pagyanig kaninang umaga sa Caguay Tsurigao del Sur.
06:47At kagayon ang magkasunod na lindol sa Davao Oriental, saksi live si Jandy Esteban mula sa Bayan ng Manay.
06:59Jandy, kamusta kayo dyan? May mga nararamdaman pa ba kayong mga aftershocks sa ngayon?
07:04Yes, Pia. Sa ngayon ay narito tayo sa Municipal Hall ng Manay-Davao Oriental kung saan ramdam na ramdam natin ang magnitude 6.8 na lindol pasado alas 7 ngayong gabi.
07:20Nakakahilo ang lakas ng pagyanig sa Manay District Hospital.
07:26Ginawa namang award ang bakanting area dahil delikado pang gamitin ang ospital.
07:31Ang admin building nito ay nagkabitak-bitak at nabasag ang bintana.
07:36Ang emergency room di na rin magamit dahil bumigay ang kisame.
07:39Nasira rin ang ibang gamit.
07:42Lahat ng 70 o 17 barangay ng lungsod ang apektado kaya nagdeklara na ng state of calamity ang Manay LGU.
07:49Gagamitin ang mahigit 20 milyon peso sa pondo para makabangon ang bayan.
07:54Hindi na siya sa nasang government kasi hindi lang kasi kahay ang pati yung mga kalsada.
08:03Tulay namin so malaking damages.
08:08Siyempre yung mga government facilities, mga schools.
08:10Pia ngayong gabi ay wala pa rin kuryente at supply ng tubig.
08:21Pero ayon kay Mayor John Marco Dayanghirang, bukas 12 noon ay inaasahan na marerestore ang kuryente.
08:29At live mula rito sa Manay Davao Oriental para sa GMA Integrated News.
08:35Ako sa John D. Esteban ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
08:39Alright, John D., inabanggit mo na inaasahan bukas, alas 12 ng tanghali, maibabalik ang kuryente.
08:45Pati na maibabalik na rin sa normal, yung supply ng tubig.
08:48Pero kamusta naman, John D., yung mga linya ng komunikasyon, yung signal sa inyong lugar?
08:52Dito sa Manay Davao Oriental, may ilang bahagi rito, Pia, na medyo bumabagsak yung signal.
09:02Pero dito naman sa Publasyon, Central Publasyon Barangay, mataas yung signal pa naman dito.
09:08Yun nga lang, walang kuryente, balot ng dilim.
09:11Yung lahat ng 17 barangays dito sa Manay Davao Oriental at delikado pa rin yung mga daag, Pia,
09:19kasi may mga nakuhulog pa rin na mga bitak-bitak na bato at yung mga paunti-unting landslide sa gilid ng kalsada.
09:27Pia?
09:27So, John D., linawin lang natin, sa ngayon, meron pa rin mga lugar kung saan hindi pa pwedeng bumalik sa kanilang mga tahanan ang mga residente?
09:38Yes, Pia, kasi yun nga may in-issue na tsunami alert.
09:43Kaya yung mga malapit sa coastal barangay ay inilikas muna sa evacuation center kung saan ligtas sila sa isang barangay, mataas na barangay.
09:54Yung mga coastal, dito sa mga coastal barangay, wala ng tao, wala ng mga residente kasi inilikas na sila ng local government unit.
10:02Pati yung mga nasa danger zone, yung mga landslide-prone areas, inilikas na rin ng LGU sa ilang bahagi ng 17 barangay.
10:11Dito sa Manay, kasi nga delikado pa kasi may nararamdaman pa rin tayong aftershocks, Pia.
10:16At Jandi, wala namang mga lumalabag doon sa utos ng mga LGU at ng mga otoridad na magsilikas mula sa kanilang mga tahanan.
10:25At huwag bumalik sa kanilang tahanan.
10:27Kanina umikot tayo, Pia, pero may nakita tayong manglilang-ngilan na mga residente na andun pa rin sa kanilang mga bahay.
10:39Kasi malapit lang dito yung poneraria, kasi nasa malapit lang sa dagat.
10:44So yung iba, andito pa rin, pero karamihan sa kanila andun na sa evacuation center, Pia.
10:51Alright, sige Jandi, paalalahanan natin muli ang ating mga kababayan na makinig sa utos ng ating mga LGU para sa kaligtasan ng lahat.
10:59At Jandi, mag-iingat kayo dyan ha. Maraming salamat sa iyo, Jandi Esteban ng GMA Regional TV.
11:06Sa Davao City, patay ang 80-anyos na lolo matapos matabunan ng gumuhong pader.
11:12Apat na iba pang residente ang muntik matabunan ng gumuhong bahay.
11:16At saksi live, si Argyle Relator ng GMA Regional TV.
11:20Argyle?
11:23Pia Ramdam din ang magnitude 6.8 na lindol ngayong gabi dito sa Davao City.
11:28Sa pagtama naman ng magnitude 7.4 kaninang umaga,
11:31apat na mga residente ang muntik ng matabunan nang bumagsak ang bahay na ito sa aking likuran.
11:41Hindi na halos maaninag ang unang palapag ng bahay na ito matapos matabunan ng ikalawang palapag nito sa Davao City.
11:49Bumigay na ang pader at nagkalat ang mga gamit.
11:53Katatapos pa lang daw iparenovate ng naturang bahay.
11:56Ligtas namang nakalabas ang apat na indipidwal mula sa gumuhong unang palapag ng bahay.
12:02Kinukuhanan pa na pahayag ang may-ari.
12:04Kasunod ng lindol, kinumpirma ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office
12:10ang pagpanaw ng 80-anyos na lolo matapos maraganan ng natumbang bahagi ng pader sa barangay Tomas, Monteverde.
12:18Nakikipang-ugnayan na ang City Social Welfare and Development Office sa pamilya ng biktima
12:22para sa tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan.
12:26Sa Cagayan de Oro City, niyanig pati ang Northern Mindanao Medical Center.
12:34Gumewang-gewang ang dextrose ng mga pasyente sa ospital sa lakas ng pagyanig.
12:38Sa isa pang video, kita ang paglabas ng mga medical personnel at mga pasyente.
12:43Lumikas din ang mga kawaninang City Hall, pati si Cagayan de Oro Mayor Rolando Uy,
12:48napalabas ng kanyang opisina.
12:51Naramdaman din ang lindol sa mga mall at hotel, kaya agad lumikas ang mga tao.
12:56Pagkatapos ng lindol, sinuri ng mga eksperto ang mga sabi-simiento bago muling papasukin sa loob ang mga tao.
13:03Nag-ikot at ay inspeksyon ang mga kawanin ng Office of the Building Official at City Engineer's Office sa tatlong ospital sa lungsod.
13:11Magpapatuloy raw ang kanilang pag-iikot sa iba't ibang parte ng lungsod, kabilang ang mga paaralan.
13:17Sa General Santos City, pinasan sa likod ang ilang sudyante at isinakay sa stretcher at wheelchair na himatay sila matapos magpanik kasunod ng pagyanig.
13:27Yan yung mga nagpanik. Bata kasi, bawat tao may kanyang-kanyang reaksyon sa ganyan.
13:36Rinig naman ang kalampag ng mga pintuan sa headquarters ng General Santos City Police.
13:42Mabilis ding lumabas mula sa gusali at pumunta sa open area ang mga PNP personnel.
13:48May mga pasyente rin pinalabas mula sa ospital.
13:51Gayun din ang mga empleyado at mga tao sa loob ng isang mall.
13:55Ayon sa Jansan City RMO, nagsuspended sila ng klase sa lahat ng antas, kabilang ang trabaho sa mga pampublikong tanggapan.
14:04Base raw sa kanilang inisyal na assessment, walang naitalang pinsala dahil sa lindol.
14:09Patuloy ang pag-iikot ng City Engineering Office sa mga gusali sa lungsod.
14:13Paalala nila tuwing may lindol.
14:15Ang importante lang po, huwag tayo magpanikman, natili tayo sa kung saan tayo naroonan.
14:22Kinaroonan natin.
14:24At execute lang natin yung dark covered hole.
14:26Cover your head.
14:28Protect your head mo kasi yun yung pinaka-vital ng organ.
14:31And then, saka po tayo mag-evacuate.
14:38Pia, kinordo na muna ng mga barangay polis itong lugar malapit sa gumuhong bahay.
14:42Samantala, natapos na rin ang assessment ng City Engineering Office at DPWH-11 sa mga pangunahing tulay sa lungsod ng Davao at wala naman silang nakitang major structural damage sa mga tulay.
14:54Para sa GMA Integrated News, ako si Ori Giel Relator ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
15:02Umabot na po sa magigit apat na raan at pitong pong aftershock ang naitala kasunod ng magnitude 7.4 na lindol sa Mindanao.
15:09Naramdaman po sa Manay Davao Oriental ang Intensity 6 na itinuturing po ng FIVOX na napakalakas.
15:17Sa dagat sa silangan ng Mindanao, naitala ang epicenter o pinagmulan ng lindol.
15:22Naramdaman sa iba't ibang lalawigan hanggang sa Sulu na nasa dulong-kanurang bahagi ng Mindanao.
15:27Ramdam din ang pagyanig sa ilang bahagi ng Visayas hanggang sa ilang bahagi ng Bicol Region.
15:32Mas malakas pa ang lindol kanina umaga kaysa sa magnitude 6.9 na lindol na kumitil ng 74 sa Cebu noong September 30.
15:42Pero mas mababaw ang pinagmulan ng lindol sa Cebu na nasa 5 kilometro lang ang lalim.
15:48At isa po yan sa mga tinukoy ng FIVOX na dahilan kung bakit labis na mapaminsala ang lindol sa Cebu.
15:54Ayon din sa FIVOX, isang bagong discovering fault ang pinagmulan ng pagyanig sa Visayas.
15:59Habang ang lindol sa Mindanao nangyari dahil sa paggalaw ng lupa sa Philippine Trench.
16:05At kagayon ang magkasunod na lindol ngayong araw sa Mindanao,
16:08makakausap natin si SSAN Secretary Rafi Alejandro IV no Office of Civil Defense.
16:14Asek, magandang gabi si PR, kang help mo ito?
16:17Yes, PR. Magandang gabi po.
16:19Asek, nakausap po namin ang aming reporter na si John D. Esteban na nasa Manay Davo Oriental
16:25at nabanggit po niya na mayroon pong forced evacuation na ipitutupad sa mga coastal area.
16:31Pero doon po yun sa Davo Oriental.
16:33Yung po sa Surigao del Norte, Surigao del Sur, ipinatutupad din po ba ito?
16:37Opo, opo. Dito sa tatlong providya na nagkaroon ng tsunami warning,
16:42pinapatupad po yung ating forced evacuation dito sa mga coastal communities.
16:48So, kumpirmado po, lahat po ng mga coastal communities ay nagkaroon ng forced evacuation
16:54sa tulong na rin ng mga ahensya na nandoon, yung BFP at Coast Guard na nagmomonitor nung tsunami alert po.
17:04Asek, sa inyo monitoring, meron ho ba mga lugar na sa ngayon ay isolated dahil sa magkakasunod na malakas na lindol?
17:11Wala naman, walang isolated na lugar.
17:14As you speak, lahat naman ay na-re-reach siya at wala naman problema in terms of communication
17:20and yung accessibility po, wala po.
17:23Opo. Sa ngayon po ba, meron ongoing na search or rescue and retrieval operations?
17:28Wala naman. Wala kaming nare-receive na report na may search and rescue or search and retrieval operation po.
17:35Asek, syempre, hindi po maiwasan na kapag ganito, minsan may mga aftershock,
17:39gaya ng napaulat namin kanina na hanggang ngayong gabi may mga mga ilang-ilang aftershock pa rin.
17:45At ano ho ba ang abiso ng OCD para po doon sa mga kababayan natin,
17:49para matiyak na tayo ay handa sa anumang sitwasyon?
17:53Oo, unang-una, let's try to remain alert at makinig at sumunod sa mga babala
18:00na pinibigay ng ating mga authorities.
18:04Mag-kalmado lang tayo.
18:07And of course, kung meron pong mga tsunami warnings at sa gaya nito,
18:11ay sumunod tayo at pumunta sa mga higher ground.
18:14But ang importante po dito, alam natin kung anong gagawin.
18:17Let's stay safe.
18:19Kung hindi pa po, safe or not clear yung kabahayan nyo
18:23dahil because of the strong quake kaninang umaga at hindi pa nasin,
18:28kung pwede sa outdoor lang muna tayo,
18:31kasi mahirap po.
18:33Tuloy-tuloy po ang aftershock at delikado po pagkabi.
18:36Oo. Asik, panghuli na lamang po.
18:38Dahil maintindihan rin po natin na meron tayong mga kababayan
18:41na mas nais bumalik sa kanilang matahanan.
18:44Pero ano po ba yung mga dapat nilang i-check or suriin sa kanilang matahanan
18:50para matiyak na ligtas na bumalik sa kanilang matahanan?
18:54Apo. Una-una, kailangan ma-assess yung bahay nila,
18:57yung mga foundation ng ating mga kabahayan.
19:01Dapat hindi po nasira yan, structurally.
19:04Although may mga sira yan, yung mga clusters, yung mga ceiling,
19:09tanggalin lang muna yan kasi kung may aftershock,
19:11baka mahulog pa po.
19:12But importante po yung integrity, yung structural integrity ng bahay
19:17ay talagang ma-assess ng authority ng mga engineers natin
19:21para po maging matiyak na talagang safe.
19:24But kung hindi pa po, we urge them to stay outdoors muna
19:28or sa ibang lugar abang meron pa pong mga reported aftershock na mangyayari.
19:33Alright. Asik, kanino po ba pwedeng humingi ng tulong
19:36para masuri ng maayos at ng tama ang mga pribadong establisimiento?
19:42Opo. Meron po tayong sa mga LGU natin, may mga engineers tayo doon.
19:46But of course, we can also mobilize yung mga volunteer natin,
19:50mga PISEM, mga engineering organization natin na pwedeng tumulong.
19:56But basically, we seek assistance sa ating local government unit,
20:00pato na rin sa DPWH na gumagawa po ng mga assessment ng mga infrastruktura po.
20:06Alright. Assistant Secretary Rafi Alejandro IV,
20:09no Office of the Civil Defense, maraming salamat po at magandang gabi.
20:13Yes, magandang gabi din po at maraming salamat.
20:16Dati na pong pinagmula na malalakas na lindol ang Philippine Trench
20:20na matatagpuan sa dagat sa silangang bahagi ng bansa.
20:23Isa lang po yan sa 6 na trench sa Pilipinas.
20:26At nilinaw rin ang FIVOX na hindi magkakaugnay
20:28ang magkakasunod na lindol sa Mindanao, sa Visayas at sa Luzon.
20:33Saksi si JP Soriano.
21:03At mapatanong ng marami, magkakaugnay ba ang mga ito?
21:07Paglilinaw ng FIVOX, wala itong kinalaman sa isa't isa.
21:10The Philippines is very much active tectonically
21:13and we have more than 180 active fold segments
21:18and we also have 6 trenches
21:20and there's always this possibility na magkakaroon ng paglindol sunod-sunod.
21:26In fact, every day we record at least 30 earthquakes a day
21:30coming from different segments of,
21:32coming from different active fold segments of the country
21:34as well as coming from the different trenches.
21:36Ang lindol sa Mindanao dahil sa pag-alaw ng lupa sa Philippine Trench
21:41na may habang 1,284 kilometers.
21:45Ayon sa FIVOX, nagbabanggaan sa ilalim ng dagat
21:48ang dalawang tectonic plates o dalawang malaking piraso ng lupa.
21:52Yung trench naman at yung seafloor natin gumigit-git papailalim.
21:57We have this line doon sa dagat natin
22:00and gumigit-git yung seafloor natin doon sa trench.
22:03And as a result, yung pagigit-git niya, nagkakaroon ng friction
22:06and once the friction is released,
22:09yun yung nagkakaroon ng paglindol.
22:12Ilang beses na raw nakapagtala ng malalakas na lindol sa lugar.
22:16Bukod sa Philippine Trench, may 5 pang trench sa Pilipinas
22:20ang Negros Trench, Sulu Trench, Cotabato Trench, East Luzon Trough
22:24at Manila Trench.
22:26Ibaraw ito sa mga fault na dahilan naman ng lindol sa Cebu at La Union.
22:31Generally, mga trenches natin are capable of generating great earthquakes.
22:36When we say great earthquakes, these are earthquakes greater than 8.
22:41And yung mga faults naman natin, yung magnitude na pwede niya i-generate
22:45would be based on its length.
22:49So the longer the fault, the higher the magnitude it would be able to generate.
22:55At muling giit ng FIVOX hanggang ngayon, wala pa rin paraan
22:58para matetekong kailan parating ang isang lindol.
23:00Kaya huwag daw ba siya maniniwala sa mga pinupost sa social media
23:03o mga nagpapadala ng text na merong parating na lindol.
23:06Ang pwede raw natin gawing lahat,
23:08laging maging handa at alerto hanggat maaari huwag magpanik
23:12at sundin ang mga alituntuneng itinakda kapag may lindol.
23:15Kasama na diyan ang pag-duck, cover and hole habang lumilindol.
23:20Lumayo sa mga bagay na maaaring bumagsak.
23:22Iwasan ding tumakbo habang lumilindol pa kapag huminto na ang pagyanig
23:27saka lumabas sa open area.
23:30Si Pangulong Bongbong Marcos iniutos sa mga ahensya ng gobyerno
23:33ang paglikas sa mga residente sa coastal areas
23:36at pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
23:40Hinikayat din niya ang mga residente na maging alerto at kalmado.
23:45Tatlong planta ang magkakasabay na nag-offline o tumigil ang operasyon
23:49dahil sa auto-tripping.
23:50Naapektohan nito ang isang linya ng kuryente
23:53pero naibalik din agad matapos ang mahigit kalahating oras.
23:57Sa limang electric cooperatives naman na naapektohan ng lindol,
24:00tatlo na lang ang may partial power interruption sa mga sakot nilang lugar.
24:05Kabilang ang mga electric co-ops sa Davao Oriental, Davao del Sur at Northern Davao.
24:11Patuloy na sinusuri ang mga pasilidad ng tatlong private distribution utilities,
24:15kabilang ang Davao Light and Power Company o DLPC na may substation din na nag-trip.
24:21Ibig sabihin walang kuryente.
24:24It can be caused by the distribution itself kung mga linya nila
24:27or it could be caused by NGCP or power plants nearby.
24:32So it could be caused by different parts of the energy system.
24:37Ayon sa DOE, ina-assess pa nila ang lawak ng pinsala ng lindol.
24:43Nakahanda naman daw ang Task Force on Energy Resiliency na nakikipag-ugnayan
24:47sa National Disaster Risk Reduction Management Council.
24:51Ang paliparan sa Davao, bagamat nagtamo ng minor damage sa runway
24:56na nanatili namang bukas sa publiko.
24:58May minor damage sa runway natin pero the structural integrity of the other facilities there is okay.
25:05Minor cracks naman sa logistics building ang nakita sa Dipolog Airport
25:10ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
25:15Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
25:22Makapuso posibleng magtuloy-tuloy pa sa mga susunod na araw o linggo
25:25ang mga aftershock kasunod ng magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na mga lindol sa Mindanao kanina.
25:33Saksi live, si Jamie Santos.
25:36Jamie?
25:41Pia, tinawag ng PHIVOX na Doblet Earthquake,
25:45ang naitalang paglindol nga na may magnitude 7.4 at 6.8 na nangyari sa nakalipas na 24 oras.
25:53Ayon sa PHIVOX, halos 10 oras ang pagitan ng dalawang lindol.
25:58Sa lindol ngayong gabi, naramdaman ang Intensity 6 sa Manay, Davao Oriental.
26:04Intensity 5 sa Banganga, Boston, Caraga, Katiil at Taragona, Davao Oriental.
26:10Intensity 3, Tacloban City, ilang bayan sa Leyte at Southern Leyte at Dinagat Islands.
26:16Ayon sa PHIVOX, ang dalawang lindol ay magkaibang pangyayari at tinuturing na Doblet Earthquake.
26:22Tawag sa dalawang magkaibang lindol na naganap sa halos parehong lugar at magkalapit na panahon na may halos magkaparehong lakas o magnitude.
26:29Hindi ito ang unang beses na naitala ang ganitong kaganapan sa kahabaan ng Philippine Trench.
26:35Nauna nang naganap ang kahalintulan na Doblet noong 1992 na may magnitude 7.1 at magnitude 7.5 na may 26 minutes ang pagitan,
26:4520 kilometers ang layo at noong 2023 sa Hinatuan na may magnitude 7.4 noong December 2 at magnitude 6.8 noong December 4.
26:55Bago pa man daw tumama ang magnitude 6.8, naitala na ang 425 aftershocks mula sa umagang lindol.
27:03Sa pinagsamang tala ng dalawang pagyanig, umabot na sa 476 aftershocks, 14 dito ang naramdaman na may magnitude range mula 1.2 hanggang 6.8.
27:15Ayon sa PHIVOX, posibli raw tumagal ng ilang araw hanggang ilang linggo ang aftershocks at bagamat unti-unti itong nababawasan,
27:22posibli pa rin makaranas ng malakas ng pagyanig lalo na sa mga lugar na malapit sa epicenter.
27:28Naglabas naman ang tsunami warning matapos ang ikalawang lindol na nagbabala sa posibling pagdating ng alon sa mga baybay ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Surigao del Norte.
27:38Bandang 11.12 ng gabi, kakamaaring kanselahin ang babala matapos kung walang makitang mapapainsanang pagbabago sa dagat.
27:45Ninilaw din ang PHIVOX na walang kaugnayan ng lindol sa Davao Oriental sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
27:54Magkaiba raw ang pinagmulan, Bogo Fault sa Cebu at Philippine Trench naman sa Davao.
28:00Pia patuloy na magbabantay ang PHIVOX at magbibigay ng update kaugnay sa mga nangyaring pagyanig ngayong araw.
28:06Manatili daw lamang alerto at maging mapagbantay sa mga anunsyon ng otoridad.
28:11Live mula rito sa tanggapan ng PHIVOX sa Quezon City para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
28:20Ibinasura ng pre-trial chamber ng International Criminal Court ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya.
28:29Sa ginapo yan ang kinakarap niyang kaso na crimes against humanity dahil sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
28:36Saksi, si Salimere Fran.
28:41Patuloy na makukulong sa International Criminal Court o ICC sa dahig, Netherlands, si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig ang reklamong crimes against humanity ilaban sa kanya.
28:54Kasunod yan ang pagbasura ng pre-trial chamber 1 ng ICC sa hiling ni Duterte na mabigyan ng pansamantalang paglaya o interim release.
29:03Sabi ng pre-trial chamber, kailangan manatiling nakakulong si Duterte para matiyak na mapapaharap ito sa mga pagdinig, para hindi niya maharang o malagay sa peligro ang investigasyon at court proceedings,
29:16at para mapigilan na makagawa ng mga kahalintulad pang mga krimen.
29:21Hindi na kumbinsi ang pre-trial chamber sa argumento ng depensa na dapat mapagbigyan ng interim release dahil sa humanitarian conditions, dahil sa edad nito, at kalagayang pangkalusugat.
29:33Hindi raw naipakita ng depensa na hindi mabibigyan ng atensyong medikal si Duterte habang nakakulong.
29:39Dagdag pa ng pre-trial chamber, ang sinasabi ng depensa na may cognitive impairment si Duterte ay speculative at walang basihan.
29:48Matatandaan ding sinabi ng kampo ni Duterte na wala sa tamang kalagayan si Duterte para humarap sa paglilitis dahil sa cognitive problems o problema nitong makaintindi at makaunawa sa kanyang kinakaharap na reklamo.
30:01Sabi ng pre-trial chamber, magkaibang issue ang fitness to stand trial sa usapin ng interim release.
30:09Matatandaan pang samantalang pinagpaliban ang confirmation of charges hearing para kay Duterte para madetermina ng korte kung fit ito to stand trial.
30:18Hini rin kumbinsido ang pre-trial chamber na hindi flight risk si Duterte tulad ng pinalalabas ng kanyang defense team.
30:26Simulat sa pool, kidnapping ang tawag niya sa pagkaaresto niya at pagkakakulong.
30:30Ang pamilya din daw ng dating pangulo hinaharang at binabatikos ang pag-aresto at pagkulong sa dating pangulo at ginigiit pa ang pag-uwi sa kanya sa Pilipinas.
30:42Patuloy rin daw ang pagkastigo sa mga proseso ng korte ng kanyang pamilya.
30:47Binigyan pansin rin ng korte ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong July 19 sa publiko na itatakas ang ama kula sa ICC Detention Center.
30:57Dined-delegitimize o minamalitraw nito ang mga proseso ng korte at sinasabi rin daw na may konsyabahan ang korte sa gobyerno ng Pilipinas at gumagamit rin umano ng peking mga testigo.
31:10Pinunto rin ang pre-trial chamber ang pagsabi ni VP Duterte na gusto ng kanyang ama na maibalik sa Davao kung mapagbibigyan ang interim release.
31:19Taliwas daw sa sinasabi ng depensa na mananatili ang nakatatandang Duterte sa estado kung saan siya i-re-release.
31:28May kakayahan raw ang pamilya at mga kaibigan ni Duterte para tulungan siyang makatakas sa pagkakulong at pag-usig ng korte.
31:36May panganib din daw na magiging banta si Duterte sa mga testigo laban sa kanya kung mapagbibigyan ang interim release.
31:43Binigyang bigat din ang korte ang mga sinabi ni Duterte noong kampanya na kung mahala lumuli bilang mayor ng Davao ay dodoblihin ang mga pagpatay.
31:53Ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman tinawag na eronyos o mali ang desisyon ng pre-trial chamber.
32:00Inaapila na nila ang desisyon na ito.
32:03Sabi naman ni ICC Assistant to Council Attorney Christina Conti nakahinga sila ng maluwag sa desisyon dahil pinakitan itong respeto sa mga biktima
32:12at gayon din ang balanseng pagtingin sa argumento ng dipensa.
32:17Para sa GMA Integrated News, sa Nima Refrain, ang inyong seksi!
32:23Mga kapuso, asahan pa rin ang maulang weekend sa iba't ibang bahagi ng bansa.
32:27Basa sa datos ng Metro Weather, asahan ang malawakang pagulan umaga pa lang.
32:31Bukas po yan sa Visayas.
32:32At pagsapit ng tanghali, halos buong bansa ang uulanin hanggang hapon.
32:38Umaga ng linggo, may pagulan na sa halos buong luzon.
32:41At may malawakang pagulan din sa Visayas at Mindanao pagsapit ng hapon.
32:47Dito sa Metro Manila, posibleng maulang panahon simulat ng hali.
32:51At ganyan din ang inaasahan sa linggo.
32:53Ay sa pag-asa, Southwesterly wind flow ang naka-apekto sa Palawan, Visayas at Mindanao.
32:59Trough ng LPA naman sa Southern Vietnam, sa Central at Southern Luzon, pati na sa Metro Manila.
33:06Ay sa pag-asa, hindi ito inaasahang maging bagyo at hindi rin inaasahang papasok sa PAR.
33:13Posible rin itong malusa bukas o sa linggo.
33:17Nianig pero hindi natibag ang pagmamahala ng magsing-irog sa Talaingod, Davao del Norte.
33:23Naantala ang kasal ng lumindol.
33:25Pero natuloy rin ang seremonya sa labas na po ng simbahan.
33:34Isang ninang ang nahimatay pero nasa mabuti ng kalagayan.
33:38Sa mga kababayan po natin sa Mindanao, manatili pong alerto sa mga aftershocks.
33:47At mag-ingat po tayong lahat mga kapuso.
33:49Salamat sa inyong pagsaksi.
33:51Ako po si Pia Arcangel para sa mas malatimisyon at sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
33:57Mula sa GMA Integrated News, ang news authority ng Filipino.
34:01Hanggang sa lunes, sama-sama po tayong magiging saksi!
34:08Mga kapuso, maging una sa saksi!
34:12Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Comments