Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa Davao City, patay ang 80-anyos na lolo matapos matabunan ng gumuhong pader.
00:06Apat na iba pang residente ang muntik matabunan ng gumuhong bahay.
00:10At saksi live, si Arjel Relator ng GMA Regional TV.
00:14Arjel?
00:17Pia Ramdam din ang MyNichon 6.8 na lindol ngayong gabi dito sa Davao City.
00:22Sa pagtama naman ng MyNichon 7.4 kaninang umaga,
00:25apat na mga residente ang muntik ng matabunan nang bumagsak ang bahay na ito sa aking likuran.
00:35Hindi na halos maaninag ang unang palapag ng bahay na ito matapos matabunan ng ikalawang palapag nito sa Davao City.
00:43Bumigay na ang pader at nagkalat ang mga gamit.
00:46Katatapos pa lang daw iparenovate ng naturang bahay.
00:49Ligtas namang nakalabas ang apat na individual mula sa gumuhong unang palapag ng bahay.
00:55Kinukuha ng panapahayag ang may-ari.
00:58Kasunod ng lindol, kinumpirma ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office
01:03ang pagpanaw ng 80-anyos na lolo matapos maraganan ng natumbang bahagi ng pader sa barangay Tomas, Monteverde.
01:11Nagkikipang-ugnayan na ang City Social Welfare and Development Office sa pamilya ng biktima
01:16para sa tulong na ibibigay ng lokal na pamahalaan.
01:19Sa Cagayan de Oro City, ni Yanig pati ang Northern Mindanao Medical Center.
01:27Gumewang-gewang ang dextrose ng mga pasyente sa ospital sa lakas ng pagyanig.
01:32Sa isa pang video, kita ang paglabas ng mga medical personnel at mga pasyente.
01:37Lumikas din ang mga kawaninang City Hall, pati si Cagayan de Oro Mayor Rolando Uy,
01:42na palabas ng kanyang opisina.
01:44Naramdaman din ang lindol sa mga mall at hotel, kaya agad lumikas ang mga tao.
01:49Pagkatapos ng lindol, sinuri ng mga eksperto ang mga sebesimiento bago muling papasukin sa loob ang mga tao.
01:57Nag-ikot at ay inspeksyon ang mga kawanin ng Office of the Building Official at City Engineer's Office sa tatlong ospital sa lungsod.
02:05Magpapatuloy raw ang kanilang pag-iikot sa iba't ibang parte ng lungsod, kabilang ang mga paaralan.
02:10Sa General Santos City, pinasan sa likod ang ilang sudyante at isinakay sa stretcher at wheelchair
02:17na himatay sila matapos magpanik kasunod ng pagyanig.
02:29Rinig naman ang kalampag ng mga pintuan sa headquarters ng General Santos City Police.
02:36Mabilis ding lumabas mula sa gusali at pumunta sa open area ang mga PNP personnel.
02:42May mga pasyente rin pinalabas mula sa ospital, gayon din ang mga empleyado at mga tao sa loob ng isang mall.
02:49Ayon sa Johnson City RMO, nagsuspend din sila ng klase sa lahat ng antas, kabilang ang trabaho sa mga pampublikong tanggapan.
02:57Base raw sa kanilang inisyal na assessment, walang naitalang pinsala dahil sa lindol.
03:02Patuloy ang pag-iikot ng City Engineering Office sa mga gusali sa lungsod.
03:07Paalala nila tuwing may lindol.
03:09Ang importante lang po, huwag tayo magpanik, manatili tayo sa kung ano saan tayo kinaruroon.
03:17Kinaruroon natin.
03:18At execute lang natin yung dark covered hole.
03:20Cover your head.
03:21Protect your head.
03:22Kasi yun yung pinaka-vital ng organ.
03:25And then, saka po tayo mag-evacuate.
03:27Pia, kinordo na muna ng mga barangay polis itong lugar malapit sa gumuhong bahay.
03:36Samantala, natapos na rin ang assessment ng City Engineering Office at DPWH-11 sa mga pangunahing tulay sa lungsod ng Dabao
03:43at wala naman silang nakitang major structural damage sa mga tulay.
03:47Para sa GMA Integrated News, ako si Ori Giel Relator ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
03:54Mga kapuso posibleng magtuloy-tuloy pa sa mga susunod na araw o linggo,
03:59ang mga aftershock kasunod ng magnitude 7.4 at magnitude 6.8 na mga lindol sa Mindanao kanina.
04:07Saksi live, si Jamie Santos.
04:10Jamie?
04:15Pia, tinawag ng PHIVOX na Doblet Earthquake,
04:18ang naitalang paglindol nga na may magnitude 7.4 at 6.8 na nangyari sa nakalipas na 24 oras.
04:27Ayon sa PHIVOX, halos 10 oras ang pagitan ng dalawang lindol.
04:32Sa lindol ngayong gabi, naramdaman ang Intensity 6 sa Manay Davao Oriental,
04:38Intensity 5 sa Banganga, Boston, Caraga, Katiil at Taragona Davao Oriental,
04:43Intensity 3, Tacloban City, Ilang Bayan sa Leyte at Southern Leyte at Dinagat Islands.
04:50Ayon sa PHIVOX, ang dalawang lindol ay magkaibang pangyayari at tinuturing na Doblet Earthquake,
04:55tawag sa dalawang magkaibang lindol na naganap sa halos parehong lugar
04:59at magkalapit na panahon na may halos magkaparehong lakas o magnitude.
05:03Hindi ito ang unang beses na naitala ang ganitong kaganapan sa kahabaan ng Philippine Trench.
05:08Na una nang naganap ang kahalintulan na Doblet noong 1992 na may magnitude 7.1 at magnitude 7.5 na may 26 minutes ang pagitan,
05:1920 kilometers ang layo at noong 2023 sa Hinatuan na may magnitude 7.4 noong December 2 at magnitude 6.8 noong December 4.
05:29Bago pa man daw tumama ang magnitude 6.8, naitala na ang 425 aftershocks mula sa umagang lindol.
05:36Sa pinagsamang tala ng dalawang pagyanig, umabot na sa 476 aftershocks, 14 dito ang naramdaman na may magnitude range mula 1.2 hanggang 6.8.
05:49Ayon sa FIVOX, posibli raw tumagal ng ilang araw hanggang ilang linggo ang aftershocks at bagamat unti-unti itong nababawasan,
05:56posibli pa rin makaranas ng malakas na pagyanig lalo na sa mga lugar na malapit sa epicenter.
06:01Naglabas naman ang tsunami warning matapos ang ikalawang lindol na nagbabala sa posibling pagdating ng alon sa mga baybay ng Surigao del Sur, Davao Oriental at Surigao del Norte.
06:12Bandang 11.12 ng gabi, kakamaaring kanselahin ang babala matapos kung walang makitang mapapainsan ang pagbabago sa dagat.
06:20Ninilaw din ang FIVOX na walang kaugnayan ng lindol sa Davao Oriental sa magnitude 6.9 na lindol sa Cebu noong September 30.
06:28Magkaiba raw ang pinagmulan, Bogo Fault sa Cebu at Philippine Trench naman sa Davao.
06:34Pia patuloy na magbabantay ang FIVOX at magbibigay ng update kaugnay sa mga nangyaring pagyanig ngayong araw.
06:40Manatili daw lamang alerto at maging mapagbantay sa mga anunsyon ng otoridad.
06:45Live mula rito sa tanggapan ng FIVOX sa Quezon City para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
06:52Ibinasura ng pre-trial chamber ng International Criminal Court ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya.
07:02Sa ginapo yan ang kinakaharap niyang kaso na Crimes Against Humanity dahil sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
07:10Saksi si Salimerefran.
07:12Patuloy na magukulong sa International Criminal Court o ICC sa dahig Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig ang reklamong Crimes Against Humanity ilaban sa kanya.
07:28Kasunod yan ang pagbasura ng pre-trial chamber 1 ng ICC sa hiling ni Duterte na mabigyan ng pansamantalang paglaya o interim release.
07:37Sabi ng pre-trial chamber, kailangan manatiling nakakulong si Duterte para matiyak na mapapaharap ito sa mga pagdinig para hindi niya maharang o malagay sa peligro ang investigasyon at court proceedings at para mapigilan na makagawa ng mga kahalintulad pang mga krimen.
07:54Hindi na kumbinsi ang pre-trial chamber sa argumento ng depensa na dapat mapagbigyan ng interim release dahil sa humanitarian conditions, dahil sa edad nito at kalagayang pangkalusugan.
08:07Hindi raw na ipakita ng depensa na hindi mabibigyan ng atensyong medikal si Duterte habang nakakulong.
08:13Dagdag pa ng pre-trial chamber, ang sinasabi ng depensa na may cognitive impairment si Duterte ay speculative at walang basihan.
08:21Matatanda ang ding sinabi ng kampo ni Duterte na wala sa tamang kalagayan si Duterte para humarap sa paglilitis dahil sa cognitive problems o problema nitong makaintindi at makaunawa sa kanyang kinakaharap na reklamo.
08:36Sabi ng pre-trial chamber, magkaibang issue ang fitness to stand trial sa usapin ng interim release.
08:42Matatanda ang pansamantalang pinagpaliban ang confirmation of charges hearing para kay Duterte para madetermina ng korte kung fit ito to stand trial.
08:52Hindi rin kumbinsido ang pre-trial chamber na hindi flight risk si Duterte tulad ng pinalalabas ng kanyang defense team.
08:59Simulat sa pool, kidnapping ang tawag niya sa pagkaaresto niya at pagkakakulong.
09:04Ang pamilya din daw ng dating pangulo hinaharang at binabatikos ang pag-aresto at pagkulong sa dating pangulo at ginigiit pa ang pag-uwi sa kanya sa Pilipinas.
09:16Patuloy rin daw ang pagkastigo sa mga proseso ng korte ng kanyang pamilya.
09:20Binigyang pansin rin ng korte ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte noong July 19 sa publiko na itatakas ang ama mula sa ICC Detention Center.
09:30Dine-delegitimize o minamalitraw nito ang mga proseso ng korte at sinasabi rin daw na may konsyabahan ang korte sa gobyerno ng Pilipinas at gumagamit rin umano ng peking mga testigo.
09:44Pinunto rin ang pre-trial chamber ang pagsabi ni VP Duterte na gusto ng kanyang ama na maibalik sa Davao kung mapagbibigyan ang interim release.
09:53Kaliwas daw sa sinasabi ng depensa na mananatili ang nakatatandang Duterte sa estado kung saan siya i-re-release.
10:02May kakayahan raw ang pamilya at mga kaibigan ni Duterte para tulungan siyang makatakas sa pagkakulong at pag-usig ng korte.
10:09May panganib din daw na magiging banta si Duterte sa mga testigo laban sa kanya kung mapagbibigyan ang interim release.
10:17Binigyang bigat din ang korte ang mga sinabi ni Duterte noong kampanya na kung mahala lumuli bilang mayor ng Davao ay dodoblihin ang mga pagpatay.
10:27Ang abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman tinawag na eronyos o mali ang desisyon ng pre-trial chamber.
10:34Inaapila na nila ang desisyon na ito.
10:36Sabi naman ni ICC Assistant to Council Attorney Christina Conti nakahinga sila ng maluwag sa desisyon dahil pinakita nito ang respeto sa mga biktima
10:45at gayon din ang balanseng pagtingin sa argumento ng depensa.
10:50Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, ang inyong saksi!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended