00:00Ibinasura ng pre-trial chamber ng International Criminal Court
00:03ang hiling ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na interim release o pansamantalang paglaya.
00:09Sa ginapo yan, ang kinakaharap niyang kaso na crimes against humanity
00:12dahil sa kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon.
00:17Saksi si Salimere Fran.
00:22Patuloy na makukulong sa International Criminal Court o ICC sa dahig na nalans
00:27si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig ang reklamong crimes against humanity laban sa kanya.
00:34Kasunod yan ang pagbasura ng pre-trial chamber 1 ng ICC
00:38sa hiling ni Duterte na mabigyan ng pansamantalang paglaya o interim release.
00:44Sabi ng pre-trial chamber, kailangan manatiling nakakulong si Duterte
00:48para matiyak na mapapaharap ito sa mga pagdinig
00:51para hindi niya maharang o malagay sa peligro ang investigasyon at court proceedings.
00:57At para mapigilan na makagawa ng mga kahalintulad pang mga krimen.
01:01Hindi na kumbinsi ang pre-trial chamber sa argumento ng depensa
01:05na dapat mapagbigyan ng interim release dahil sa humanitarian conditions,
01:10dahil sa edad nito, at kalagayang pangkalusugat.
01:13Hindi raw naipakita ng depensa na hindi mabibigyan ng atensyong medikal si Duterte habang nakakulong.
01:19Dagdag pa ng pre-trial chamber,
01:21ang sinasabi ng depensa na may cognitive impairment si Duterte
01:25ay speculative at walang basihan.
01:28Matatandaan ding sinabi ng kampo ni Duterte
01:30na wala sa tamang kalagayan si Duterte
01:33para humarap sa paglilitis
01:35dahil sa cognitive problems o problema nitong makaintindi
01:38at makaunawa sa kanyang kinakaharap na reklamo.
01:42Sabi ng pre-trial chamber,
01:44magkaibang issue ang fitness to stand trial
01:46sa usapin ng interim release.
01:49Matatandaan pa samantalang pinagpaliban
01:51ang confirmation of charges hearing para kay Duterte
01:54para madetermina ng korte kung fit ito to stand trial.
01:59Hindi rin kumbinsido ang pre-trial chamber
02:01na hindi flight risk si Duterte
02:03tulad ng pinalalabas ng kanyang defense team.
02:06Simulat sa pool,
02:07kiddapping ang tawag niya sa pagkaaresto niya at pagkakulong.
02:11Ang pamilya din daw ng dating pangulo hinaharang
02:14at binabatiko sa pag-aresto at pagkulong sa dating pangulo
02:18at ginigiit pa ang pag-uwi sa kanya sa Pilipinas.
02:22Patuloy rin daw ang pagkastigo sa mga proseso ng korte
02:25ng kanyang pamilya.
02:27Binigyan pansin rin ng korte
02:28ang mga pahayag ni Vice President Sara Duterte
02:31noong July 19 sa publiko
02:33na itatakas ang ama
02:35wala sa ICC Detention Center.
02:37Dine-delegitimize o minamalitraw nito
02:40ang mga proseso ng korte
02:42at sinasabi rin daw na may konsyabahan
02:44ang korte sa gobyerno ng Pilipinas
02:47at gumagamit rin umano
02:48ng peking mga testigo.
02:51Pinunto rin ang pre-trial chamber
02:52ang pagsabi ni VP Duterte
02:54na gusto ng kanyang ama
02:55na maibalik sa Davao
02:57kung mapagbibigyan ang interim release.
03:00Taliwas daw sa sinasabi ng depensa
03:02na mananatili
03:04ang nakatatandang Duterte sa estado
03:06kung saan siya i-re-release.
03:08May kakayahan raw ang pamilya
03:10at mga kaibigan ni Duterte
03:11para tulungan siyang makatakas
03:13sa pagkakakulong
03:14at pag-usig ng korte.
03:16May panganib din daw
03:17na magiging banta si Duterte
03:19sa mga testigo laban sa kanya
03:20kung mapagbibigyan ang interim release.
03:24Binigyang bigat din ang korte
03:25ang mga sinabi ni Duterte
03:27noong kampanya
03:28na kung mahala lumuli
03:29bilang mayor ng Davao
03:31ay dodoblihin ang mga pagpatay.
03:34Ang abogado ni Duterte
03:35na si Nicholas Kaufman
03:36tinawag na eronyos
03:38o mali ang desisyon
03:39ng pre-trial chamber.
03:41Inaapila na nila
03:42ang desisyon na ito.
03:43Sabi naman ni ICC Assistant to Council
03:45Attorney Christina Conti
03:47nakahinga sila ng maluwag sa desisyon
03:49dahil pinakita nito
03:51ang respeto sa mga biktima
03:52at gayon din ang balanseng pagtingin
03:54sa argumento ng depensa.
03:56Para sa GMA Integrated News
03:59sa Nima Refran
04:00ang inyong saksi.
04:03Mga kapuso,
04:04maging una sa saksi.
04:06Mag-subscribe sa GMA Integrated News
04:08sa YouTube
04:08para sa ibat-ibang balita.
Comments