Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Detaila po tayo sa mainit na balitang ipinatigil naman ng DPWH ang lahat ng road re-blocking sa bansa.
00:07May ulit on the spot si Jonathan Andal. Jonathan?
00:13Connie, pag may nakita raw kayong nagbabackpack pa ng kalsada, lalo na yung ayos naman pero sinisira,
00:20aba, e-report nyo raw sa Facebook pages o social media pages ng DPWH.
00:25Dahil effective immediately, suspendido muna yung lahat ng road re-blocking project sa buong bansa.
00:34Ang sabi kasi ni Secretary Vince Dizon, posibleng may anomalia o corruption din, pati sa mga pagsasayos ng mga kalsada.
00:46Sa press conference kanina, ipinakita ni Secretary Dizon ang picture ng isang kalsada sa Bukawe Bulacan na mukhang ayos naman daw
00:54pero binakbak ng mga taga DPWH.
00:58Agad yung ipinatigil ni Dizon at ipinaayos para hindi makaabala sa mga motorista.
01:02Binigyan ng show cost order ang district engineer na nakakasakop sa Bukawe para pagpaliwanagin kung bakit ba yun binakbak.
01:10Sabi ni Dizon, exempted sa suspension ng mga pagbabakbak ng kalsada
01:14na ang dahilan ay kailangan ayusin ang mga sirang drainage at tubo ng tubig.
01:18Maglalabas daw sila ng department order na gagawin ng transparent ang mga road re-blocking
01:22para ipaliwanag sa mga tao kung bakit ba talaga kailangan bakbaki ng isang kalsada.
01:27Babala naman ni Dizon sa mga tauhan ng DPWH,
01:30huwag iwanang nakatiwangwang ang mga sinuspinding road re-blocking project.
01:35Kung hindi, tatanggalin sila sa trabaho.
01:37Inanunsyo rin ni Dizon na iba pangreforma sa DPWH.
01:40Ineengganyo ng sumali ang mga sibilyan o civil society organization
01:44sa pag-audit at pag-monitor ng mga DPWH project
01:47mula sa bidding hanggang makumpleto ang isang proyekto.
01:50Maglalabas din daw si Dizon ng mas matinding parusa
01:53kapag hindi nasunod ang mga flood control project policy ng ahensya.
01:58Nakatakda naman daw pumirma ng memorandum of agreement ang DPWH
02:01kasama ang AMLA o Anti-Money Laundering Council,
02:04Insurance Commission at Philippine Competition Commission
02:07para mas mapabilis ang pagbawi ng pera ng taong bayan
02:10mula sa mga maanumaliang flood control project.
02:12Sang-ayo naman ang DPWH sa mongkahin ng ICI o Independent Commission for Infrastructure,
02:17na ibaba ang level of threshold o yung pondo ng isang proyekto
02:21na pwedeng aprobahan ng mga regional director at district engineer ng DPWH.
02:26Pero hindi pa masabing ni Dizon kung hanggang magkano.
02:29Maglalabas sa lang daw sila ng memo sa susunod na linggo.
02:31Sabi ni Dizon noong panahon ni dating DPWH Secretary Babe Simpson,
02:35hanggang 50 million pesos lang ang kontratang pwedeng aprobahan
02:39ng isang district engineer at hanggang 150 million sa regional director.
02:43Pero sa hindi pa malamang dahilan, itinaas daw yan noong panahon
02:46ni dating Secretary Mark Villar at Manny Bonoan.
02:49Kaya ngayon, abot na hanggang 400 million ang kontratang pwedeng aprobahan
02:54ng regional director at hanggang 150 million naman sa district engineer.
02:58Kaugnay naman sa pahayag ni Sen. Wynn Gatshalian na buwagin na ang DPWH,
03:02sabi ni Dizon, bigyan pa sila ng pagkakataon dahil marami raw silang gagawing reforma.
03:07Update naman sa bumigay na Pigatan Bridge sa Cagayan.
03:10Sabi ni Dizon, may tinatayo ng detour bridge katabi ng bumagsak na tulay
03:14para makatawid na ang mga sasakyan doon.
03:17Kaya raw itong matapos ng dalawang buwan o 60 days.
03:20Higit doble daw ang kapasidad nito, 40 tonelada na,
03:23kumpara sa 18 tonelada lang na kapasiti ng bumagsak na Pigatan Bridge.
03:28140 meters ang haba nito, may dalawang linya at may pondong 17.4 million pesos.
03:34Sa lindol naman sa Cebu, pinagmalaki ni Dizon ang mga itinayaw nilang tent city.
03:38100 tents na raw ang naitayo sa Bugo at 66 tents sa Medellin.
03:43May kuryente na raw doon at may portable shower at comfort room.
03:46Narito ang bahagi ng press conference kanina tungkol sa road reblocking.
03:50Bakit ba ang DPWH binabakbak ang mga kalye na parang okay naman para lang gawin ulit?
04:00Diba?
04:01Well, siguro sa maraming pagkakataon, alam na natin kung bakit.
04:05Diba?
04:06Okay.
04:06Kasi, pinagkakakitaan ngayon.
04:10Pinagkakakitaan yung pagsisira, pinagkakakitaan din yung paggagawa ulit.
04:14Correct?
04:15Okay.
04:16So, effectively now, I will be suspending all reblocking activities.
04:21Connie, sa susunod na linggo ay sisilipin naman daw ni Secretary Vince Dizon yung mga farm-to-market road.
04:32Mahikipag-meeting daw siya kay Agriculture Secretary Chu Laurel tungkol dyan.
04:36Yan muna ang report. Balik sa iyo, Connie.
04:39Maraming salamat, Jonathan Andal.
04:41Maraming salamat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended