00:00Ipinababasura ng Office of Public Counsel for Victims sa International Criminal Court
00:05ang panibagong hiling ng defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:10Yan ang indefinite adjournment ng paglilitis sa kanyang kasong crimes against humanity.
00:15Sa indefinite adjournment, walang tiyak na pecha kung kailan gagawin ang pagdinig.
00:19Ang dahilan pa rin ng Duterte defense team, mahina na ang dating Pangulo kaya hindi na niya kayang humarap sa paglilitis.
00:24Para sa kampo ng mga biktima, hindi sapat ang mga dokumentong isinumite ng defense team para patunayan niyan.
00:31Mahalaga ro'n na masuri na agad ang kalusugan ni Duterte para hindi na maantala ang confirmation of the charges hearing at mga susunod pang proseso.
00:40Ang mungkahin ng prosecution team, magtalaga ang pretrial chamber 1 ng mga eksperto sa forensic psychiatry, neuropsychology at behavioral neurology para suriin ang kondisyon ng dating Pangulo.
00:52Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa JMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.