00:00Huli kam ang pagdanakaw sa isang bahay sa Tondo, Maynila.
00:04Namukaan ng may-ari ang lalaki ng loob dahil siya raw mismo ang nagkabit ng CCTV sa kanilang bahay.
00:11Na unong balita si Jomer Apresto.
00:17Dahan-dahang ibinababa ng lalaking yan ang kawali na nakapatong sa isang LPG
00:21sa loob ng isang bahay sa Tondo, Maynila nitong Webes ng hating gabi.
00:25Maya-maya, tuluyang tinangay ng lalaki ang LPG tank at mabilis na bumaba.
00:30Ayon sa biktima, nasanay na sila na hindi naglalak ng gate ng bahay dahil marami ang nakatira sa kanila.
00:36Umaga na raw nang malaman ng kanyang ate na nawawala ang kanilang LPG.
00:41May pasok yung anak niya, tas nakita niya bakit wala yung gamit doon.
00:45Anytime may umuwi, may umaalis, kaya open gate lang kahit sino nakakapasok.
00:50Ang nahulikam na lalaki, siya rin daw palang nagkabit ng mismong CCTV sa bahay na nilooban niya.
00:57Parang ayaw niya magpakita sa kamera, pero kilalang kilala kasi namin siya eh.
01:01Ang kulit kasi ano, siya rin yung nagkabit nun diba?
01:04Hindi niya man lang tinakpan yung mukha niya or ano.
01:07Yung pag may mga nasisira kaming gamit, siya din yung nag-aayos doon.
01:11Ayon sa barangay, residente nila ang sospek na ilang beses nang inireklamo dahil sa pagnanakaw umano.
01:17Isang insidente pa raw ng panunutok ng kutsilyo sa isang minorde edad,
01:21ang kinasangkutan ng lalaki sa isang tindahan sa kabilang barangay.
01:25Nung hindi siya nagbayad yung minor, lumabas daw para siya singilin, tas tinutukan niya raw ng kutsilyo.
01:32Galing siya din na lupihan, may binitbit na naman siyang alak.
01:36Siguro nalaman niya kanina, pinapahanap na po siya sa amin ng chairman,
01:40nagtaguna, hindi na nagpakita itong maghapon na ito.
01:43Nasa drug watch list din daw ng barangay ang lalaki.
01:45Maghahain ang formal complaint ang biktima ngayong araw sa Manila Police District para mahuli ang lalaki.
01:52Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments