Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa ibang balita, nagmasin at bumuntot ang mga barko ng China sa paghahatid ng tulong ng BIFAR at Philippine Coast Guard sa mga mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc at Escoda Shoal.
00:13Sa isang punto, nagbabala pa ang barko ng People's Liberation Army Navy ng China.
00:19Balitang hatid ni Bam Alegre.
00:21Naglayag ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa palibot ng Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal para maghahatid tulong sa mga mangingisda.
00:34Hating gabi pa lang, sumulpot na sa radar ng BIFAR vessel ang shadowing ng dalawang barko ng China Coast Guard.
00:41Kinaumagahan, dumami pa ito.
00:43Bigit kumulang 30 nautical miles ang layo natin mula sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.
00:48Pero gayon pa man, 6 na barko mula China ang nakabantay sa atin.
00:525 mula sa China Coast Guard at 1 mula sa PLA.
00:57Siyam na bangka ng mga mangingisda ang nahatiran ng ayuda.
01:00Kabilang narito ang diesel, food items, tubig inumin at mga gamot.
01:04Karamihan sa mga mangingisda nagmula sa Subic Bay at namuhunan mula 20,000 hanggang 40,000 pesos para pumalaot ng isa hanggang dalawang linggo.
01:12Malaking dagok pa rin sa kanilang hanap buhay ang pagharang ng China Coast Guard sa Bajo de Masinloc
01:16kaya hindi sila makapangisda rito.
01:18Hindi kami makapasok basta dun sa malapit sa Calboro po.
01:24May limit lang po hanggang 100 nautical miles lang po kami mangingisda po.
01:28Malaki pong eribisyo po.
01:31Hindi na kami nakakapunta ng Bajo de Masinloc.
01:35Hindi na kami nakakapunta.
01:37Nakakarangan na kami sa baka mabangga yung bangka namin.
01:40Sa kabuan, humigit kumulang isang daang bangka ang hinatira ng tulong ng BIFAR at Philippine Coast Guard sa Bajo de Masinloc at Escoda Shoal.
01:48345 grocery packs at 98,000 liters ng fuel oil ang naipamahagi.
01:53Sa Bajo de Masinloc, isang People's Liberation Army Navy vessel ang nagbigay ng babala kaugnay ng live fire exercise sa lugar.
01:59Sa Escoda Shoal naman, nagsagawa ang isang PLA Navy helicopter ng low altitude monitoring flight.
02:04Hindi nagpatinag sa mga aktibidad na ito ang PCG at BIFAR na nagpatuloy sa kanilang joint operation para mamahagi ng supplies.
02:12Sa kabuan, may 7 CCG vessel at 10 Chinese maritime militia sa Bajo de Masinloc.
02:17Meron namang 8 CCG vessels at 9 maritime militia sa Escoda Shoal.
02:21Mula sa Scarborough Shoal, Bam Alegre, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended