Budget reset ang panawagan ng isang grupo sa Kamara dahil meron umanong P200B pork barrel sa panukalang budget sa 2026. Itinanggi 'yan ng senior vice chairperson ng Appropriations Committee.
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:30The House has opened its doors wider than ever before. We've ended the practice of the Small Committee. We welcome civil society observers.
00:50Ang ipanalit sa Small Committee, ang Budget Amendments Review Subcommittee o BARC, nasisilip sa budget bago pa ito ipasa. Pero ngayong nakaumang ng aprobahan ng Kamara sa second reading ang panukalang 2026 budget, pagsisiwalat ng People's Budget Coalition, meron pa rin umanong pork barrel dito sa halagang 230 billion pesos.
01:13Sa halip na linisin daw ang budget process, isiningit umano ng BARC ang billion-billion para sa mga programang nagpapalawig ng political patronage gaya ng mga ayudang aiks at tupad.
01:26Hindi rin daw inalis sa mga alokasyong hindi malinaw at madaling maabuso gaya ng confidential funds at lumobong unprogrammed appropriations o yung mga programang nakalista kahit wala pang malinaw na ipapampondo.
01:40Kaya panawagan nila, i-reset ang budget, linisin at magpasa ng budget na tunay na tumutugon sa pangangailangan ng bansa.
01:49Pino na rin ang ilang kongresista ang unprogrammed appropriations.
01:53This is not fiscal prudence. It is fiscal abuse.
01:58These are clearly programmed obligations that should have been placed under the regular budget, not hidden in the unprogrammed appropriations.
02:08We are effectively giving the executive a blank check worth a quarter of a trillion pesos.
02:16Worse, these funds have become a fund for pork barrel politics.
02:20Pero giit ni House Appropriations Committee Senior Vice Chair Albert Garcia, walang pork sa 2026 budget.
02:28Actually, this is not congressional pork. These are the normal programs ng ating national government.
02:37Yumaip, tupad, ayiks. Normal programs po yan, continuing programs that benefit the poor.
02:44Pork, parang may discretion yun.
02:47Yes.
02:47So may ganun po bang kasi?
02:49Wala kong discretion because these are budgets of the agencies.
02:54So after the passage, yung agencies na po mag-i-implement nito.
02:59Di tulad ng small committee, nagpupulong ang Barsi bago aprobahan ang panukalang budget at na mamonitor ito online.
03:07Habang ang small committee, privado ang pulong matapos aprobahan ang budget.
03:11Makikita rin sa tinalakay na amendments ng Barsi kung sino ang humiling ng amendments.
03:17Nagsagawa rin ang adjustments sa unprogrammed appropriations.
03:22Hindi pork, pero it's, you know, the budget is an ongoing work in progress.
03:28Tinatry natin improve every year para mas sensitive tayo sa needs of the people and the call of the people.
03:36Ang nangyari po noong mga nakadaan ay bumatak po galing sa SAGIP to fund infrastructure projects.
03:44Some of which are flood control projects.
03:48So tinitignan po natin ano po yung pwede natin gawin.
03:52Para sa mga, para sa 2026 at sa mga susunod na taon, wala na po yung ganun.
03:58Ibig sabihin, hindi na po makakabatak ng infrastructure projects from SAGIP.
04:05Target ng Kamara na aprobahan ang panukalang budget para sa 2026 sa Biernes, October 10, sa ikalawang pagbasa.
04:13At sa Lunes, October 13, sa ikatlot huling pagbasa.
04:16Ito ay kahit ang huling araw ng sesyon ay sa October 10.
04:20Under the Constitution, we are allowed to extend provided that we get consent from the Senate that we will be extending our session for not more than three days.
04:34Para sa GMA Integrated News, Tina Pangaliban Perez, Nakatutok 24 Horas.
Be the first to comment