Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa kasaysayan ng Pilipinas, may 6 ng nagsilbing ombudsman.
00:04Bukas, manunumpa si outgoing Justice Secretary Jesus Crispin Remulia
00:08para maging ikapitong ombudsman o tinatawag ding tanod bayan.
00:13Ano nga ba ang kapangyarihan at tungkulin ng ombudsman?
00:17Nakasaad po sa Republic Act No. 6770 o ang Ombudsman Act of 1989
00:22ang trabaho at kapangyarihan ng ombudsman.
00:26Kabilang po dyan ang pag-iimbestiga sa isang opisyal o empleyado ng gobyerno.
00:31Mapasariling kilosman o may maghain ng reklamo kung may posibleng ginawa ang opisyal na iligal.
00:38Hindi makatarungan o hindi maayos.
00:41Pwede rin niyang utusan ang isang public opisyal o anumang korporasyon na pagmamayari ng gobyerno
00:47na gawin at bilisan ang trabaho na naayon sa batas.
00:51May kapangyarihan din ang ombudsman na irekomenda ang pagsibak, pagsuspinde, pagdimot o pagsasampa ng kaso sa isang public official o employee.
01:01Inaatasan din ang ombudsman na alamin ang pinagmula ng mismanagement, panluloko at katawilian sa gobyerno.
01:10Pwede rin siyang mag-issue ng supina at tumanggap ng testimonya para sa isang investigasyon o inquiry.
01:16Pati ang pagkakaroon ng akses sa bank account at record ng inireklamo.
01:21May kakayahan din ang ombudsman na mag-imbestiga at ipabalik ang ninakaw na kaban ng bayan at pakasuhan ang mga may sala.
01:30Ang trabaho ni incoming ombudsman Jesus Crispin Remulia hindi magiging madali, lalo't kabi-kabila ang isyo ng katiwalian sa gobyerno.
01:39Ipinangako ni Remulia na magiging transparent ang kanyang opisina, isa sa mga bagay na hinihingi ng publiko sa pamahalaan.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended