00:00Kabilang na rin ang Iglesia Ni Cristo sa mga nananawagan na gawing transparent o bukas
00:05ang ginagawang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI.
00:10Sa pahayag ni Ka Eduardo Manalo,
00:12ang tagapamahala ng pangkalahatang INC na binasa ng spokesperson na si Ka Edwil Zabala,
00:19sinabing nakikita nila ang ginagawang hakbang ng gobyerno para alamin ang punot dulo ng anomalya.
00:25Tulad ng maraming Pilipino, naghihintay rin daw sila sa magiging resulta ng mga investigasyon
00:30at kung paano iyon magagawa ng walang pag-aaninlangan.
00:34Giyat ng INC, kailangang mapanagot ang pinakaughat na mga pagnanakaw.
00:40Pero hindi daw yun mangyayari kung ititigil ng Senado ang investigasyon
00:43at kung anilay palihim ang investigasyon ng ICI.
00:47Hindi rin makatutulong ang investigasyon ng ICI sa palihim nitong pag-iimbestiga.
00:57Ano pat anuman ang maging resulta nito ay posibleng hindi maging katanggap-tanggap sa mga mamamayan
01:04at makadagdag lamang sa nagaganap na kaguluhan at kawalang katiyakan.
01:11Kailangang bukas at dapat masaksihan ng sambayanan ang mga pagdinig sa isinasagawang investigasyon.
Comments