00:00Nagkukulang na raw ng supply na imported na bigas sa ilang palengke sa gitna ng pag-iral ng importation ban.
00:06Habang papalapit ang Pasko, dapat din daw paghandaan ng pagtaas ang presyo ng imported na bigas.
00:12Live mula sa Maynila, may unang balita si Jomer Apresto.
00:15Jomer!
00:20Igan, good morning. Bumaba na ang presyo ng lokal na bigas dito sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila.
00:26Pero ang imported na bigas, tumaas dahil pa rin sa umiiral na importation ban.
00:32Ayon sa may-ari ng bigasan na si Jessica Loberiano, nagsimulang bumaba ang presyo ng lokal na bigas noong nagpatupad ng importation ban ng Department of Agriculture.
00:40Kung susumahi, naaabot na raw sa 80 hanggang 100 pesos ang ibinaba ng presyo nito sa kada 25 kilos ng local rice.
00:47Ang pinakamurang local rice niya noon na nasa 46 pesos ang kilo, nasa 42 pesos na lang.
00:52Habang ang imported rice, tumaas naman ang hanggang 100 pesos sa kada 25 kilos.
00:57Ang dating 41 pesos na pinakamurang imported rice niya, nasa 45 pesos na ngayon.
01:02Sa kabila nito, mas tinatangkilik pa rin daw ng publiko ang imported rice dahil mas maganda, buo at mabanguraw ang mga ito.
01:09Sabi ng ilang nagtitinda, ramdam na nila ang kakulangan sa supply ng mga imported rice.
01:14Ayon sa Department of Agriculture, pinalawig ang importation ban sa bigas hanggang Disyembre.
01:19Papayagang mag-angkat ng bigas sa Eneros ang susunod na taon, pero pagpasok ng Pebrero hanggang Abril,
01:24ipatutupad daw ulit ang rice importation ban, layan daw nitong matulungan ang mga magsasaka sa bansa.
01:32Ang imported rice po is tumaas. Ang local rice natin is medyo bumaba po ng konti.
01:38Nasa 80 to 100 ang binaba niya.
01:42Ang imported rice po is 4 per kilo. Nasa 100 per 25 kilos ang tinas niya.
01:49Kasi maganda, buo at saka mabango.
01:57Igan, sabi pa na nga ilang tindera ng bigas, posibleng tumaas pa lalo ang presyo ng imported na bigas habang papalapit ang Pasko.
02:05At yan ang unang balita mula dito sa Quinta Market.
02:07Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:10Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.