Skip to playerSkip to main content
Hindi lang sa mga motorista pabigat ang mahal na petrolyo. Pasakit din sa bulsa ng mga consumer lalo't kabilang ang krudo at gulay sa mga nagpabilis ng inflation noong isang buwan! May report si Bernadette Reyes.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Hindi lang sa mga motorista pabigat ang mahal na petrolyo.
00:04Pasakit din sa busa ng mga consumer, lalo't kabilang ang krudo at gulay sa mga nagpabilis ng inflation noong isang buwan.
00:12May report si Bernadette Reyes.
00:17Bago pa ang oil price hike ngayong araw, ilang linggo na rin walang preno ang taas presyo ng gasolina, diesel at kerosene.
00:23At yan ayon sa Philippine Statistics Authority ang nagpasipa na naman ng inflation o bilis ng pagmahal ng mga produkto at serbisyo sa bansa.
00:331.7% ang inflation rate nitong Setiembre, mula sa 1.5% noong Agosto.
00:39Sabi ng PSA, tumaas ang transportation cost na hindi gumalaw sa nagdaang buwan.
00:44Nakaambag din sa pagharurot ng inflation ng pagmahal ng pagkain, partikular ang mas mabilis na taas presyo ng gulay na resulta ng mga bagyo at pagbaha.
00:54Noong month of September, halos weekly tumataas yung presyo ng diesel.
00:59Yung gasoline naman may weeks na bumaba pero karamihan ng weeks ay tumaas.
01:04So ito yung risk, transport at alam natin in the past, pag tumataas yung transport, after a few months tumataas yung ibang mga commodity groups.
01:12Mabagal din daw ang pagmura ng bigas, bagamat ayon sa PSA, unti-unti raw nararamdaman ang epekto ng import ban.
01:20Ngayong 4 months, binabantayan ng PSA ang galaw ng gasto sa transportasyon at presyo ng mga pagkain na maaari raw makaapekto sa inflation rate.
01:29Kahit ang September inflation ang pinakmabilis sa loob ng 6 na buwan, ayon sa Banko Central na Pilipinas, pasok ito sa target nila na 1.5% to 2.3%.
01:39Sa mga regyon, mas mabagal ang inflation sa Metro Manila. Mas mabilis naman sa Central Visayas.
01:46Pero ang gasto sa transportasyon sa NCR bumilis nitong Setiembre kumpara nung isang buwan.
01:53Malaking ginhawa sana sa mga commuter ang mga big ticket transportation project gaya ng Metro Manila Subway.
01:59May bagong tunnel boring machine o makinang panghukay ng lagusan na dinala sa estasyon sa Camp Aguinaldo papuntang Anona Station.
02:07Full speed ahead na ika nga itong ongoing na konstruksyon ng Metro Manila Subway.
02:13At sa sandaling matapos na itong proyekto, inaasang malaki ang maitutulong nito para maibisan ng pabigat na pabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila.
02:222028 ang initial target ng paglulunsad nito.
02:26Pero sa 2032 pa inaasang matatapos ang buong 33-kilometer subway.
02:32Patuloy pang naikipag-negosyasyon ng DOTR sa mga matatamaang ari-arian para maplan siyang issue sa right-of-way.
02:39Out of the 33 properties, meron po tayong naiiwan na 12 na patuloy pa rin ang negosyasyon, patuloy pa rin pag-ipag-usap.
02:48Kasi yung isang property dun, ang balita po, crick naman. So actually, hindi siya kasama sa kailangang bayaran.
02:55Bernadette Reyes, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended