Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Itong magkasunod na linggo nang tumataas ang presyo ng diesel kaya panawagan ng ilang chuper itaas ng pamasahe.
00:07At live mula sa Quezon City may unang balita si James Agustin. James?
00:16Ivan, good morning. Natapisan daw talaga yung kita ng mga nakausap ko jeepney driver dahil nga dun sa sunod-sunod na taas presyo sa diesel nito mga nagdaang linggo.
00:24So, ang hirit nila ay sana raw talaga ay madagdagan yung pasahe, bagay na tutul naman yung mga pasahero.
00:34Maagang bumabiyahe sa route ng UP Pantranco ang jeepney driver na si Joshua.
00:38Nito mga nagdaang linggo, maswerte na raw kung makapag-uwi siya ng P550 kada araw.
00:43Dahil sa sunod-sunod na taas presyo sa diesel, P200 na raw na tapya sa kanyang kita.
00:48Malaking hirap yun kasi yung kita namin nabawasan. At least yung P200, panggagdag na patala sa aming pamilya, yun. Malaking bagay na yung P200 sa amin.
00:59Ganyan din ang nararanasan ng jeepney driver na si Maximo na ang ruta naman ay San Mateo, Filcoa. Kapos na raw ang kita sa pangangailangan ng pamilya.
01:07Mahirap po, wala na po kami ang kinikita. Nagkita man kami hanggang P500, P400, napupunta na lang po sa pagtas ng diesel.
01:17Ngayong araw, 80 centavos ang taas presyo sa kada litro ng diesel, habang 20 centavos ang dagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene.
01:25Ito na ang ikapitong sunod na linggo na may taas presyo sa diesel ang mga kumpanya ng langis.
01:30Kaya pinag-aaralan na rin ng ilang transport groups na ihirit muli ang taas pasahe.
01:35Dapat itasang, gawin lang 15 kasi panitaas yung diesel.
01:38Magkikisama na rin po kami para po na may maiuwi rin kami.
01:45Tutul naman dyan ang mga pasero na aming nakausap, lalo pat dagdag gasos daw ito.
01:50Parang pataas na pataas po, wala nang binabababo sa mga pamasahe.
01:54Kawawa din naman yung mga pasero kung taas na taas ang pamasahe, tapos ang sweldo, di naman na taas.
02:02Dagdag ng bagay sa pamasahe.
02:05Samatala Ivan, ito yung sitwasyon ngayon dito sa area ng Filcoa sa Commonwealth Avenue.
02:15May mga pasero na naghihintay ng mga sasakyan pero dahil rush hour na po ngayon,
02:19punuan na yung mga pampublikong sasakyan gaya ng mga jeep, modern jeep at mga bus.
02:23Silipin naman po natin yung lagay ng trapiko dito sa westbound lane ng Commonwealth Avenue.
02:27Mga sasakyan po yan na patungo sa elliptical road.
02:30Unti-unti na po sumisikip yung daloy ng trapiko dahil sa volume ng mga sasakyan.
02:35Pero doon naman sa eastbound o yung patungo sa area ng Fairview ay maluwag yung traffic situation ngayong umaga.
02:42Yan ang unang balita. Mala rito sa Quezon City.
02:44Ako po si James Agustin para sa GMA Integrated News.
02:47Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:50Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Be the first to comment