00:00Tinawag ng ilang legal expert na labag sa saligang batas ang kondisyong inilatag ni Sen. Alan Peter Cayetano para sa mungkahe niyang snap elections.
00:10Mungkahe kasi ni Cayetano magbitiw lahat ng opisyal mula presidente, vice-presidente hanggang sa Senado at Kamara.
00:18At ang mga nagbitiw hindi na pwedeng tumakbo.
00:21Saksi, si Sandra Aguinaldo.
00:23Ang ideya ni Sen. Alan Peter Cayetano para maibalik ang tiwala ng mga tao sa gobyerno at sa mga opisyal nito,
00:34mag-resign ang presidente, vice-presidente, mga senador at kongresista at magsagawa ng isang snap elections.
00:42Pero hindi sila pwedeng tumakbo.
00:44Pero sabi ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio, labag daw ito sa saligang batas.
00:53At prevent them from running kasi wala namang disqualification sa kanila.
00:58Everybody has a right to run if he's qualified.
01:01At kung gagawin talaga ang snap elections, sinabi ni Comlec Chairman George Erwin Garcia,
01:06kailangang magpasa ng batas para dito.
01:09Kung lahat sila nag-resign, kakailanganin ang komisyon ng batas ng Comlec.
01:14Kasi hindi naman kami pwede basta kikilos nang wala tayong batas sa pagkukondak ng halalan.
01:19Babala rin ni Senate President Tito Soto, bukod sa walang legal na basihan ang pagsasagawa ng snap elections,
01:25magdudulot lang daw ito ng kalituhan at kaguluhan.
01:28It cannot be an option. What do you do with those who are not guilty?
01:32What do you do with those who are newly elected and have no bad records?
01:40What do you do with them?
01:43Idadamay mo doon sa mga guilty or sa mukhang guilty kung hindi mo guilty.
01:48Kung meron bang marumi, ba't natin idadamay yung mga malinis doon sa marumi?
01:53We will be entering something like uncertainty and chaos in the political world.
02:04Sa kasaysayan ng Pilipinas, minsan nang nagkaroon ng snap elections.
02:09Taong 1986, sa gitna ng kabi-kabilang batiko sa loob at labas ng bansa sa kanyang pamumuno,
02:15nagpatawag sino ay Pangulong Ferdinand Marcos Sr. ng snap elections para sa pagkapangulo at pangalawang pangulo.
02:22Pero sabi ng Comelec, magkaiba ang sitwasyon noon at ngayon.
02:26Ang 1986 snap elections, nangyari raw bago nagkabisa ang kasalukuyang 1987 constitution,
02:33kung saan nalinaw kung kailan gagawin ang eleksyon.
02:36Bago ng 1987 constitution, meron tayong presidente na napaka-powerful
02:42and at the same time meron tayong interim batas ng pambansa.
02:45So kombinasyon siya ng parliament and at the same time presidential setup.
02:49In fact, noon ay pepwede kasi yung kapangyarihan ng Pangulo,
02:55hindi lang pang-executive, pati legislative ay nasa kapangyarihan ng ating Pangulo.
03:00So hindi rin nag-fix ng term at that time.
03:03So ibig sabihin, kaya at pepwede noon. Ngayon hindi na.
03:07Sa sowestiyon ni Cayetano, sinabi ng Malacanang nawala silang panahon sa ganitong klase ng pamumulitika.
03:12Sabay-sabing tumutok sa pangangailangan ng mamamayan at hindi sa pansariling interes lang.
03:18Ang sinabi naman ni Cayetano na magbitiw ang mga opisyal para makapagsagawa ng snap elections,
03:24sinagot sa isang live stream ni Palas Press Officer Yusecler Castro sa kanyang personal YouTube channel.
03:31What if, sabi nga natin, mauna ka na, tutal, aminado ka, politicians are suspects, kasama ka,
03:40ikaw ang umamin, ikaw pa lang ang umamin, edi, ikaw ay suspect.
03:45Hininga namin ang reaksyon dito si Cayetano.
03:48Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.