Skip to playerSkip to main content
Mahalagang usapin ang pagkain kaya innovation naman sa food production o agri-sector ang tampok sa bago nating series dito sa Game Changer. Simulan natin ang isang paggamit ng artificial intelligence at automation para mamaintain ang klima at irigasyon sa isang greenhouse. Tara let’s change the game!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Good evening mga kapuso! Nakapaghapuna na ba kayo?
00:14Mahalagang usapin ang pagkain kaya innovation naman sa food production o agri-sector ang tampok sa bago nating series dito sa Game Changer.
00:22Simulan natin ang isang paggamit ng artificial intelligence at automation para ma-maintain ang klima at irigasyon sa isang greenhouse.
00:31Tara, let's change the game!
00:39Hindi basta-basta ang pagtatanim.
00:42Tinitignan ang nutriens sa lupa.
00:45Sapat ba ang tubig?
00:48E ang panahon at klima?
00:50Sumasang-ayon ba?
00:51Na para bang the stars align para sa ganaang-ani?
00:56What if pwede nating matrack at makontrol lahat ng iyan using AI technology?
01:04Meet 30-year-old Alvin Valdez.
01:08Isang computer engineer na layong tulungan ang mga magsasaka with recent technology.
01:13Yung daddy voice na ganun na siya, nag-retire.
01:16So he pursued farming, na experience, yung hirap po ng manual labor.
01:21Doon po namin naisip na i-automate natin yung mga processes po na ito.
01:26Maraming benefits ang pagtatanim sa greenhouse dahil protectado ang mga tanim sa panahon.
01:34Kaya posible ang year-round na pagtatanim.
01:36Pero ni-level up yan with smart sensors at automations.
01:44Para bawa sa mano-mano.
01:46And hello to smart farming.
01:48Kamit ang farmesto.
01:50Ayan mga kapuso, meron tayong tatlong automation controller dito sa greenhouse na ito.
01:55Una, yung climate controller na siyang nagre-regulate ng humidity, temperature, pati na rin yung ventilation dito sa loob ng greenhouse.
02:03Una muna, yung shade net na automatic magko-cover pag tumataas yung sikat ng araw.
02:09Pangalawa, yung misting.
02:10Ayan o, nag-a-activate yan pag bumababa naman yung humidity.
02:14At yung mga fan na go-on pag umaangat yung temperature o miinit dito sa loob ng greenhouse.
02:20Yung dosing controller naman yung in-charge sa pagbalanse ng nutrients at pH level ng tubig na kailangan ng specific crop.
02:28May mga parameters tayo dyan, like yung pH and EC.
02:31So, every growth stage ng ating mga halaman, may mga specific pH levels po siya na kailangan i-maintain.
02:38Which we are doing po dun sa ating dosing controller.
02:41And lastly, ang irrigation controller ang namamanage ng mga water pump at valves na nag-ahatid ng nutrient solution dito sa ating mga tanim.
02:53Dahil dito, optimal o yung kailangan lang na resources ang magagamit.
02:59Easily accessible din ang data at controls nito na ma-access sa Farmesto app and website.
03:04Ang innovation, supportado ng DOST TAPI at kabilang sa mga impinida sa nakaraang DOST Philippinex Innovation Expo.
03:13Ang pinaka-goal lang po talaga namin is to encourage din yung mga future farmers natin to venture into agriculture.
03:21Tumatanda na yung mga farmers natin using our technology na mas mapapadali yung kanilang way of farming.
03:28Isa na namang game-changing innovation sa agricultural sector para sa mas efficient at consistent na ani.
03:38Para sa GMA Integrated News, ako si Martin Avere.
03:41Changing the game!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended