Skip to playerSkip to main content
Para sa Teachers' Day, naglatag ang pangulo ng mga programa para sa public school teachers tulad ng tax-free allowance at patas na teaching load. Sa forum namang dinaluhan ng mga dayuhang nagpapautang... tiniyak niyang 'di papayagang malustay ang kaban ng bayan.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Para sa Teachers Day, naglatag ang Pangulo ng mga programa para sa public school teachers, tulad ng tax-free allowance at patas na teaching load.
00:11Sa forum namang dinaluhan ang mga dayuhang nagpapautang. Tiniyak niyang hindi papayagang malustay ang kaban ng bayan. Nakatutok si Darlene Kai.
00:22Walang perang sasayangin, hindi tayo papayag nalustayin ang kaban ng bayan.
00:32Guityan ni Pangulong Bombo Marcos sa isang forum na dinaluhan din ang mga dayuhang nagpapautang sa bansa o nagbibigay ng mga aid o tulong.
00:39Katunayan, ang mga official development assistance sa ODA o yung mga grant at pautang ng ibang bansa ay tinitiyak niyang mapupunta sa mga priority projects sulad ng edukasyon.
00:49Mahalaga ang paninigurong yan dahil may aasahan pa raw na $50 billion o 2.9 trillion pesos na pautang ang World Bank sa susunod na tatlong taon.
00:59We seek your support in improving interagency coordination, addressing capacity gaps that can slow down execution, and providing resource allocations for ODA-assisted projects.
01:12We are taking action. To streamline the process, cut bureaucratic delays, accelerate public service, we have revised the Investment Coordination Committee guidelines, the first comprehensive update in a decade.
01:28Bukod sa pagpapabilis sa mga proyektong pinondohan ng ibang bansa, ay pinabibilis din ang mga proyektong pinondohan ng gobyerno.
01:36Kabilang ang pagpapatayo at pagsasayos ng mga silid-aralan na ayon mismo sa deped ay nasa $165,000 ang kakulangan.
01:44Pinabibilis din ang Pangulo ang pagsusuli sa mga proposal na gawin ng ilan dyan sa ilalim ng public-private partnership.
01:50Ayon sa Department of Public Works and Highways, maglalabas ito ng mga bagong direktiba para alisin ang mga bottleneck o embudo na pumipigil sa mas efektibong paggamit ng pondo.
02:02Ang dami na namin nakitang mga loophole mula sa planning, sa paglagay ng pera sa budget, sa pagbibid-out ng mga project, sa pagmamonitor at pagbabayad ng mga kontraktor.
02:17Kaugnay pa rin ng edukasyon, may mga programa sa mga guro tulad ng tax-free teaching allowance para sa public school teachers,
02:26pagtakda ng patas na teaching load at karagdagang bayad para sa pagtuturo sa mahigit 6 na oras kada araw.
02:33Binanggit niya yan sa pagdiriwang ng National Teachers Day na dinaluhan ng libo-libong guro sa Pasay City.
02:38Wala nang public school teacher na magre-retire na Teacher 1.
02:45Hindi na natin papayagan na mangyari ulit yun.
02:49Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended