Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Darlene Kai
00:28Sa gitna ng pagsisiyasa at sa mga maanumalyang flood control projects, tila may hindi raw tayo napapansin.
00:34Sa pag-aaral kasi ng UP National College of Public Administration and Governance, so UP NCPAG, tip of the iceberg pa lang daw o kakarampot na bahagi pa lang ito ng mas malalim na issue sa korupsyon.
00:45Bukod daw sa mga ponong nakalaan para sa flood management program ng DPWH, may 115.26 billion pesos na flood control budget na tinawag nilang shadow flood control budget.
00:57Tinamit lang namin yung term na shadow kasi nakikita lang yung flood management program.
01:04Sa budget kasi ng DPWH, mayroon silang flood management program at doon lang nakafocus yun yung 250 billion.
01:11Pero mayroon din silang yung tinatawag na convergence and special support program.
01:16At nandun, sa loob nun, may mga iba-ibang programa.
01:20Ang sabi ng UP NCPAG, tuloy-tuloy ang paglaki ng shadow flood control budget mula 2022 hanggang 2025.
01:28Karamihan daw sa pondong yan nakalaan para sa pagpapagawa o maintenance sa mga dike, revetment, riverbank protection, drainage system at iba pa.
01:36Ipinapakita raw nito ang malaking bahagi ng flood control spending ay nangyayari sa lapas ng pangunahing programa para rito.
01:43Dagdag ng UP NCPAG, pwedeng maituring na flood control projects ang mga kalsada.
01:49Malinaw raw na nakasaad sa General Appropriations Act o GAA na ang lahat ng road infrastructure projects
01:55ay dapat mayroong sapat na drainage system at isinasaalang-alang ang mga pagulang dulot ng climate change.
02:01Kaya sa loob ng maraming dekada, ipinatutupad daw ng DPWH ang pinakamalalaking flood control project sa bansa sa pamamagitan ng mga proyekto sa kalsada.
02:11Ngayong 2025, P541.98 billion ang budget para sa road programs.
02:19Practically, yung road construction is the single biggest investment natin for flood reduction.
02:27But it is not really reported as such.
02:30Kasi nakafocus lang doon sa mga dikes and dams when in fact sa batas, nakalagay ng mga kalsada ay para talaga din mabawasan ang pagbaha.
02:38Dapat din daw tignan ang mga tulay na iniutos sa GAA na dapat ay kakayanin ang epekto ng lindol at ibang kalamidad.
02:46Tuloy-tuloy rin daw ang paglobo niyan mula 20 billion pesos noong 2011 hanggang 248.8 billion pesos ngayong 2025.
02:53Yung mga probinsya na may pinakamaraming number of projects na flood control.
03:03Sila din yung mga probinsya na may pinakamalaking damage from the different disasters.
03:12Kung talagang ang pagbuo ng mga projects na iyon is to reduce, dapat mababawasan din yung impact.
03:20Pero sa data na nakita namin, walang ganong epekto.
03:26Halimbawa, ang albay na nagbuhos ng mahigit 16.2 billion pesos para sa 273 flood control projects mula 2018,
03:34nagtala ng pinakamalaking pinsala sa infrastruktura sa bansa na nakakahalaga ng 7.3 billion pesos sa loob ng 6 na taon.
03:43Panawagan ng UPNC Pag, lawakan ng Independent Commission for Infrastructure ang kanilang investigasyon.
03:49Dapat din daw siguruhin ang pagpapatupad ng mga pangmatagalang reporma
03:53para mapigilan ng korupsyon sa mga programang may kinalaman sa infrastruktura.
03:58Opesyal na raw ipinadala ng UPNC Pag ang findings sa kanilang pag-aaral sa DPWH.
04:03Plano rin daw nilang magsumite sa ICI.
04:05Sa isang mensahe, sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizzo na hindi niya pa nakikita ang item sa 2025 budget.
04:12Pero, irerekomenda raw niya sa ICI na siya sa atin ito.
04:16Isasama rin daw niya ito sa sarili nilang investigasyon sa ahensya.
04:20Patuloy na hinihingi ng GMA Integrated News ang panig ng ICI.
04:23Para sa GMA Integrated News, Darlene Kai Nakatutok, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended