24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Ngayon pong nakasalang na sa Kongreso ang pagbusisi sa pambansang budget para sa 2026.
00:06Tiniyak ng Komiting Sumusuri rito na wala raw ilala ang pondo para sa flood control sa mga lugar na hindi naman bahain.
00:14Nakatuto si Jonathan Andal.
00:19Mismong Quezon City, LGU ang pumuna kung bakit tinayuan ng pumping station ang ibabaw mismo ng creek sa Barangay Santo Domingo, Quezon City.
00:27Nireject na kasi ito ng LGU dahil hindi anila naaayon sa drainage master plan ng syudad.
00:33Ito ang kanilang sinisi sa pagbaha ngayon sa hindi naman daw dating bahain na Barangay Santo Domingo pati mga katabing barangay at ang stasyon hindi pa pala tapos itayo.
00:42Kahit una nang ginastusan ng 96 milyon pesos, sabi ng LGU, naghihintay pa ng dagdag na 250 milyon pesos mula sa national budget sa 2026.
00:52Ngayon, tiniyak ng pinuno ng House Appropriations Committee na sa bubuuing 2026 budget,
00:59hindi na lalagyan ng pondo pang flood control ang mga lugar na hindi naman talaga bahain kahit para itulak ito sa kamera ng mga kapwa kongresista.
01:07Kailangan ko pong makausap yung aking mga kasama sa kongreso kasi kung meron man pong mga areas na kanilang i-advocate,
01:16nalagyan po ng flood control projects pero hindi po talaga kinakailangan.
01:20Unfortunately po meron din tayong mga kailangan na tanggihan ng mga requests.
01:26Kakausapin daw ni Congresswoman Mikaela Swan Singh ang mga regional office ng DPWH
01:30para matukoy kung ano-ano bang mga lugar sa bansa ang kailangan talaga ng flood control projects.
01:37Mungkahi ni dating Senate President Franklin Drilon, buwagin na ang posisyon ng mga district engineer ng DPWH.
01:44Ugataan niya ito ng korupsyon na kasabot ang mga politiko.
01:47Ang district engineer, para po sa distrito ng Congresswoman yan, hindi po ba?
01:52Eh, ang nagduplicate po sila sa trabaho ng regional director.
01:57Ang usual excuse niya, pera ito ni Congressman So-and-so, pera ni Senator So-and-so.
02:02Kaya, ang ibig sabihin, hindi ka pwede makiala regional director.
02:05Pabor dyan si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na nagsiwalat noon na may ilang kongresistang nangyikbak
02:12o nagbulsa ng pondo sa mga flood control project.
02:15Karamihan daw kasi sa mga district engineer, bagman lang aniya ng mga politiko.
02:20At minsan, sila rin daw mismo ang kontraktor.
02:23Sinusubukan pa namin kunan ng reaksyon dyan ng DPWH pero wala pa silang tugon sa ngayon.
02:28Sa Martes, sisimula na ang investigasyon sa flood control projects ng Senate Blue Ribbon Committee
02:34sa pamumuno ni Sen. Rodante Marcoleta.
02:37May gagawin ding pagsisiyasat ang Tri-Comity o tatlong committee ng Kamara
02:40ang Public Accounts, Public Works at Good Government.
02:43Suestyo ni Drilon, dahil may mga politikong dawit,
02:46huwag kongreso ang mag-imbestiga kundi ombudsman at COA o Commission on Audit.
02:51Sang-ayon din sa kanya si Sen. J.B. Ejercito.
02:54Napagbibintangan po ang dalawang Kamara pero masisiguro ko lang
02:58na sa Senato wala akong kilala na may kontraktor sa amin.
03:04Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
Be the first to comment